Althea
"Dad, it's just a date!" I argue with him, nagpaalam lang naman akong lalabas kasama ni Robert pero ang dami na nya sinabi!
"Hindi mo kilala ang lalaking yun Princess!" Sabi pa nya.
"Pano ko sya makikilala kung hindi nyo ako papayagan makilala sya?!" Pagrarason ko, "Mom?" I look at mommy at humingi ng tulong. She sympathized with me at tumingin kay daddy.
I sighed. "C'mon, I feel isolated! Bahay at school lang ako, lage ako may bantay, ngayon lang ako lalabas with someone." Hindi ko naitago ang lungkot sa bawat salitang sinabi ko, nang tumingin ako sa mga magulang ko nakita ko ang guilt sa mga mata nila, parang gusto ko na bawiin ang sinabi ko pero kasi, yun ang totoo, simulang nang nagkaron ako ng bantay, wala na ako mapuntahan kasama ng iba. At nakakalungkot yun!
"Antonio." Tawag ni mommy kay daddy, they are talking with stares.
"Allright, pumapayag na ako, pero kailangan mo pa rin isama si Cyrus," kundisyon ni daddy, bumuntong hininga ako, Haayyy Cyrus na naman, kanina ko pa pinagiisipan ang gagawin ko sa bantay kong yun!
Naiilang talaga ako sa mga bumubuntot na bodyguard sa akin, simula pa nang malaman ko kung bakit nila ako sinusundan, sa halip kasi na mapanatag ako, mas lalo ko nararamdaman na hindi ako safe eh. Bodyguard is a constant reminder na nasa panganib ako na may magtatangka ng masama sa akin.
Especially Cyrus! Madami ako kina aalangan sa kanya diba?
"Opo." Sagot ko kay daddy, hindi ako makikipagtalo sa kanya about Cyrus, alam ko naman kung bakit ko sya kailangan.
"You look beautiful princess!" Mommy said enthusiastically, she help me picking my dress and accessories. Isang set ng black dress at accessories ang pinili nya. "Dalagang dalaga ka na Hija." Sabi pa nya.
"Hindi po ba masyado revealing for first date?" Tanong ko sa kanya, mababa kasi ang cut nito sa likod.
"Non-sense, kaya nga nilugay natin ang buhok mo eh. You look sexy but not sluty." Tumatawang sabi nya kaya napatawa na din ako, my mom is the coolest, she's my mother, my cheerleader, my protector and my bestfriend.
"Baba na ako ha. Sunod ka na lang, puntahan ko lang ang daddy mo, aatakihin na ata sa puso nang magpaalam ka kanina!" Umiiling na sabi nya i smiled at her and nod. Siguro nabigla talaga sila nang sabihin ko na may date ako. Ano pa ba aasahan ko, they are my parents at nag-iisa nila akong anak protective sila sa akin.
Muli akong tumingin sa salamin at ininspeksyon ang sarili. Inayos ko ng konte ang buhok at nag retouch ng aking light makeup. Nang makuntento, bumaba na din ako para makapagpaalam umalis.
Habang bumababa ako sa hagdan, lumingon sa akin ang mga magulang ko. I can see the admiration in their eyes nang makita ako. Somehow i feel a little sheepish with their stares, I shook my head and smiled sweetly.