Kasalukuyan nang minamaneho ni Mark ang kanyang kotse. Nasa passenger seat si Nate habang nakaupo naman sa backseat si Kalley. Namamagitan ang katahimikan sa kanilang tatlo.
Hanggang ngayon ay inaalala niya pa rin ng paulit-ulit sa isip niya ang mga nangyari kani-kanina lamang:
"Damn, stop it! You're the father, Mark."
Nang marinig niya ang sigaw na iyon ay tila awtomatiko siyang natigilan at dahan-dahang napatayo mula sa pagkaka-dagan kay Nate na siya naman'g lapit ni Kalley rito upang tulungan itong makatayo. Tinunghayan niya ang dalawa na ngayon ay tuluyan nang nakatayo. Halatang-halata sa mga mata niya ang pagka-gulat. Tila natahimik rin ang lahat ng tao na naroroon.
Mark: I-I am?
Humugot muna ng malalim na hininga si Nate at saka pinakawalan iyon. Namutawi sa kanyang mga labi ang isang pagkatamis-tamis na ngiti na tila ba hindi iniinda ang lakas ng tama ng kamao sa kanyang pisngi at mukha.
Nate: Yes, you really are.
Lalong nagulat si Mark sa narinig, magiging ama na siya, tama, hindi siya nagkamali sa narinig. Tila ba natulala agad siya at inilibot niya ang paningin sa paligid, lahat ng tao ay nakilala na siya. Na siya nga ang Markus Feehily na dating miyembro ng bandang Westlife. Nabakas niya sa mga mukha ng mga tao na nandoroon na nagulat rin ang mga ito, ngunit mas nangibabaw ang pagkamangha at saya sa mga mata nito. Malamang bukas ay maibabalita na ang tungkol sa pagiging ama niya dahil sa nangyari ngayong hapon. Ngunit hindi niya na naisip ngayon. Dahil ang naiisip niya ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Ni Sol at ang anak niya sa sinapupunan nito. Mabilis niyang ibinaling kina Nate at Kalley ang tingin.
Mark: Where is she?
Nate: I think, she's already at the house.
Nagtaka man si Mark kung bakit sa bahay ni Nate tumira ang dalaga ay hindi niya napinansin iyon.
Mark: Lead my way.
Agad na nagkatinginan si Kalley at Nate, sa huli'y sabay silang tumango.
Agad silang tumakbo papunta sa nakaparadang kotse ni Mark na nasa tapat lamang ng naturang cafe.
~~~~~>
Pagkababa ng naturang cab ay agad niyang binuksan ang front door ng kanyang bahay, binuksan niya ang ilaw sa loob ng living room. Inilibot niya ang paningin sa paligid ng sala, tila ba walang nagbago sa ayos ng bahay, ang mga gamit kung saan niya inilagay ay naroroon parin at tila hindi nagalaw. Agad siyang humakbang paakyat sa second floor ng bahay at pumasok sa loob ng kwarto. Pagkatapos noon ay nilibot niya ang buong bahay at binuksan ang lahat ng ilaw sa buong bahay.
Muli ay bumalik siya sa kusina upang kumuha ng maiinoom, kumuha siya ng isang baso'ng tubig at ininom iyon. Hawak niya pa rin ito nang sumandal siya malapit sa sink. Hinimas-himas niya ang puson niya.
Sol: D-Dito kita palalakihin. Mamahalin kita ng sobra-sobra para hindi mo maramdaman na may--may kulang sayo. S-Sana..m-maging sapat ako sayo.
Tuluyan nang napayuko si Sol at yumugyog ang mga balikat na indikasyon na nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
~~~~~>
Agad silang nagbabaan sa maroon maserati nang marating nila ang bahay ni Nate. Sabay-sabay silang tumakbo papalapit sa pintuan ng bahay ni Nate, pati rin si Kalley na tila ba wala lamang sa kanya ang suot na high heels.
Ngayon ay nalinawan na siya, nalinawan na siya na si Sol nga ang mahal ni Mark, na kahit kailan ay hindi siya maaaring mahalin ng taong gusto niya. Na bakit hindi niya bigyan ng pagkakataon ang taong una pa lamang ay nandyan na at nagmamahal na sa kanya? Na walang iba kundi si Nate.
BINABASA MO ANG
We Were Made For Each Other [ Markus Feehily FANFIC ] COMPLETED
FanfictionMarkus Feehily Fanfiction.