Sa gabing malamig na tanging ulan lang ang nakadamay. Malawak na lugar, ngunit parang nakakulong sa bangungot. Liwanag ng malayong ilaw na kung titingnan ay parang maliliit na bituin sa lupa.
Iyak, hikbi.. mahapdi! Sakit sa puso'y dumadampi. Luha at pawis na halos sumanib na sa ulan. Tubig na malamig, bumubuhos sa buong manhid niyang katawan.
Tunog ng hangin, ulan at duyan, tanging maririnig. Sa parkeng madilim, ang kanyang mga matang punong-puno ng sakit at lungkot ang tanging liwanag.
Nanginginig..
Nanginginig..
~~~~~>
Litratong nakita, nasa isip parin. Di maiwaglit sa utak at puso.
Ngunit mga ngiti at inosente niyang mata ang tanging naaalala. Di maisip kung paano nagawa.
Iyak niya, pakiusap niya. Ang tanging boses na naririnig sa tenga at pauli-ulit na napapanood sa isip. Gustong humiwalay ng sarili sakanyang minamahal, ngunit hindi pinayagan ng pusong sumisigaw.
Alam na mali ang nagawa. Ngunit puso niya, nagmamahal parin.
Sa panahong, tanging alak lang ang madaling malapitan at nakakapag-pahupa ng sakit na nadarama.
Dalawa ang paningin..
Dalawa..
Minabuting lumayo, iniwan siya. 'Yun ang makakabuti sakanyang mga mata. Nasaktan.
~~~~~>
Parehas nasaktan.. ng mga tao at tadhanang sadyang mapaglaro. Kahit na nagmamahalan, pinilit ipaglayo.
Kaya bang ipagtanggol? Laban sa malupit at mapanghusgang mundo? Kaya ba'ng ibalik?
Ibalik ang mga salitang... We Were Made For Each Other ??
Author's:
Hi! Just want to say that starting next week, magpa- publish na ako once a week. I'm just so excited to work for this for all of you.
Thanks for supporting me! Especially to all WESTLIFERS and FEEHILYERS. You don't know guys how much you inspire me. AND! Of course, the lads that make me feel happy when I'm sad through their timeless and beautiful song, WESTLIFE.
At sinabi ko na after months pa, bago ko i- publish yung next chapters, pero di ko mapigilan e. Nae-excite kasi ako sa mga mangyayari. So, I just hope that you'll like the whole story.
And do read, vote and comment continuously, okay? I'm gonna expect that. To the silent readers, please, I'm begging you. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman ako nangangagat 'pag negative yung comment n'yo e. xD
So, please, comment everything that you want. And you can just comment kung gusto niyo pong magpa- mention. ;) :)
BINABASA MO ANG
We Were Made For Each Other [ Markus Feehily FANFIC ] COMPLETED
Hayran KurguMarkus Feehily Fanfiction.