-17- Parent's ~
"We're going on a trip, in our favorite rocket ship. Look into the skies, little Einstein ~"
Minsan talaga nagtataka ako kung kaedad ko ba talaga sila. Mukhang mga 5 years old ang mga kasama ko ngayon. Tignan nyo, kumakanta pa ng ganyan na galing sa isang cartoons. Letshe.
"Mga kantahan nyo pang 5 years old." sabi ko habang tinitignan sila ng mataray.
"Mga kantahan mo kasi puro korean." sabat naman ni Jake sa likod ko. Diko man sila tignan, alam kong mga nakangiti sila na nakakaloko.
"Hey! I like korean songs too!" biglang parang bata na sabi ni Vincent. Yeah, he like's korean music but not that much. Omg! Nahawa ako sa english nyaaa.
"Really? Bat ngayon lang namin nalaman? Nag ka injuries ka lang nagustuhan mo na ako kpop." lingon sakanya ni Shawn. Ano ba problema nila kpop? Aishh!
"Gusto ko lang naman kasi yung ibang kanta nila katulad ng Bts na idol nitong si Kath. Magaling kaya sila. Especially Rapmonster. Magaling siya sa pag rarap. Sobra. Kaya nga rap monster ehh tsaka isa p---" natutuwa na ako ehh. Yun na yun ehh. Ang saya saya ko na sa mga sinasabi ni Vin kaso bigla naman siyang siningitan ni Red. Aishhhhh panira talaga.
"Oo na. Tama na yang kabaklaan mo" sabay tawa nung tatlong ugok. Kawawa tuloy tong pinsan ko. Naka pout sya dun sa gilid. Childish much.
"Nagkagusto lang sa kpop, bakla na. Grabe kayo ahh." pagtatanggol ko kay Vin. Pero imbis na tumigil sila, lalong lumakas ang tawanan sa loob ng kotse. Natawa nalang din kami ni Vin sa mga tawa nila. Ang ku-cute nila.
Ilang minuto din ang lumipas nang mahimasmasan kami sa kakatawa, naramdaman kong tumigil na ang kotse na sinasakyan namin. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Eksaktong 6:30 na. Litshi kasi sila. Yung byaheng 45 minutes lang naman dapat, naging 1 hour and 30 minutes pa dahil lang sa pagdaan sa bahay. Iiniwan ko lang naman dapat dun yung gamit ko kaso yung apat na ugok, nag pa stay muna sa bahay. SAGLIT LANG DAW PERO HALOS 30 MINUTES ANG TINAGAL NAMIN.
"Were here guys." biglang sabi ni Jake.
"Nakikita namin. May mata kami oh." pambabara naman sakanya ni Shawn kaya pinigil namin ang tawa namin ng makita ang reaksyon ni Jake. Simpleng pambabara lang yun pero ang mukha niya PRICELESS.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Fiksi RemajaIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
