Althea
"Guys! Welcome!" Salubong ko sa mga bagong dating. I am hosting a party sa pagtatapos ng library project ng org. na hinahawakan ko sa school. Pasasalamat na din sa magandang takbo ng pamamahala ko sa org na yun. Isa itong books organization, ang mga students na mahilig sa libro kahit anong klaseng libro or magazines ay welcome. Madami na kasi ang mga students na wala hilig sa libro, if may reasearch project, sa internet na kumukuha. Kaya layunin ng samahan namin ang pagpromote sa pagamit ng libro.
I am the president of that org. At senior na ako don. Graduating na din ako sa kursong Business Management, pinatulungan ng mga members ang pagkuha ng pondo or donated books sa project na yun, passing that project on time is a good record for my transcript.
I was born a princess sa mga magulang ko, my mother, Celeste Briones is a beautiful housewife for my politian father. She is our support and cheerleader. My Father, Antonio Briones is the Mayor of the city.
Lumaki ako sa mahigpit na pamamahala ng daddy ko. Noong bata pa ako, nakasanayan kong lagi may nagbabantay sa akin, hindi naman ako aware noon, pero habang lumalaki ako, naiintindihan ko na dahil yun sa trabaho ni daddy. Dahil sa pulitika, madaming nakaka-away ang daddy ko, madumi ang pulitika, kahit anong gawin mo dito, may makaka-away ka. Pag may maganda ka ginawa, someone will still oppose you, He can't please everybody.
But as a father, wala akong masabing masama sa kanya, hindi sya yung tulad sa mga napapanood sa movies or teleserye na pag nasa pulikika, strict at matapang, he is actually loving and caring father to me and a husband to my mother.
Kaya naman gusto ko lumayo sa nakagisnang pamumuhay, i want to be a Business woman. Magtatayo ako ng sariling kumpanya at mamumuhay kami ng pamilya ko ng tahimik, thus I took business management.
Dahil nag-iisang anak lang ako, suportado ako ng magulang ko, open ako sa kanila na ayoko ng trabaho ni Daddy, I even convinced him na pag nagretired na sya, magnegosyo na lang kami, wala naman syang tutol sa plano ko. At Pinangako nya na tutulungan ako, palalaguin namin ang lupang pagmamay-ari ng pamilya ni Daddy.
"Enjoying the party?" Tanong ko sa freshmen na dumating.
"Yes president, masaya sa party mo." sabi nya. I don't know kung totoo yun, pero napaka simple lang ng party na to kung ihahambing sa mga party na inoorganize ni daddy, but never the less, masaya akong maganda ang kinalabasan nito.
Nagpatuloy ako sa pag-estima ng ilang bisita nang dumatig ang Kambal, freshmen din sila pero magaling ang dalawang yun. Kilala ang pamilya nila sa business world. HGC ay kilalang kumpanya na humahawak nang malalaking real estate at architectural firm. Pero hindi ganun lumalabas ang Namamahala nun, sabi nila, sa gabi lang nag-oopisina ang CEO nila.
"Hi Chloe! Buti nakarating kayo.!" Bati ko sa isang kambal. Kahit kambal sila may magkaibang personality sila, girly at kikay manamit, mahilig sya sa mga romance novel, while Chlea ay sporty puro sports magazine naman gusto nya, pero pag naka-uniform sila, mahirap malaman kung sino ang sino, specially if nakaupo lang sila at magkatabi.
"Hmm yeah, pero kasama namin si kuya. May bantay kami." Nakangiting sabi nya.
"Oh, asan sya?"
"He is there somewhere. Wag mo na sya hanapin! Naiinis ako sa kanya! Ginagawa nya kaming bata!" Nakalabing sumbong nito.
"Baka nag-aalala lang sya sa inyo, he must love you both para samahan kayo sa ganitong event, ang ibang kuya jan, mas inuuna ang barkada kesa kapatid you know." Pagtatanggol ko naman sa kuya nya. Totoo naman yun diba? Sa panahon ngayon, madalang na ang kapatid na lalaki na sinasamahan ang kapatid para bantayan.
"Hmmp yeah, you are right, no doubt about that, and we love him too, mula bata he's always there for us. Pero sometimes we just want him to trust us.!" Naka ngiwing sabi pa nya, Tila naiinis talaga sya.
"He must be really something." I said
"You have no idea.!" Se giggles "sana nga makakita na sya ng babae, para sa kanya na mafocus si kuya!" Then She laughs haha poor brother, ibinubugaw na ng kapatid. "Ipakilala kaya kita sa kanya ate?" She grin on me oh no. Wag nya sabihin na sa akin nya ibubugaw ang kapatid nya?
"Haha! Hindi ko ata gusto ang iniisip mo?!" Katatapos lang nya sabihin ang plano nya tapos sakin pa ipapakilala? She's crazy!
"Hahahaha! Why not! That way, we could be real sisters!" Umiling na lang ako, parang hindi kasi magpapatalo to eh. Imagine me? Irereto nya sa kuya nya? Hindi ko pa nga kilala yung kuya nya, masyado itong mailap sa mata ng media at hindi sumasama sa business events ng daddy nila, para syang isang misteryosong nilalang, alam mong nanjan pero hindi mo nakikita. Kung makikita ko sya dito, that would be an honor.
"Ewan ko sayo! Asan ba si Chlea?" Tanong ko na lang.
"Si kuya na lang hanapin natin!" She teased.
Umiling na lang uli ako. Hindi naman sa ayoko makilala ang kapatid nya, pero kung ang balak nya ay ireto ako doon, yun ang ayoko, hmm parang awkward yun.
Buti dumating si Chlea at nawala ang usapan don. Maya maya ay nagpaalam na ako sa dalawa. I entertained other guess pero para akong nabalisa, pakiramdam ko kasi parang kanina pa may nanonood sa bawat galaw ko. I simply look left and right pero wala naman akong napansin. Kaya I ignore it and continue what i was doing.
It's almost midnight, nang parang may tumawag sa akin, hindi ko alam kung guni guni lang pero the voice said, "humarap ka". I look back but then again wala naman akong nakita. I must be tired. Imagining things. Kaya naman pumasok muna ako sa loob upang magpahinga. Malapit na rin naman matapos ang party. Hindi nagtagal, isa isa na din nagpaalam ang mga bisita, i was too tired kaya hindi ko na sila lahat naihatid. Pati ang kambal si Chlea na lang ang nagpaalam. Humingi na lang ako ng pasensya at naintindihan naman nila iyon.
When the last visitor left, umakyat na ako at naglinis ng katawan sa kwarto. Inabot ako ng isang oras bago nahiga sa kama.
It's one tiring and weird night.
-------
Hmm pano ko ba to gagawin?