TWELVE

20 0 0
                                        

-12- Kilig much ?







Kathyrine's POV



"By the way, you look beautiful tonight"

"By the way, you look beautiful tonight"

"By the way, you look beautiful tonight"

"By the way, you look beautiful tonight"





"Hoy bess. Kanina ka pa tulaley dyan."

nabalik nalang ako sa realidad nang biglang pumitik pitik sa may mata ko si Christine. Letshe kasi si Jake. Di tuloy ako makaget over sa "you look beautiful tonight" scene namin kagabi. Lakas mag pakilig ng isang Jake Cruz. Buti nalang wala kaming pasok ngayon kundi lutang ako sa school ngayon. Kaso andito naman si beshyy. Wala kasi akong kasama tsaka medyo boring kaya pinapunta ko sya dito. Ang aga nga lang. Nag sabi ako sakanya ng 7:30 tapos dumating sya agad ng 8:25. Naka pajama pa sya. Mukha tuloy kaming nag sleep over.

"Bakit ka ba tulala? Dahil ba kagabi? Kwento naman dyan..." sabi nya sabay pweso sa harapan ko na parang batang makikinig sa isang story telling. Hayyy. Mapapasabak ako dito. Well, wala akong choice kundi ikwento sakanya.





-flashback-




"By the way, you look beautiful tonight" bulong ni Jake sabay hila sakin ulit.

WEYT, TAMA BA YUNG NARINIG KO?! SINABIHAN AKO NI JAKE NA MAGANDA DAW AKO?! LIKE PWEDE NA BANG MAMATAY NGAYON?! YUNG PUSO KO PARANG MAY KARERA SA SOBRANG BILIS NG TIBOK.

I HATE YOU JAKE!
BAKIT MO KO PINAPAKILIG NG GANITO!

naglakad lang kami ni Jake hanggang sa di ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng kotse nya o nila? Like da heck men. Grade 8 palang kami pero may kotse na siya?

"Get in." sabi nya pag kabukas ng pinto ng kotse nya.

"P-pero..." gusto ko sanang sabihin na wag na pero pinigilan nya ko.

"It's getting late. Ipapahatid nalang kita kay manong. Baka kung anong mangyari pa sayo." taena mo Jake. Mamamatay ako sa sobrang kilig ehh.

"P-pano ka?" tignan mo? Di ako makapagsalita ng maayos like omayghad.

"Malapit-lapit lang bahay namin dito kaya maglalakad nalang ako. I can manage. Kesa namang umuwi ka mag-isa na ganyan itsura mo. Baka kung ano pa mangyari sayo. Diko mapapatawad sarili ko."

AT PAGKATAPOS NYAN, NAMATAY ANG BABAENG NAGNGANGALANG KATHYRINE SANTOS SA SOBRANG KILIG...CHARARAT LANG. PERO TAENA MO TALAGA JAKE!

di na ko sumagot pa at sumunod nalang sakanya. Pumasok ako saloob tapos sinara nya na yung pinto. Pumunta sya sa may driver's seat at may binulong sa driver nya.

"Sige po ser" sabi ni manong.

"The best ka talaga manong Raul. Sige po mauna na po kayo." aba ang bait din naman pala dizz boy. Sinara nya na yung pinto at maya maya, umandar na ang kotse na sinasakyan ko.

"Ahh mam. Sensya po sa istorbo pero kaano ano nyo po ba si ser Jake? Gerlpren po ba nya kayo?" pwede ba mabilaukan sa tanong ni manong? Kasi bigla nalang syang nag salita nung nakalayo layo na kami ng konti sa school. At ang tanong pa kung girlfriend ako ni Jake. Like in my dreams manong. Tingin ko di magkamagusto sakin ang isang Jake Cruz. Ang saklap talaga ng katotohanan.

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon