EIGHTEEN

23 1 1
                                        

-18- New~










"Please don't see just a girl caught up in dreams and fantasies~"

Feel na feel ko ang pagkanta ko ngayon ng "Lost Stars" habang nag ba-bike papasok ng school. Ngayon ko lang ulit naisipang mag bike papasok. Ganto naman kasi talaga ako since Grade 6. Nag stop lang ako nung dito na ako nag aaral sa Ridgeford River University. So basically, first time ko mag bike papasok sa Ridgeford River University (RRU). Antaray ng basically ko ahahaha.

Anyways pansin ko lang, babaeng babae ang ayos ko ngayon. Naka lugay ang maliit kong buhok na pinagupitan lng nung sabado. Naka hair pin din ang bangs ko para hindi natatakpan ang mukha ko. Maayos na maayos din ang uniform ko. Although nag ba-bike ako ngayon, hindi sya katulad ng dati na parang tibo ang ayos dahil nakatupi ang longsleve ko. Ang bag ko naman ay nakalagay sa basket ng bike ko na nasa harapan ko lang.

"God, tell us the reason youth is wasted on the young~"

Feel na feel ko talaga pag kanta ko ehh...pag pasensyahan nyo na. Medyo malapit na ako sa school nang biglang may dumaan na kotse sa harapan ko kaya napatigil ako.




*Beeeep beeeep*




"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" reklamo nung driver nung kotse nang maibaba nya ang salamin ng bintana nya. Sama naman ng ugali neto.

"Pasensya na." sabi ko sabay bow. Naging koreana kuno pa ako. Nagsorry nalang ako sakanya kahit na sya naman ang may kasalanan. Hayy bahala nga sya. Sya naman yung hindi tumitingin sa daan ehh.

Pag ka sorry ko, humarurot ulit sya ng takbo. Ang bilis nya mag patakbo na parang may hinahabol na importanteng tao or something. Hayy I don't care na. Bahala na sya sa buhay nya.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating nadin ako sa school. Ipinarada ko yung bike ko kung saan din nakaparada ang ibang bike ng mga Ridgers dito. Kinuha ko muna ang bagpack ko sa basket ng bike ko tsaka ito nilagyan ng lock. Pagkatayo ko, huminga ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan sa loob ng school.

Inihanda ko ang sarili ko sa mga bulong-bulungan ng mga ka schoolmates ko. Alam kong puro nanaman panlalait ang bubungad sakin lalo na't di ko kasama ang Ridgeford Kings. Pero tingin ko nagkamali ako. Nagti-tinginan ang mga ka schoolmates ko sakin habang naglalakad ako. Pero nagulat ako na hindi panlalait ang mga narinig kong bulong-bulungan sakanila.




"Sino sya?"

"Oyy kinabog nya ang beauty mo ate."

"Transferee ba sya dito? Ehh mag t-third grading na ahh."

"Ang cute cute nya sa suot nyang hair pin."

"Ano na kaya grade nya?"

"Ang ganda nya noh"




Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon