XXXVIII

6.7K 223 17
                                    

Cyrus

Tahimik kaming dalawa ni Althea sa buong flight namin pauwi sa Pilipinas. I am sure that she is worried sick sa nangyari sa daddy nya. Lalo na't wala pa syang idea kung ano ang nangyar. Hindi ko pa rin kasi alam ang buong detalye ng aksidente ni tito kaya wala din ako sinabi. Basta na lang kami nag empake at mabilis na umalis sa Amsterdam.

Habang nakaupo, Ikinuyom ko ang aking kamao nang inisip ko ang pwedeng dahilan ng pagkakaospital nito. Kung tama ang hinala ko may kinalaman ang mga sinabi ni tito sa akin noon.

Pagkatapos kasi ng pagpapakilala sa akin nung birthday ko, kinausap na ako ni tito. Alam na nya at kilala nya ang katayuan ko sa lipunan. Kinausap nya ako sa isang nakakabahalang bagay.

Sinabi nya kasi sa akin na hindi pa rin tumitigil ang pagbabanta sa buhay nila. At hiningi nya ang tulong ko.

Flashback

"Ikaw lang ang pwedeng makatulong sa akin Cyrus." Sabi nya sa akin. Huminga muna sya ng malalim bago buksan ang kanyang drawer at may kinuha doon.

"Hindi pa rin tumitigil ang mga nagpapadala nito." Baling nya sa akin at pinakita ang Hindi bababa ng sampu na mga papel na inilabas nya kanina. Isa isa ko itong tiningnan at binasa, pawang mga death threats ang mya iyon na isinulat sa mga ginupit na letra. Naisip ko na yung mga nakalaban nya sa politika ang may gawa noon. Kahit na tapos na ang eleksyon, tuloy pa din sila sa pagbabanta. Bigla kasi nawala ang lead namin noon nang imbestigahan namin sila.

"Aaminin ko sa'yo, na natatakot ako sa mga iyan. Hindi para sa akin pero para sa mag-ina ko.." Sabi pa nya sa akin. "Natatakot akong maulit ang nangyari noong eleksyon. Seeing my family in grave threat is hard, pero mas nakakatakot kung wala akong gagawin tungkol dito.." Nanatili akong tahimik at pinakinggan ang mga sinasabi nya.

"I know you love my daughter, hijo, and  you have the ability and the resources to secure her safety. Kaya hinihiling ko na bantayan mo sya, sa'yo ko sya ipagkakatiwala." Seryosong deklara nya.

"Keep her safe."

End of flashback

Hindi nya kailangan pang magdalawang salita. Regarding Althea's safety pareho lang kami ni tito ng gusto.

Dahil doon, iminungkahi ni tito na ilipat si Althea and I suggested my unit. I gave him The same reason i gave to Althea nung nagtanong sya bakit malapit na unit ang nakuha nya. And he agreed. I am thankful that i got his blessing. Dahil siguro malaki ang tiwala nya na magiging safe si Althea sa piling ko. At ayoko syang biguin.

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon