Althea
"Good morning ms. Althea." Nakangiting Bati sa akin ni Cyrus paglabas ko ng aming bahay. Tulad ng nakagawian, ihahatid nya ako papasok ng school bilang bodyguard ko. At dahil sa ngiti nya, totoong good talaga ang morning!
"Hi Good morning!" Masigla kong bati sa kanya. Sa tingin ng iba bodyguard ko sya but for me, he is my sweet boyfriend, hindi ko na sya nakikita bilang tagabantay ko, dahil alam naman namin ang katotohanan na hindi nya kailangan ng trabahong ito, he is a vampire at sinabi na naman na kaya sya pumasok dito para makilala ako.
Salamat talaga sa pag-intindi nya sa akin, at hindi nya ako pine-pressure, hindi ko pa rin kasi sinasabi na sya ang boyfriend ko. Hindi pa kasi ako nakaka-tyempo para sabihin sa magulang ko.
Kahit na napag-usapan na namin ito dati and naasure ko sya na mahal ko sya, iba pa rin yung ipakilala sya sa iba as boyfriend ko diba? Kaya nga nagdecide ako na sabihin na kina mommy ang relasyon namin pagbalik nila mula Davao, may assembly kasi don ang mga mayor at isinama ni daddy si mommy para makapag bakasyon na din.
Pumasok sa isip ko at sinabi ko kay Cyrus na wag na syang magtrabaho sakin bilang bodyguard ko dahil aminin natin na kahit pa malinis ang intensyon at totoo ang nararamdaman namin, may mga taong tataas ang kilay at may masasabi silang masama kay Cyrus kahit hindi nila kilala ito. Kung ako naman ang tatanungin, wala naman sa estado ng buhay ang mahalaga basta mahal ko, pero hindi ko hawak ang isip ng mga tao, they might see Cyrus as opportunist at ayoko mangyari yun.
But hindi sya pumayag, dahil hangga't may banta daw sa security ko hindi daw sya pwedeng umalis. Sweet isn't he? Magiging iba daw kasi ang sitwasyon pag umalis sya bilang bodyguard ko, isa pa, he is possesive, sabi nya kasi baka daw pabantayan ako ni daddy sa iba at ayaw nya na may ibang gagawa ng ginagawa nya.
Nang makasakay ako sa shotgun seat agad kong inayos ag gamit ko at hinintay na makasakay din si Cyrus, and when he did, agad syang lumapit at walang sabing binigyan ako ng isang halik. Tulad ng una, parang lumipad ang wisyo ko at sinagot ang halik nya. Hindi ko alam kung kasama sa powers nya ang magpawala sa sarili pag hinahalikan nya, dahil yun ang laging nangyayari sa akin.
My boyfriend is a great kisser and lover wala ako masabi sa kanya, he is so insatiable. Ilang araw na din mula nung binigay ko ang sarili ko sa kanya, at ilang beses na din naulit yun, Kaya nga I'm on pills ngayon, hindi pa kasi ako handa, madami pa akong dapat paghandaan eh, una na yung pagsasabi sa relasyon namin, tapos graduation ko pa, building my own business and stabilizing my finances first, baby is my least priority now. Oo mahal ko si Cyrus and I want to build my own family with him, but not just yet, ang mga ganyang bagay ay pinag-uusapan at pinag-paplanuhang mabuti.
"Now, that's the best way to great the morning princess." He said naughtily. Nang magiwalay ang labi namin at nanatili akong nakapikit at naka awang ang mga labi.
I blink several times bago nag-balik ang composure at magaan syang hinampas sa balikat. Bakit kasi gustong gusto nyang nakikitang napapahiya ako sa harap nya!
"Hmp, drive ka na nga! Malalate na ako!" Angil ko sa kanya para maitago ang pagka hiya. I heard him chuckles bago nagsimulang magdrive papunta sa school ko.
Nasa gitna kami ng byahe nang maalaala ko si George, he asked me to go out with him tonight. And i said yes, maybe it's the right time to tell him na hanggang friends lang ang maiooffer ko sa kanya. Hindi tulad ng ineexpect ng mga magulang ko.
"Cyrus, ano.." Simula ko. "George asked me to go out tonight" kinakabahan kong sabi. Alam kong possesive at seloso sya kaya hindi na ako nagulat nang bigla syang tumingin sa akin ng madilim.
"Pumayag ka?" Madiin nyang tanong. I fascinatedly watch his eyes turn red with anger.
"Wag kang magalit agad, i just said yes para linawin sa kanya na hanggang kaibigan lang kami." Pag-aalo ko sa kanya, masasabi ko na kabisado ko na sya, madali sya magalit pero madali ding mawala iyon kaya hindi na ako nasisikdak pag nakikitang pula ang mga mata nya.
His knuckles turned white while gripping the steering wheel tight.
"Pwede ka din sumama para mapanatag ka." I hold his hand and look at him telling him to relax. Hindi naman ako nabigo, dahil lumambot ang expression ng mukha nya at nagrelax din ang mga kamay nya. I smiled at him when he hold my hand.
"I'm sorry Althea, i just don't like that guy." Mahina nyang sabi. Sus, lahat naman ng lalaki ayaw nya!! I smiled at him at umiling na lang, napakaseloso talaga.
After my class, umuwi kami agad at naghanda ako para sa lakad namin ni George, i just wear casual jeans and long sleeves off shoulder blouse and tied my hair in a messy bun.
Nang makababa ako, i saw Cyrus frowning while sitting on a couch at hinihintay ako, lumingon sya sa gawi ko at agad lumiwanag ang aura nya nang makita ako, tapos muling sumimangot nang tingnan ang suot ko.
"Panget ba?" Tanong ko, habang iniinspeksyon ang damit ko, is it too simple?
"Why did you have to look beautiful princess." Sabi nya. Kumunot ang noo ko then napangiti.
He compliments me regarless how simple i may look, hindi ko din nakikita na binobola nya ako dahil nakikita ko sa mata nya ang sincerity ng sinabi nya. Tumayo sya at inayos ang damit sa balikat ko.
"Wag lang syang magkakamaling hawakan ka.." He said after he blew a deep breath "masasaktan sya talaga." Banta nya.
Tiningnan ko sya at tumawa. I can't believe that a vampire like him would be this protective. Dahan dahang tumigil ako sa pagtawa nang lalong nalukot ang mukha nya. Umiiling na lumapit ako sa kanya at hinalikan sa labi.
"I love you Cyrus, at after this, hindi mo na kailangan magselos kay George, dahil ikaw lang para sa akin." Sabi ko sa kanya at humilig sa dibdib nya.
"I love you too Althea, and you will always be mine."
-------
Pano ko kaya idedespatsa si GeorgeHahahaha may galit sa pangalan?
Feel free to comment