-20- This is War ?~
Lumipas ang tatlong linggo. Walang nagbago sa mga Ridgers kung paano nila ako itrato. They already know that I'm Kathyrine. Homayghad english! Anyways, yun nga. Kilala na nila ako bilang Kathyrine Santos. Alam na nilang hindi ako transferee student. Pero simula nung pasukan, they always call me 'Ridgeford Princess'. Alam na rin ni Christine yung about dun. Mapilit sya eh kaya sinabi ko na. These past few days, madalas akong nabibigyan ng attensyon. Not because of being 'Ridgeford Princess', but also because of my looks. Maraming nagsasabi na ang ganda ko daw. At sa loob ng 3 weeks, may natanggap na akong letters, chocolates and flowers. Sosyal noh? Nako, baka lumaki ulo ko nito dahil sa mga compliments nila.
Pero ang pinaka pinagtataka ko, yung paglayo sakin ni Anika. Akala ko ba, she will make my life a living hell? Pero 3 weeks nya na akong iniiwasan. Siguro kailangan ko nalang maging handa sa kung ano man ang gawin nya. After all, good sign naman siguro yung pag iwas nya sakin diba? Siguro, ayaw nya na ng away.
Andito ako ngayon sa parking lot ng school. Sinimulan ko mag bike nung pasukan diba? So 3 weeks narin ako nagbabike papasok. Di naman nagagalit si mama ehh. Actually maganda narin toh para tipid sa pamasahe. Habang nilo-lock ko naman yung bike ko, biglang may dumating na siraulo.
"Goodmorning Loves!" masiglang bati sakin ni Harold. Di ko pala nasabi. Sa loob din nung 3 weeks na yun, lagi nang lumalapit sakin si Harold. Isa rin sya dun sa mga nagbibigay ng kung anu-ano sakin. Hayy, hirap maging maganda *wink*.
"Walang Good sa Morning kung ikaw ang sasalubong sakin." pagtataray ko sakanya habang busy ako sa pagbabalik ng susi ng bike sa bag ko. Inirapan ko sya at tsaka naglakad ng dire-diretso. Pero ang mokong, sinundan akong maglakad.
"Ang sungit mo talaga Loves." sabi nya sabay akbay pa sakin. Hay, bwisit talaga sya.
"Wag mo nga akong akbayan, di tayo close. Tsaka Kathyrine ang pangalan ko. Hindi Loves." sabi ko sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko. Bwisit talaga sya. Kung di lang sya gwapo baka isipin kong minamanyak nya ako.
"Edi Kathyrine Loves. Ganda diba? Kasing ganda mo." at nakuha nya pang mamilosopo with matching taas-baba ng kilay ahh. Lupet talaga nang siraulo na toh.
Muli ko syang inirapan at dire-diretso lang ang lakad ko. Pero sinundan nya parin ako. Pasalamat nalang sya at wala sila Vin dito. Maaga pa kasi kaya naman konti palang ang Ridgers. 5:30 na nga ako pumasok para lang hindi ko makasabay si Harold tapos biglang maaga din palang syang pumasok? Hayst.
Nang makarating kami sa 2nd Floor, naramdaman kong gumaan yung bag ko. Pagtingin ko sa likod ko, buhat na pala ni Harold ang bag ko habang nakasabit parin ito sa likod ko.
"Loves, ang bigat ng bag mo."
"Wala kang pake, di naman ikaw yung nag bubuhat." well, medyo may kabigatan nga ang bag ko ngayon dahil sa mga libro na iniuwi ko kahapon. Ehh pano ba naman. Sunod- sunod ang quizzes namin ngayong Tuesday!
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
JugendliteraturIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
