-14- Complete~
Weekend have passed at pasukan nanaman. Maaga ako nagising ngayon. Excited ako pumasok ngayon ehh. Papasok narin daw ngayon si Vincent or Vin for short. Vin ang ipapatawag nya sa sarili nya pag close or mahal nya sa buhay ang tatawag. Daming arte noh. Matagal na pala syang magaling pero si tita daw kasi namasyal daw sa New York kaya medyo natagalan ng onti ang pag uwi nila. Hayy, si tita talaga mahilig mag shopping kaso kabaligtaran naman si Vin. Ayaw nya talaga mag shopping pero pag kailangan talaga, napipilitan sya pero palagi akong kasama.
"Good morning Ma" bati ko ng makita ko si mama na nag kakape. Agad ko naman syang hinalikan sa pisngi. O diba mabait na bata.
"Oh, aga mo ngayon ahh. Nakabihis ka na ehh 6 palang naman." sabi ni mama. Inagahan ko talaga ang gising ko dahil sa isang dahilan...
"Sasabay kasi ako kay Vin ma. Alam mo naman yun, maaga din nagigising tapos ayaw ng pinag aantay." sabi ko sabay kagat ng sandwich at inom ng chocolate drink. Gutom ehh bakit ba.
"Nakabalik napala sila. Kailan pa tsaka okay na ba si Vincent?" oo nga pala, diko pa nakwekwento yun kay mama.
"Nung Wednesday lang daw sila nakauwi tsaka tingin ko naman okay na sya. Malakas nanaman ang hangin ma." sabi ko kay mama. Ayun, medyo natawa. Alam nya na kasi ang ugali ni Vin. Kahit kasi si mama o si tita walang takas sa taglay nyang kayabangan.
"Ayy bago ko pa makalimutan. Oh, ito na yung allowance mo. Ikaw ha, kung di pa sinabi ni Christine na ubos na ang pera mo, diko pa malalaman na wala pang dalawang buwan, ubos na yang pera mo. Ano ba yung mga pinagbibili mo?" hayyy kahit kelan talaga ang daldal ni Christine. Kinuha ko naman agad yung pera kay mama at agad na nilagay sa wallet ko. Mahirap na baka bawiin pa ni mama.
"Madami kasing project na pinabibili ma kaya naubos agad yung pera ko"
Lumipas pa ang ilang minuto nang biglang...
*beeeep beeeep*
"Mukhang andyan na pinsan mo." sabi ni mama. Si Vin talaga di man lang nag abala na pumasok sa loob para kamustahin si mama. 6:10 palang naman ehh. Di kami malilate.
Pagkatapos ko mag toothbrush, uminom muna ako ng tubig bago halikan ulit si mama at mag sabi ng "bye po ma. Alis na ako."
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko naman ang isang puting Limo. Omayghad, sasakyan ba yan nila Vin? Di na siguro ako mag tataka kung talagang kanila yan. Ikaw ba namang may pang International na School at kilala sa buong bansa, dika mayaman?
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Ficção AdolescenteIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
