Cyrus
Being OIC of the company is tough. Sa akin iniwan ni papa ang pagpapatakbo ng kumpanya pansamantala habang wala sya. Bukod din kasi sa kumpana, sya din ang namamahala sa clan ng bampira kaya parang tulong ko na ito sa kanya.
Part na din ito ng training ko dahil sa pag dating ng panahon, ako din ang mamahala nito kasama ang pinsan ko. Masaya akong madaling natanggap ni Storm si Althea. At wala akong nakitang pagtutol sa ibang kalahi ko sa pakikipagrelasyon ko sa tao. Siguro ilag sila sa akin at sa kapangyarihan ko at ayaw nilang maulit ang nangyari noong tumutol sila sa relasyon ng magulang ko.
Being a child of the poisonous blood makes it harder for me to associate with other vampire. Iniwasan nila ako kaya minsan pakiramdam ko hindi ako bampira, dahil hindi ko maipakita at mailabas ang kakayahan ko sa kanila, dahil may reservations. Ganun din sa tao, kahit isa sa kakayahan ko ang tumagal sa araw at hindi nila mapansin na bampira ako, alam kong iba ako sa kanila alam kong hindi ako tao.
But being with Althea, i feel both. Dahil tanggap nya ako, i can feel and show her my abilities as a vampire and at the same time, i can love and live with her like a normal person. With her, i feel whole. No pretending,
A boring lunch meeting sa office ang dinaluhan ko ngayon. Binasa ko ang papeles na binigay nila at mabilis na pinag-aralan yon. They discuss the terms and other concerns about sa isang project na hawak nila. Panaka naka akong tumatango, sumasagot at kunwari nakikinig kahit na sa totoo ay gusto ko na tapusin ag pag-uusap at pumunta sa restaurant na pupuntahan namin ni Althea.
We are celebrating the partnership na na finalize na kanina.
Malapit na kaming matapos nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone sa pangalawang ring nito at sinagot agad nang makitang si Althea ang tumatawag. I just signal my hands sa mga kaharap na sasagutin ko ang tawag bago sila talikuran.
"I'm almost done here, princess, pupunta--" bungad ko agad sa kanya. I want to see her now.
"Cyrus help!" Putol nya sa akin.
Napasinghap ako nang marinig ang kalabog ng cellphone at pagsigaw ni Althea sa kabilang linya.
I let out a small growl at mabilis na tinungo ang basement parking ng office. Sa fire exit na ako dumaan dahil mas mabilis ang takbo ko kesa pagbaba ng elevator. Sumakay ako agad sa motor ko na nakaparada doon at pinaandar ito.
The hell with the traffic violations. Wala akong pakelam kung mabali ko ang batas trapiko sa bilis ng takbo ko, ang mahalaga sa akin ay maabutan at maligtas ko si Althea sa kung anong nangyayari sa kanya.
Lampas na ako sa restaurant na dapat ay pagtatagpuan namin. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at hindi ako nabigo nang makita ko ang sasakyan nya sa unahan. May isang itim na kotse ang humahabol sa kanya at binabangga ang likod na bahagi nito.
Nagdilim ang paningin ko sa nakita. Automatic na lumabas ang kakayahan ko at bumagal ang lahat sa paningin ko.Bawat bala na binaril nila sa akin ay madali kong naiwasan. I used my power to manipulate mind and make them shoot each other. Nang makalapit ako sa kotse nila, just kick it para matumba.
Nang maiwan ang kotse sa likod, mabagal nang hinabol ko ang kotse ni Althea at relieved na tiningnan sya sa loob. i was focused to see Althea's situation at hindi ko napansin ang isang motor na lumapit sa kabilang bahagi ng kotse.