-1- Weird~
*Boooogsh*
"Oy Bess, okay ka lang ba?" tanong ni Christine sakin. Binigyan ko naman agad sya nang pinaglololoko-mo-ba-ako look
"Yung totoo bess, nahulog na nga ako at nasugatan pa tapos tatanungin mo ko kung okay lang ako??" sagot ko sakanya habang nakaupo dito sa sahig at pinipilit na tumayo.
Sabay kasi kami bumaba para umuwi na. Ang dami kasing alam nung mga teachers namin yan tuloy ang dami kong dala. Ito namang si Christine ehh imbis na tulungan ako, kwento lang sya nh kwento tungkol sa Universiting ito. Ang laki daw ng pinagbagi ng school na to ngayon churva churva blah blah blah hanggang sa nahulog nako sa hagdan kasi diko nakita yung hahakbangan ko. Letse nga ehh, tatlo na lang naman yung hahakbangan ko nalaglag pa ako.
"Sorry na, naninigurado lang naman" pumunta naman sya sa pwesto ko at tinulungang tumayo
"Hay nako, ewan ko sayo" pinagpagan ko naman ang uniform ko at kinuha ang mga gamit kong nahulog.
"Tulungan na nga kita dyan" kinuha nya naman yung ibang libro ko na nakakalat
"Hay salamat, nakaisip ka rin na tulungan ako" sabi ko pag katayo namin. Tinaasan nya naman ako ng kilay sabay irap. Asus, taray tarayan pa tong si bess. Pasalamat sya bespren ko sya *smirk*.
Pagkalabas namin sa gate, napatigil ako sa pag lalakad kasi may nakita agad akong lalaki na nakatingin sakin. Ang weird, sa dinami dami ng estudyante dito sa labas sya pa yung unang nakita ko. Nang magkatagpo ang mga mata namin, umiwas naman sya ng tingin. Tapos napansin kong hinila nya yung kasama nya paalis. Palingon lingon parin sya saakin habang paalis sila. Di ko nga alam kung sakin ba talaga nakatingin o ang feeler ko talaga. Haystt bast-
"Hoyy bess, bat ka napatigil dyan? Para kang nakakita ng multo, kakaibang nilalang or something." sabi ni Christine habang sinisiko ako.
"Oo meron akong nakita, acttually andyan na sya sa tabi mo" pananakot ko sakanya pero nakatingin parin ako kung saan galing yung lalaking umalis kanina.
"Wag ka nga mag biro ng ganyan, di nakakatuwa promise" tumingin naman ako sakanya. Nakita kong seryoso ang tingin nya sakin. Natawa nalang ako sa itsura nya Laughtrip ehh ahahaha.
"Hey Kath," bungad agad ni Mateo saamin. Sinalubong nya kami nang isang masayang ngiti.
"Oyy Matt, andyan ka pala." Nginitian ko rin sya.
"O, teka...anyare dito, bakit ka may sugat tapos ang dumi-dumi pa ng uniform mo?" Sabay turo nya dun sa braso ko.
"Wala, nahulog lang ako sa hagdan kanina. Di kasi ako tinulungan nung isa jan" sabi ko sabay tingin kay Christine. Nag peace sign sya saakin habang hawak ang iba ko pang libro. Nagkwentuhan nalang kami nang nagkwentuhan ni Matt hanggang sa diko namalayang andyan papala si Christine.
"Uhmm...Ehe..ehem, excuse me. May Christine San Jose kayong kasama dito ahhh." Singit nya. Mukha syang na bobored. Kanina pa sya nakikinig sa usapan namin ni Matt pero di sya makarelate.

BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...