Althea
"Good morning princess" salubong sa akin ni Cyrus nang lumabas ako sa pinto ng bahay namin, dalawang linggo na nang nalaman kong si Cyrus ang bodyguard ko, my father confirmed it nung araw na sinundan ako ni Cyrus dito sa bahay. Hindi nga sya nagbibiro, hindi ko alam kung matutuwa ako o maasar.
Nung una ko sya nakita, I hoped na makilala sya, pero ngayon na araw araw ko sya kasama, Hindi ko makuhang maging masaya.
Kasi naman, diba nakakaasar! Lalo na nung sabihin nya na 'it's my job to keep you safe' haaayy ewan ko ba, kung sana malapit sya dahil gusto nya, iba siguro diba, hindi dahil trabaho nya.
"Papasok ka na ba princess?" Tanong nya habang binubuksan ang pinto ng shotgun seat ng kotse.
"Bakit jan? I can drive on my own." Naiinis kong sabi.
"Hindi pwede, ihahatid at susunduin kita diba." He coolly said. Kinuha nya ang kamay ko at inakay ako papasok ng sasakyan, eto na naman ang bilis ng pintig ng puso ko sa simpleng paghawak lang. Heart wag ka pasaway, he is just doing his job!
"Kaya ayoko ng bodyguard eh. Nakakainis, diba bapat discrete ka?" Pagalit kong sabi, nang umupo sya sa driver's seat at binuhay ang makina, pilit kong itinatago ang nararamdaman.
Oo na, inaamin ko na, attracted talaga ako sa kanya. Sa isang linggong lagi kami magkasama, nakita ko ang ugali nya, he is sweet, gentleman, playful at napapangiti nya ako, minasan, hindi ko nararamdaman na bodyguard ko sya. Lagi sya nanjan para sa akin nakikinig sa mga reklamo ko kahit pinagubuntunan ko sya ng inis nagagawa nya pagaanin ang nararamdaman ko... Pero sa katotohanan, sad to say, it's because it's his job. He is my bodyguard.
"I am discrete," he said smiling "walang maghihinalang bodyguard mo ako," nahigit ko ang aking hiniga ng lumapit ang mukha nya sa akin. "Dahil kung titingnan, i can be your boyfriend you know." Nanlaki ang mata at napaawang ang aking labi. Anong sabi nya? Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang kumindat sya. Napakagat ako sa aking labi.. He said he can be my boyfriend?
"A-ang yabang!" Nauutal kong sabi. Tumawa sya kaya hindi na ako sumagot. Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana, bakit ganito ang lalaking ito? I love to hate him, pero hindi ko magawa, dahil unti unti, nakakapasok na sya sa puso ko. Kung totoo na lang sana na boyfriend ko sya..
Nang makarating kami sa campus, pinagbuksan nya ako ng pinto at inihatid sa pinto ng building.
"Hatid na kita sa classroom mo." Sabi nya nang kinuha ko sa kanya ang mga libro ko.
"Wag na, Masyado kang obvious." Sabi ko sa kanya. Totoo yun, obvious sya sa mga babaeng ka klase ko, pag nakikita sya ng mga ito, parang bulating inaasinan kung kiligin.
"Eh di pakilala mo akong boyfriend mo, sigurado, hindi sila maghihinala." Tumaas baba pa ang kilay nya. Hindi ko napigilan ngumiti, hahaha ang cute nya parang bata.
"Ewan ko sayo!" Umiling na lang ako at tumalikod sa kanya, haayy i can say na magkaibigan kami ngayon, he treats me like his friend not as a person he needs to protect.
Nakangiting pumasok ako sa aking subjects nang umagang yun. Pero nung lunch break, nakita ko sya na naghihintay sa akin sa may cafeteria madaming mga babae ang nakatingin sa kanya pero wala naman syang pinapansin, napakasuplado ng aura nya. I secretly smiled. Hindi ko maiwasan isipin na iba ako sa mga babaeng nakapaligid sa kanya, dahil pag dating sa akin, he is warm and always smile.
Agad syang ngumiti nang makita ako, inalalayan nya ako para makaupo at umorder sya ng pagkain para sa akin.
"Bakit hindi ka kumuha ng pagkain mo?" Tanong ko sa kanya. Nang inilapag nya ang pagkain ko.
"Hindi ako pwedeng sumabay ng pagkain sa'yo princess." Kumunot ang noo ko, bakit naman hindi?
"Why? Pinagbawalan ka ba ni daddy.?" Taong ko muli
"No princess, hindi lang talaga pwede, at kumain na ako kanina." Sagot nya sa akin. Ito ang isa sa pagkakataon na pinapakita nya sa akin na tapat sya sa trabaho nya, and i hate it.
Kung gaano kaganda ng mood ko nung umaga, ganun ka panget din nung hapon. Nakakainis, buong break sya nagseryoso at binantayan ako, para syang spy na lumilibot ang tingin sa loob ng cafeteria. Kaya naman patagong umalis ako ng school para iwasan sya nung uwian. Nagpatulong ako sa kaibigan kong babae na sa likod dumaan para makatakas ako sa bantay ko.
Naghiwalay kami ng kaibigan ko sa isang mall, naglibot-libot ako doon at nagpalipas ng oras, magtatakip silim na nang nagpasya ako umuwi.
Lumabas ako ng mall at naghintay ng taxi para makauwi, bahala na si Cyrus kung nasaan man sya.
Isang itim na van ang tumigil sa aking harapan, sinukluban ako ng takot nang may mga lalaking lumabas sa sasakyan at lumapit sa akin. Bago pa ako nakatakbo ay nahablot na nila ako at sapilitang isinakay sa van.
Abot abot ang dasal ko nang busalan nila ako sa bibig at itinali ang aking mga kamay. This is kidnapping! Wala akong magawa kundi umiyak sa takot sa mga nangyayari.
Puno ng pagsisisi ang isip ko nang oras na yun, kung hindi sana ako tumakas kay Cyrus hindi mangyayari to.
Cyrus..
Ibinaba nila ako sa isang abandonadong bodega sa kung saang lupalop ng mundo ito. Walang pinto at bukas ang bintana ng lugar, madilim ang paligid. I tried to wiggle my body para makalaban sa kanila, pilit ko din kinakalas ang pagkakatali ng aking kamay pero masyado itong mahigpit. I cried like a helpless person asking for help.
Isang lalaki ang nag-alis ng aking busal at patulak na pinaupo ako sa isang sirang sofa doon. Halos sumubsob ako lakas ng pagkakatulak nya, dahil nakatali pa din ang aking kamay, nauntog ang aking noo sa nakalabas na kahoy sa headrest ng sofa na yun.
"Mga walagya kayo! Ano bang kailangan nyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Makulit kasi ang tatay mo, pinagbantaan na sya ni boss na wag tumakbo pero tumakbo pa rin sya, kaya napagutusan kaming patayin ka para malaman nya na seryoso ang amo namin." Nakangising sabi ng isang lalaki sa gitna, nagtawaan pa at sumang-ayon ang mga kasama nya. Sa tantya ko may benteng katao sa lugar na ito.
"Tulllong, tulloong!!" I screamed on top of my lungs hoping na may makakarinig sa akin. Pero tinawanan lang nila ako.
"Ang ingay, patahimikin nyo na yan! Nang matapos na tayo dito!!" Sigaw ng isa. Hilam sa luha tumigil ako sa pagsigaw, it's useless. Walang nakakarinig sa akin, walang tulong na darating. Nawawalan na ako ng pag-asa. Isang lalaki ang nagtutok ng baril sa akin. Pumikit ako at tinanggap na ito ang magiging katapusan ko.
Sorry mommy, hindi na ako makakauwe, daddy patawad sinuway ko kayo.
Kung hindi sana ako tumakas, wala ako dito.
Cyrus.. Paalam..
Nanatiling akong nakapikit, kasa ng isang baril at mga kaluskos nila ang aking naririnig. Ramdam ko din ang luhang pumapatak sa aking pisngi.
Hanggang sa umalingaw-ngaw ang isang malakas na putok ng baril
BANG.
------
Makulit eh.
Feel free to comment.