TWENTY-FOUR

13 0 0
                                        

-24- Memories Came Back~









Lumipas pa ang ilang araw, ganun parin ang pakikitungo saakin ni Jake. Nung una, pinabayaan ko nalang pero nakakahalata na ako eh. Iniiwasan nya talaga ako. Pag makakasalubong ko siya, parang akala mo di nya ako kilala. Dadaanan nya lang ako. Pag kasama ko naman sila ng Ridgeford Kings, di nya ako pinapansin. Sila Vin lang ang kinakausap nya. Pagtatanungin ko naman siya, its either tatanguan niya lang ako o iiling, Okaya naman sasagot ng 'ewan'. Yung mga mata niya pag tumititig sakin, walang mga emosyon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Ang hirap niya basahin. Basta isa lang ang alam ko. Namimiss ko na yung dating siya. Yung Jake na naging crush ko.

Hanubayan! Kung anu-ano na tuloy naiisip ko. Crush? Si Jake? Well, Oo inamin ko yun diba? Crush lang naman yun. Simpleng pagtingin. Pero naguguluhan parin ako sa kung anong nararamdaman ko para sakanya. Pag kasama ko si Harold, alam ko sa sarili kong friends lang talaga. Tunay na kaibigan lang ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi ako manhid para sabihing kaibigan lang din ang turing nya sakin. Yung mga sweet moves nya, alam kong may special ako na parte para sakanya. Pero gusto kong malaman mismo sakanya kung ano ba talaga ako sakanya. Ayoko siya pangunahan kaya hinahayaan ko lang siya. Diko siya pinapaasa. Inaantay ko lang na siya mismo ang magsabi.

Pero ang kay Jake, may iba akong nararamdaman para sakanya. Iba talaga at hindi alam kung paano yun ipaliwanag. Ngayon ko lang yun naramdaman. Siya lang yung lalaking kayang magbigay sakin ng ganung sensation. Ewan ko ba. Diko din maintindihan ang sarili ko. Hahayaan ko muna siguro toh. Bata pa ako. Bata pa kami. 14 years old palang ako. Mag fi-fifteen palang ako sa April. Maybe. Just Maybe. Maintindihan ko na toh pag tumanda ako. Wala pa akong experience sa mga pag mamahal na yan. Malay nyo, kaibigan lang pala ang turing ko kay Jake. Sadyang diko lang naiintindihan ang nararamdaman ko diba? Hay. Ang hirap talaga pag masyado kang na-attached sa isang tao. Madali mo silang ma-mi-miss.


Andito ako sa rooftop ng school. Kita mula dito ang isa sa mga field ng school kung saan ang gate 1 nito. Uwian na at tanaw mo mula rito ang mga Ridgers na pauwi na. Ang iba katulad ng mga pre-school, elementary at highschool ay sinusundo ng kanya kanya magagarang sasakyan o kaya naman nag aantay ng taxi sa labas ng gate. Ang iba namang highschool at ang karamihan sa mga college students ay pumupunta sa parking para kunin ang kanilang sasakayan, motor, o kung ano man na gamit nila papunta dito. Malaki ang school na ito. Aakalain mo ngang isang village ito na puno ng estudyante. Maniniwala ba kayong may sarili itong clinic na kasing laki ng ospital? Para lang ito sa mga estudyante pero merong mga doktor at kumpleto sa mga kagamitan. Meron din itong gym na kumpleto sa gamit. Dalawa ang building na ito. Sa kabilang building ang pang college samantalang sa building namin ang pang pre-school, elementary at highschool. Simula sa 7th floor, puro pre-school hanggang elementara ang mga nag-aaral. Hanggang 15th floor ang building namin pero hanggang 10th floor lang ang para sa mga estudyante. Ang ibang floor ay diko alam kung para saan.Nakapunta na din ako sa college building. Masasabi kong mas maganda ito kumpara sa building namin. Hanggang 15th floor din iyon pero gaya ng amin, hanggang 10th floor lang ang pang estudyante. Nilibot ko itong kabuoan ng school. Kasama ko si Vin nun kahapon nung uwian at talagang namangha ako sa kung paano ito ginawa. Talaga masasabi mong pang international ang eskwelahang ito at napakayaman ng may ari. Biruin mo, bawat floor may sariling canteen? Pero maliliit lang ito. Ang mga main na canteen dito ay laging nasa 1st floor at talagang napakalaki nun. Pati ang mga pagkain ay akala mo pang restaurant. Kaya sa 1st floor kami madalas kumain. Ang auditorium din dito ay dalawa. Kung meron sa 5th floor, ang main nito sa nasa baba. Hiwalay ito sa dalawang building. Kailangan mo mag lakad ng ilang metro mula sa building namin para makaratin ka dun. Malaki iyon at akala mo mini araneta. Dun daw isinasagawa ang mga program na pang buong school. May tatlong auditorium dito. Isa sa building namin, isa sa college at ang main. Mag kasing laki lang ang saamin at pang college na auditorium. Meron ditong basketball court, volleyball court, badminton court, tennis court at iba iba pa. Iniisip ko nga, gaano kaya kalaki ang lupaing binili para lang maitayo ang eskwlahang ito?


Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon