SIX.TWO

33 0 0
                                        

A/n: Medyo spg pala ang chapter na toh. Don't worry, medyo lang naman sige
Happy Reading...






-6.2- Remembrance~








"Seryoso ka Shawn?" - Red



"Yun lang ba talaga ginawa nyo?" - Christine






Matapos ang ilang oras na pag tambay namin ni Shawn sa guidance office ehh nandito na kami ngayon sa canteen. Dahil sa nangyari nung first subject namin, tatlong subject din ang hindi namin napasukan. At ayan, pagkadating namin sa canteen, sinalubong na kami ni Christine at ang kaibigan ni Shawn na si Red. Pinipilit nila kaming sabihin kung ano nga ba ang ginawa namin. Inistorbo lang nila kami. Dahil kasi sa gulo na ginawa namin-- I mean ni Shawn lang pala, pinapasulat tuloy kami ng sorry letter para kay ma'am Reyes. Pisti talaga si Shawn.






"Makulit ba kayo o makulit? Sabing wala nga kaming ginawa ni Shawn kundi ang kausapin si Ma'am Rica" naiirita kong sabi. Sinabi na kasing kinausap lang naman talaga namin si principal namely ma'am Rica pero hindi sila naniniwala. May naramdaman naman ako biglang pagtulo ng kung ano sa anez ko. Tae tumulo na ihi ko. Aishhh nevermind na nga yun.




"Ano naman ba sa tingin nyo ang gagawin namin ni Kath?" sabi ni Shawn habang nag susulat.




"Shawn Jr. o kaya live por--" tinakpan ko agad ang bibig ni Red bago nya pa matuloy ang gusto nyang sabihin.  Leste ka Red kadiri ka. Tinitigan ko si Red na may halong pandidiri. Kabaligtaran ko naman ang itsura ni Shawn. May nakakalokong mga ngisi nanaman ang gumuhit sakanyang mga labi habang tinitignan si Red. At natuwa patalaga si Shawn ahh. Pisti kayo. Mga m*libog.




"Una sa lahat Red, ang bastos mo. Pangalawa, ang bata ko pa para gumawa ng ganung bagay at mas lalong ayaw ko gumawa ng ganun kasama yang si Shawn at panghuli, kadiri ka." depensa ko kay Red tapos ay bumalik na ako sa pag susulat ko ng sorry letter. Kadiri talaga si Red. Ang gm nya masyado. Hayyy...




"Sus. Ayaw daw gumawa ng ganung bagay kasama ako pero inenjoy yung kiss." napatingin naman ako agad sa nagsalitang lalaki na nagngangalang Shawn. Tae talaga sya ang feeler masyado. Nako hampasin kita ng Cattleya dyan ehh. Kung may laser beam lang ako siguro baka natunaw na yang si Shawn.




"Hoy ikaw. For your information, di ko inenjoy yung kiss mo. Kadiri kaya. Baka mahawaan mo pa ako ng ebola virus mo."




"Ako may ebola? Baka ikaw."




"Wala ako nun. Di naman kasi tayo mapupunta sa office kung di mo ko hinalikan."




"Bakit? Ako ba yung sumigaw?"




"Tama na nga yang bangayan nyong dalawa. Kasalanan nyo yan pareho kaya magdusa kayo." ayan tuloy. Nasermonan kami ni "ma'am Christine San Jose". Hay bahala na nga. Buti nalang tapos na yung ginagawa ko. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at kinuha ang mga gamit ko sabay alis. "Oy Kath. San ka pupunta?" sabi ni Red




"Sa library. Ayokong kasama yang baliw na Shawn na yan." dirediretso lang ako sa paglalakad at di pinansin ang mga pag tawag nila sakin. Ughh nakakainis talaga si Shawn. Diko alam kung bakit ang bilis ko mainis ngayon. Sa pagkakaalam ko wala naman akong mens ngayon. Nakarinig nalang ako ng isang tunog ng upuan na inusog pero di ko yun pinansin. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng isang mabigat na bagay sa may balikat ko. Bigla nalang akong di makagalaw. Nang tinignan ko ang balikat ko, nakita ko na nakapatong doon ang ulo ni Shawn at nalaman ko pang naka back hug na pala sya saakin. Naramdaman ko nanaman ang pag init ng pisngi ko.




Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon