TEN

34 1 2
                                        

-10- Shy?~






"Kath. Gising na"

"Anak. Gumising ka na"

"HOY MISS KATHYRINE SANTOS BUMANGON NA'T MALALATE KA NANG BATA KA!"




Ang ingay naman ni mama. Hayts. Kinuha ko agad yung isa kong unan at itinakip ko sa mukha ko sabay tagilid sa kama ko. "Five minutes pa ma." sabi ko sa naiiritang boses.

Napuyat kasi ako kagabi. Kaines kasing Jake yan. Kakachat ko sakanya buong weekend, lagi na tuloy akong puyat. Umaabot kami nang madaling araw. Kagabi 4 am na ako nakatulog tapos gigisingin ako nang 6 am. Kamusta naman tulog ko nyan? Hayyy puyat pa more.

Narinig ko agad ang pagbuntong hininga ni mama. Sa wakas. Tingin ko give up na sya. Makakatulog pa ako.

"Tita. Ako na pong bahala dito." WHAATTTT?! DI LANG SI MAMA ANG TAO DITO SA KWARTO KO?!! Huhu sino kaya yun? Boses lalaki ehh. Hmp. Bahala sila. Mamaya na ako babangon. Sunod ko nalang narinig ay yung pagsabi nang 'okay' ni mama at ang pagsara ng pinto. Lumabas na ata si mama. Wala pang ilang segundo nung may lumabas sa kwarto ko, bigla nalang may nagtanggal ng unan sa mukha ko. Nasilaw tuloy ako. Peste sino ba yun? Bwisit yun ahh. Tinakpan ko agad ng kumot yung mukha ko.

"Hoy spongebob. Tumayo kana nga dyan. Malalate ka na." Aba at tinawag pa akong spongebob ng kupal. Sino ba kasi toh.

"Ayoko pa. Sino ka ba at bakit ka nandito ha?" nakatakip parin ang mukha ko nung sinagot ko sya. Ehh sa nasisilaw ako ehh.

"Nag ka long weekend lang nakalimutan mo na ang gwapong nilalang na katulad ko?" diko man sya nakikita pero alam kong nakangisi sya. Tae ang hangin naman nya. Agad kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nakita ko agad si Shawn na nakatayo sa harapan ko habang hawak ang unan ko kanina. At tama nga ang hinala ko, nakangisi sya. Bakit ba kasi andito tong kupal na toh?

"Bakit mo ba ko tinatawag na spongebob ha? Kupal ka rin ehh" bigla nalang syang umupo sa gilid nang higaan ko. Unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha. Ako naman, pilit na lumayo sa kanya. Bakit ba mahilig sya lumapit? Pasalamat sya mabango at gwapo sya.

"Spongebob kaya yung undies mo nung isang araw." bulong nya saakin. Nakaramdam ako nang pag init ng pisngi ko. Taee nakakahiyaaa. Agad kong tinakpan muli ang mukha ko. Ayoko naman makita nya ang pamumula ng mukha ko noh.

"Ba-bakit m-mo alam ha?!"

"Syempre ako nagbigay nun sayo kaya nakita ko." narinig ko agad ang pagtawa nya. Kadiri rin tong lalaking toh.

"Ang manyak mo rin noh."

"Tumayo ka na nga dyan. 6:00 a.m na. Malapit na tayong malate" agrrrhh antok pa ako ehh. Letsee talaga bakit pa kasi may 7 am class.

"Ayoko pa. Maya maya na."

"Sige pag hindi ko bumangon dyan, ipagkakalat ko sa school na natagusan ka at worst, spongebob ang undies mo." bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Waaaaa! Nakakahiya naman yun. Agad akong tumayo kahit labag sa kalooban ko. Nakakahiya naman yun noh.

"Sabi ko nga babangon na." bigla namang humagalpak nang tawa si Shawn. Peste talaga sya. Ang lakas mang blackmail.




Pinaalis ko agad sya sa kwarto ko tapos pumunta agad ako sa c.r para gawin ang daily rotuine ko. Bakit kaya andito yung lalaking yun? Ang aga aga mambubuysit. Nang matapos ako, nagsuot ako ng uniform. Sinipat ko agad ang orasan ko sa kwarto. 6:10 palang pala. Peste pinagmadali ako. Pinatuyo ko ang buhok ko tapos agad iyong itinali na pa bun. Pagkatapos nun, bumaba na ako. Nakita ko si Shawn na nakaupo sa may sala. Feel at home ang lolo nyo. Nakataas pa ang paa. Letse talaga sya. Diko sya pinansin at dumeretso nalang sa may dining room. Nakita ko dun si mama na nag aayos ng pagkain. Hinalikan ko muna si mama sa pisngi tsaka umupo na at sinimulang kumain.




Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon