THIRTEEN

21 0 0
                                    

-13- Barkada bond~







At dahil sa napilitan ako, andito ako ngayon sa mall kasama si Christine. Da fakkk. Isa pa toh sa dahilan kung bakit ko ayaw sya samahan sa mall. Nagmumukha akong tagabit bit. Ayy di lang pala nag mumukha, talagang tagabit bit. Although mukha akong mayaman dahil maraming dalang pinangshopping peroo, TAE TALAGA ANG HAGGARD KO NA SA DAMI KONG DALA.

"Sana pala ininform mo muna ako na magiging tagabit bit mo lang ako dito para di nalang ako sumama." sabi ko sakanya habang sinusundan sya papasok sa isa nanamang boutique.

"Sus. Konti lang naman yang pinamili ko noh." dipensa nya.

"Anong konti? Ihampas ko kaya sayo tong apat na paper bag na dala ko? Pasalamat ka di ganun kabigat."

"Fine. Akin na nga." sabi nya sabay kuha nung dalawang paper bag sa may kaliwa kong kamay.

"Malupit ka rin ehh. Tinulungan mo nga ako, yung magagaan naman yung kinuha mo."

"Ito ang daming reklamo. Atleast nga tinulungan kita."

"Kase sa susunod kung madami kang bibilhin, mag sama ka ng yaya na tagabit bit mo hindi ako yung gagawin mong tagabitbit."

"Okay lang yan. Bagay naman sayo ehh." ha ano daw?

"Ang alin?" nagtataka kong tanong.

"Ang maging tagabit bit. AHAHAHA." sabay tawa nya at layo sakin ng konti. Inirapan ko nalang sya. Letshe pano ko ba talaga toh naging kaibigan?

Hayyy, kanina pa kami pasok ng pasok sa kung ano anong mga boutique. Ano naman kaya gagawin ng babaeng toh sa mga pinamili nya? Idodonate? Ipangreregalo? Ipapamigay? Da faqq ang dami kasi. Iba na talaga pag mayaman. Tignan mo, walang wala yung suot kong ripped jeans tsaka medyo oversized shirt with matching high cut shoes ko sa dress tsaka boots nya. Ang bruha kasi nag palit pa ng damit. Kung di sana sya nag palit edi sana mas lalong di ako mukhang mahirap sa tabi nya. Pasalamat nalang ako at di pa namin nakikita sila Jake dito.

*bzzzt bzzzzt*


Papasok na kami sa isa nanamang boutique nang mag vibrate cp ko.

Jake Cruz is now online

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon