Althea
Nakita ko na agad si George na nakaupong naghihintay sa tabi ng bintana ng isang restaurant sa labas ng Manila pag dating namin ni Cyrus sa napag-usapan naming lugar.
Bumuntong hininga ako nang tumigil ang sasakyan sa parking lot ng restaurant at tumingin kay Cyrus.
"Hindi ka na lang papasok?" Tanong ko sa kanya. Nag-usap na kami kanina at sinabi nya na babantayan nya ako mula malayo. Sumang-ayon na din ako dahil baka kung anong gawin ni Cyrus kung bigla itong magselos.
"Yeah, but i will be watching you from here, and i will come to you when i see something inappropriate, okay." Mahinahon pero may diin nyang pahayag. "I still don't like him Althea, kaya stay away from him." Dagdag pa nya.
"Stay away? Mag-uusap kami Cyrus, hindi maiiwasan na hindi kami maglalapit." I reason out. Naiintindihan ko naman na seloso sya, but sobra na ata yung mga warnings nya, sa sandaling pagkakakilala ko kay George, okay naman sya, mabait ito and he is driven with his profession and business. Hindi naman siguro masama kung lumapit ako diba? Parang o.a naman kung maguusap kami pero lalayuan ko sya na parang may sakit diba?
Bumuntong hininga din si Cyrus at lumabas ng kotse, pumunta ito sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"All, right, talk to him, but remember that I am here, call me pag may ginawa sya sa'yo okay?" Bilin pa nya. I rolled my eyes at him. O.A naman kasi, usap lang naman gagawin namin diba? Kung magbilin naman tong possesive na bampira na to.
"Opo." I resign, magpapaulit ulit na lang kasi kami kung hindi ako sasang-ayon. Talo pa nya si daddy kung mag bawal sa lalaki but not like daddy, kinikilig ako pag sya ang nagbabawal! Haha c'mon iba naman talaga pakiramdam pag boyfriend mo ang gumagawa nun, pag kasi daddy mo, ang reason nya ay para sa kaligtasan mo, but kung si Cyrus, ginagawa nya yun dahil gusto nya kanya ka lang diba?
I give him a peck on his lips bago bumaba ng sasakyan, nagpaalam na din ako kay Cyrus at pumasok sa establishment.
Lumingon at tumayo si George ng makita akong pumasok, i smiled at him at lumapit sa kinaroroonan nya.
"Hi, sorry, nalate ako, umuwi pa kasi ako galing school." I told him nang makalapit ako,
"It's okay, hindi naman ako matagal naghintay." Sabi nya, pinag-hila nya ako ng upuan at pinaupo ako doon.
"Salamat." I look outside and saw Cyrus seriously watching us, okay i feel awkward. Naalangan na bumalik ang tingin ko kay George na umupo sa tapat ko. Pano ko ba sasabihin sa kanya ang dapat kong sabihin? I can't blantly blur it to him can I?
"Kumusta ka Althea? Mas lalo ka ata gumanda mula nung last nating pagkikita." Napatawa ako sa sinabi nya. Okay I think binobola nya ako.
"Hindi ko alam na magaling ka mambola." Taas kilay kong saad.
"Nagsasabi lang ako ng totoo! You look beautiful," natatawa din nyang sabi. "You are glowing" dagdag pa nya. Umiling na lang ako at hindi pinahaba ang bolahan, i am too happy because of Cyrus at yun siguro ang nakikita nya.
Dumating ang waiter at umorder kami na kami. Nagkwentuhan kami about little things hanggang sa napunta ang topic kay daddy.
"Tito Tony is a great leader, kahanga-hanga sya." He commented, I couldn't agree more, totoo ang sinabi nya, pagdating sa public service, maasahan si daddy. "Pag nasa kampanya kami, he is always mentioning you." He added.
"Sana maganda lang kinukwento ni daddy." I said
"Syempre naman, lagi ka nya pinagmamalaki eh." Pag bibida nya. "Sometimes i think he wants me to court you." Nakangiti nyang sabi.
"Uhm about that, i think tama ka, nirereto talaga ako Ni daddy sa'yo," nahihiya kong amin at nag-baba ng tingin.
"Tingin ko naman, walang problema don diba, Althea," biglang sabi nya, napatingin ako sa seryoso nyang mukha. "I'm getting to know you at Pwede naman kitang ligawan diba?"
"Ano, kasi, George, yun nga sana gusto ko sabihin ko sayo," simula ko. "Hindi kasi lingid sa akin ang gusto ni daddy, kaya lang.. Hanggang kaibigan lang kasi kaya ko Ioffer sa'yo." I said truthfully. Mejo gumaan ang pakiramdam ko matapos ko sabihin yun. Muli akong tumingin sa labas at tiningnan si Cyrus, i felt happy nang makita sya, may nagawa na akong first step para hindi sya maitago bilang boyfriend ko.
"Is it because of your Bodyguard?" Tumingin ako sa kaharap at kinabahan sa pagbabago ng expression nya. Kung kanina ay friendly ito, ngayon ay hindi na. "May relasyon kayo ng bodyguard mo diba Althea?" Seryoso nyang sabi.
Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kanya.
"So, ang prinsesa ni mayor ay may relasyon sa kanyang bodyguard," he mockingly announced, nanatili akong tahimik at walang masabi. " alam ba ni tito na ang kinuha nyang bantay sa anak nya ay isang oportunista? Kunwari binabantayan, yun pala bantay salakay sya." Ikinuyom ko ang aking kamay sa ibabaw ng mesa.
"Wala kang karapatan sabihin yan. Wala kang alam." Nagngangalit kong sabi. Ang mga tulad nyang tao ang dahilan kung bakit hindi ko agad masabi ang relasyon namin ni Cyrus mga taong mapanghusga.
Nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya, pakitang tao lang pala ang kabaitan na pinakita nya sa akin noon.
"Tingin mo? Ano kaya sasabihin ni tito pag nalaman nya ito?" Mapang-asar nyang sabi. Naiinis akong tingnan ang nakangisi nyang labi na parang alam nyang hindi maganda ang mangyayari.
"Kung malaman man nya, sinisigurado kong hindi sya manghuhusga tulad mo." How could he say things he doesn't understand. My parents are not judgemental, susuportahan nila ako basta masaya ako. "I think we are done here, wala tayong dapat pag-usapan." Tumayo ako at tumalikod sa kanya, ayokong makipagusap sa tulad nya, dahil sigurado ako, kahit anong paliwanag ko sa kanya, wala syang paniniwalaan, basta kung ano ang nasa isip nya, yun na ang totoo para sa kanya.
Hindi pa ako nakak-isang hakbang nang may humawak sa braso ko. Napadaing ako sa higpit ng hawak nya, galit na humarap ako kay George at kinompronta sya.
"Hindi ka nababagay sa kanya!" Sabi pa nya.
"Bitawan mo ako!" Matalim kong sabi. Ayoko makipagtalo sa kanya. Pilit kong winawaksi ang kamay nya. Pero madiin ang pagkakahawak nya.
Naglalabanan kami sa tingin ng may nagsalita sa likod ko.
"Take your hands off her."
-------
Madedespatsa din kita hahahahaMay galit talaga
😏😏😏
Feel free to comment.