-6- Remembrance~
"Uy sis si Anika kasama yung mga kaibigan nya nasa canteen"
"Huh? Bakit? Ang aga naman nila sa canteen ngayon."
"Nakita ko sila kanina, nag lilinis dun."
"What? Sila Anika? Nag lilinis?"
"You heard it right sis. Balita ko pinapunta sila sa principals office kasama yung Kathyrine Santos."
"Oo nga pala. Yung Kathyrine Santos daw yung binully daw nila nung isang araw."
"Community service siguro yung parusa sakanila."
"Tama lang sakanila yun. Sumosobra na rin kasi yung babaeng yun ehh"
"Shh. Tumahimik ka nga. Baka marinig ka nila. Sige ka baka ikaw ang sunod nilang ipahiya."
"Tss...whatever. Tara na nga."
Nandito kami ngayon ni Christine sa may pader nagtatago habang nag-uusap yung dalawang babae. Naisipan kong makinig ng usapan nila nang marinig ko ang pangalan ni Anika. Ano kayang ginawa ng bruhang yun at bakit di natuloy ang pag suspend sakanya? Umalis na yung dalawang babaeng nag chichismisan--este nag uusap kaya naman lumabas na rin kami ni sa pinagtataguan namin. Di ko naman maiwasang mag alala dahil dun sa mga narinig ko. Kahit naman may galit sila saakin ehh concerned parin ako sakanila.
"Kawawa naman sila Anika. Mas mabuti pa yatang nasuspend sila kesa naman mag linis sila dun sa canteen. Mas nakakahiya yun."
"Alam mo kath, masyado kang mabait. Tama nga lang sakanila yun noh. Kulang pa nga ata yun ehh." sabi ni Christine sabay irap. Grabe naman tong babaitang toh.
"Ang harsh mo naman masyado bess. Tao rin naman sila noh."
"Ay...tao pala sila? Sorry di ako nainform. Ugaling hayop kasi sila eh. Hayst. Halika na nga. Puntahan natin sila Anika." bago pa man ako makatanggi ayy hinila na nya ako papuntang canteen.
At matapos ang 'hilahan scene' namin ni Christine, (ehh pano hilahin ba naman ako at halos mamula na yung wrist ko sa sobrang higpit ng hawak nya. Pero infairness malakas ang babaitang ito) sa wakas nakarating na kami ng canteen. Ang sakit na ng wrist ko grabe.
"Ma--" bago ko pa man matapos ang unang salita ng reklamo ko, tinakpan nya na ang bibig ko at nag 'shhh' sign saakin.
"Arggghhh" nang marinig namin yun, agad ulit kaming nag tago. Sure ako galing kay Anika ang boses na yun.
"Calm down Anika." sabi nung ni...well diko kilala kasi nakikinig lang kami at di namin sila makita. Di naman kami chismosa ano? Kanina yung dalawang babaeng nag uusap ang pinapakinggan namin. Ngayon sila Anika na.
"Anong Calm down?! I cannot calm down if we're still here and cleaning this stupid place. Ughhhh! Yang loser kasi na yan! Sya ang nababagay dito ehh!" for sure si Anika na naman yun...okayy binabawi ko na yung pagiging concern KUNO ko sakanya. Ang arte naman ng bruhang ito. Pigilan nyo ko baka masapak ko yang babaeng yan.
"Well, di naman tayo mapupunta dito at maglilinis kung hindi mo ginawa yun kay Kathyrine yun in the first place." nagulat naman kami ni Christine dun sa nagsalita kaya sinilip namin sila at nakita naming papunta si Anika sa direksyon nang isang babae sabay hawak sa buhok nung babae...si Sarah
"So your saying na ako ang may kasalanan nito?! HA?!" Anika say in gritted teeth. Nangigigil na sya sa galit. Si Sarah naman ehh halos mag bending na kaka liyad dahil hawak nga ni Anuka ang buhok nya. Ang sama talaga ni Anika. Sarili nyang kaibigan tinatrato nya nang ganyan?! Nako bery bad.

BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...