☆Prologue☆
Sigawan, Asaran, Tawanan, Harutan, Murahan...
Yan ang lagi mong maririnig sa room namin, ang 1st section ng Grade 8 dito sa Ridgeford River University. Ridgers ang tawag saming mga estudyante. Kahit ganyan ang mga klasmeyt ko, masaya talaga silang kasama. Although na sinasabihan kaming "Worst Batch" kasi kami lang daw ang naging first section na maingay, nagiging tropa parin namin yung mga teachers dahil sa kakulitan at mga trip namin.
At isa sa mga gusto ko sa mga klasmeyt ko ehh ang hindi nila pang aasar sa mga bias ko ahahah...at yeah, isa akong fangirl ng isang kpop group na tinatawag na Bts. Sila ay isang boy group at hindi band kasi di naman sila tumutugtog. Sumasayaw lang sila, kumakanta at nag ra rap. Kahit na minsan (well di lang naman minsan) ehh hindi ko sila maintindihan, mahal na mahal ko parin sila. Alam ko, I can be their fan but not their girl (masaklap na katotohanan) ;(...okayy too much naaa ahahaha
Kung sa school, wala akong ka proble-problema, sa bahay naman ehh tadtad ng problema.
Broken Family lang naman ang meron ako. Si mama at papa ehh hindi kasal pero live-in partner sila DATI. Simula pa lang kasi nung bata ako ehh madalas na sila mag-away. Dati pag nakikita ko silang nag-aaway, umiiyak pa ko sa kwarto. Sigawan sila ng sigawan na may kasamang malulutong na mura. Buti nga di nagbabatuhan ng plato or kung ano-ano ehh. Ganyan ang laging nangyayari gabi gabi sa bahay hanggang sa isang araw, siguro nagsawa na sila sa mga away nila kaya naghiwalay sila. Sinusuportahan parin naman nila ang pag-aaral ko. Si papa ang nag babayad sa tuition ko. Si mama naman sa iba pang gastusin. Minsan si mama na ang nagbabayad ng tuition ko pag hindi nakapagbigay si papa.
Kay mama ako umuuwi every weekdays at kay papa naman every weekends or pag walang pasok. Pag bakasyon naman, salitan lagi. Kung nung nakaraang taon ehh kay papa ako nag pasko at nag new year, siguro ngayong taon kay mama na ko mag babagong taon at mag papasko.
Naiinis ako pag uwi ko kasi simula ng maghiwalay sila ni papa ehh merong ibang lalaki na kinakasama si mama. Bata palang ako nang makilala ko yun. Akala ko magkaibigan lang sila kaya naman nakikipaglaro pa ko sakanya. Bata pa kasi ako nun kaya ganun. Madalas ko pang naririnig na mag-usap yung mga mga ninong at ninang ko tsaka sila mama pag nagkikita. Isa pa yun sa kinaiinisan ko. Pati sa kahit anong event ng pamilya namin sa side ni mama ehh kasama yung lalaki na yun. Pag nag-uusap sila nila mama at ang laging tanong sakanila..."Masaya ka na ba sakanya?"...si mama naman ehh walang ka gatol gatol sumagot ng "Oo" sabay akbay dun sa lalaki. Naiinis ako sakanya minsan kasi nakikita ko nalang sa post ni mama na pumunta sya dun sa probinsya namin kasi andun yung tito at tita ko tapos imbis na ako yung kasama nya ehh yung lalaki yung kasama nya dun. Ano, kamag-anak ba sya? Samantalang ako, ako na anak nya mismo ehh hindi ako kasama.
Naaasar ako dun sa lalaki na yun kasi mas binibigyan syang pansin ni mama kesa sakin. Yung tipong, nagkwekwento ako sakanya tungkol sa mga nangyayari sakin araw-araw. Ganun kasi yung pinsan ko kay ninang. Di nagtatago ng sikreto. Ganun naman ginagawa ko kasi sabi ni mama mas maganda daw pag ganun. Nag kwekwento naman ako pero wala syang pake. Tumatango-tango lang siya pero alam kong di sya nakikinig kasi busy makipag harutan dun sa lalaki. Tapos pag nag usap na kami, yung kami lang talaga wala yung lalaki, sinasabi nya sakin na wag magtatago ng sikreto, ikwento daw sakanya lahat. Ganun naman ginagawa ko ehh, di nya lang napapansin dahil yung atensyon nya andun...sa iba. Gusto ko sanang isumbat sakanya yun kaso naisip ko, ang sama ko namang anak. Selos na selos talaga ako dun sa lalaki na yun hayst -_-
Grabe noh! Di pako nag papakilala pero may problema na agad akong kinwento..
Ako si Kathyrine Santos, 14 years of age at nag-aaral sa Ridgeford River University.
Napakamiserable ba ng buhay ko? sanay na naman ako sa ganitong buhay. Masaya sa umaga, malungkot sa gabi. Minsan pag pasok ko sa skwelahan namin ehh magang maga ang mga mata ko kakaiyak sa mga problema ko. Nakakatulong kasi ang pag iyak ko para mabawasan ang mga sakit na dinadala ko. Akala ng iba walang magagawa ang pag iyak sa problema. Pero dahil sa pag iyak ehh medyo gumagaan ang damdamin natin. Sinasabi ko nalang sakanila na siguro nakagat ng ipis yung mata ko kaya nagkaganyan. Alam kong nakakadiri yung palusot ko pero kasi wala na kong maisip. Ayokong sabihin na umiyak ako. Akala kasi nila wala akong problema dahil sa mga asta ko. Sabi kasi nila, ako yung taong masaya lagi, matrip, loko, tapos tumatawa sa mga mabababaw na bagay.
Anywayczs...sa pag fafangirl nalang ako sumasaya. Yung tipong lagi akong out of this world tapos nagpapantasya lagi ako kila Jungkook, V, Jimin, J-hope, Suga, Rapmonster at Jin. Sila ang mga member ng Bts. Okay lang naman sakanila na isa akong fangirl. Minsan nga binibili pa nila ako ng merch ehh. Ang masaklap lang, minsan ehh pinagbabawalan na ko mag-internet. Yan, lagi tuloy akong outdated. Kaazar, isa na nga rin yung pag fafangirl ko para sumaya naman ako kahit di nya ko pinapansin tapos pipigilan pa nila ako?? Ehh aba matindee...
Lahat ng problema kong ito ehh parang naglaho simula ng makilala ko ang lalaking nagpasaya saakin. Oo, minsan nawawala rin sa isip ko yung mga problema ko pag nag fafangirl ako pero isa rin ang lalaking ito sa mga dahilan kung bakit ako sumasaya. Isang lalaking nag tiyaga para maparamdam sakin na mahal nya ko. Pag nakakausap ko sya sa chat, parang feeling ko wala akong problema. Isa rin sya sa dahilan kung bakit ako outdated kasi imbis na mag hanap ako ng update tungkol sa Bts ehh mas pinipili ko pang ichat sya. Pero dibale na atleast masaya ako. Minsan na nga lang yun ipagkakait ko pa ba sa sarili ko? Mamahalin nya ba talaga ako hanggang sa huli? Totoo ba kaya yung sinasabi nya na ako lang at di nya ako iiwan? Hayyyy, sana nga. Kawalan talaga siya para sakin ehh. Kung baga, sya ang itinuturing kong bias of all my biases...okayy tama na ang landi ko na masyado ahahahah...
×××××
Oyy!! Ikaw!! Oo, ikaw na nagbasa neto!! Salamat :* ahahah...Salamat kasi binasa mo toh kahit ang lame. Credits nga pala kay moongchiyah kasi sya yung nagsabi ng magiging name ng school ahahahah...Sana basahin mo to hanggang sa matapos. Kailangan ko ng reaksyon mo sa story ko...sana wag kang mahiyang mag comment kahit alam kong ang icocomment mo lang ayy kung gaano kapangit ang storyang ito...ang nega ko masyado noh?? ahahah ge yun lang...
Enjoy Reading =)...
![](https://img.wattpad.com/cover/67287820-288-k808121.jpg)
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Novela JuvenilIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...