-29- Start with your downfall~
Lumipas ang ilang araw matapos ang pagsalubong sa New Year, pasukan nanaman. Alanganin ang pasok namin dahil January 4 palang at Wednesday ngayon. Marami daw kasing event ang mangyayari. Bukod sa mangyayaring foundation week, magkakaroon kami ng isang araw na sports fest. Magkakaroon din kami ng program sa nalalapit na Hearts day. Lahat ng iyan mangyayari sa loob ng halos 3 months. Mawawala nga ang aming 4th quarter exam kaya naman maraming nagdiwang. Kaya rin nag karoon ng mga ganitong event dahil wala kaming field trip this year. Naging busy kasi ang lahat sa event na mga ito kaya ayun, nakalimutan nilang iplano ang field trip namin pero sabi daw, next year ay meron na at talagang magiging masaya iyon.
Halos tatlong araw nadin lumipas mula nung umamin sakin si Jake. Si mama ang una kong pinagsabihan nun. Sinabi ko din ang tungkol dun kay papa. Parehas naman silang hindi tumutol. Ang paalala lang sakin ni mama, kung may nararamdaman man daw ako para kay Jake ay wag ko daw yun madaliin. Mas masarap daw kasi ang mag mahal pag alam mong hindi pilit iyon. Pero ang higit nyang paalala sakin, hindi parin daw ako pwedeng mag boyfriend hangga't di pa ako 18. Masyado pa daw kasi akong bata para sa ganung relasyon at wala pa akong kaalam alam sa pagmamahal na yan. Kinausap din ni papa si Jake. Diko alam kung anong sinabi sakanya ni papa pero hindi nagbago ang pakikitungo nya saakin. Parang normal lang ang lahat pero mas naging caring at protective sya saakin. Minsan nga akala mo boyfriend ko sya. Ako naman, ganun parin ang pakikitungo sakanya. Ayoko masira ang friendship namin dahil lang sa confession nya. Sinabi ko din sakanya na ayoko syang paasahin. Sinabi ko na wala akong gusto sakanya kahit sa totoo lang, meron talaga pero di pa ako sigurado. Kailangan ko pa ng time. Kaya naman daw nyang maghintay para sakin at hindi naman daw sya nagmamadali. Ayoko syang saktan dahil dyan sa pagmamahal na yan pero sabi ni mama, sa pagmamahal may masasaktan at masasaktan talaga dyan.
Inalis ko muna lahat ng problema ko sa utak ko. Masyado na akong namomroblema duon. Nagpaalam na muna ako may mama dahil papasok na ako. Humalik ako sa pisngi ni mama tsaka ako lumabas ng bahay. Kinuha ko muna ang susi ng bike ko sa bag ko. 5:30 am palang ng umaga. Ganito ako kaaga aalis ng bahay dahil gusto nanaman ni Vin na sabay-sabay kaming pumasok. Gusto nya din na sabay-sabay kami mag breakfast. Dami nanaman nyang arte. Nung makuha ko na yung bike ko, lumabas na din ako sa gate namin. Sasakay na sana ako sa bike ko pero napansin kong may nakahintong kotse sa tapat ng bahay namin. Wala akong alam sa mga kotse pero napakaganda nito. All black ang kulay nito. Bigla namang may lumabas na lalaki sa may driver's seat. Nakasuot sya ng uniform ng school namin at naka shades. Nung tuluyan na syang makababa, tinanggal nya ang shades nya tsaka sya tumingin sakin.
*Lub-dug Lub-dug Lub-dug*
Di ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko.
"B-bakit ka n-nandito?" hayst! Ngayon pa ako nautal.
"Sinusundo kita." sabi nya na para bang ito ang pinaka obvious sa lahat.
"A-akala ko ba di ka p-pwede mag drive? Sabi mo pa nga dati, fourteen years old ka palang." bigla kong naalala yung sinabi nya dati. Mag fi-fifteen palang daw sya kaya di pa sya pwede mag drive kahit marunong na sya (Way Back To chapter FOURTEEN *wink*). Nagtaka tuloy ako nung sinabi nila dati na ang pinakabata ay si Shawn. Fifteen na si Shawn ngayon at sya ang pinakabata tapos si Jake sabi nya fourteen palang daw sya? Ano toh lokohan? Bigla naman syang napakamot ng batok nya.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Fiksi RemajaIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
