TWENTY-ONE

14 0 0
                                    

-21- Plan~









November 30, 20**

Walang pasok ngayon. At dahil walang pasok, nagpapasalamat ako kay Andres Bonifacio. Haha char. So ayun na nga, walang pasok ngayon kaya andito ako sa garden ng bahay nila Vin ngayon. Andito din si Red tsaka Jake. Mag paplano kami ngayon about dun sa surprise birthday para kay Shawn. Ang bait pala nilang mga kaibigan noh?


Ang buong akala ni Shawn, nasa kanya kanya lang kaming bahay at nag eenjoy dahil wala nga kaming pasok. Ganun kasi si Shawn kaso bored ang lolo nyo. Katext ko nga sya ngayon. Ang sabi nya, amboring daw sa bahay nila. Wala daw syang magawa. Sabi ko mag movie marathon sya kaya ayan, masyado atang naenjoy ang panonood dahil di na nag rereply sa text ko.


"First things first, sino ang mga iimbitahin natin?" panimula ni Vin.


"Syempre, invite natin sila tita tsaka tito--" diko naman natuloy yung sasabihin ko dahil sumingit bigla si Jake.


"Wag. Kj yung mga magulang nun pag kasama sila sa party." grabe ang harsh ahh.


"May point si Jake. Baka kasi di na toh maging surprise at masabi nila yun sa anak nila." dagdag pa ni Vin. Fine, edi hindi kasama mga magulang nya.


"Invite natin yung ibang kaklase namin. Tutal naman, close nya lahat ng nandun." suggestion naman ni Red


"Sige sige, sino ba isasama?" tanong ni Vin


"Isama natin si Christine." sabi ko naman. Agad namang nilista iyon ni Vin. Aba, prepared ang aking dakilang pinsan.


"Okay, sino pa? Six persons palang including us and Shawn. Kulang pa tayo ng isa." sabi ni Vin habang nakatingin sa papel na sinusulatan nya.


"Bakit kailangan 7?" tanong ko. Kasi ang alam ko na surprise, kahit ilan pwede. Eh dito bakit 7 ang maximum?


"Nagpareserve na kasi ako sa resort namin. Pumayag si mama dun pero sabi nya, pang 7 persons lang daw yun." sabi ni Red. Oo nga pala, may ari sila ng isang sikat na resort. Mayayaman nga pala tong mga kasama ko. "Wait, saan naman yun?" baka kasi malayo. Malay nyo di ako payagan awww.


"Sa Makati. Kung magrereklamo ka dahil malayo, wag mo nang ituloy. Naipaalam na kita kay tita at pumayag siya. Besides, overnight lang yun." kilala na talaga ako nitong pinsan ko. Alm nya nang magrereklamo ako ehh. Pero antaray ahh. Resort nila, asa makati lang *evil smirk*


Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon