FIFTHTEEN

23 0 0
                                        

-15- Love or No?~







Isang buwan nanaman ang lumipas, natapos na ang 2nd Quarter at ang Sem break namin. May pasok na naman kami sa darating na lunes at ngayon ay araw ng Sabado. Sa loob ng isang buwan nayun, naging masaya ako. Sa isang buwan na yun, maraming bagay ang nagbago. Alam nyo bang isang buwan na walang nangbubully saking babae? Yupp, walang Anika sa paligid at diko alam kung bakit. Sa isang buwan narin nayun, mas naging close ako sa Ridgeford kings. And I think, sa isang buwan nayun, na fa fall na ko kay Jake.

No...no...no Kathyrine. Di ka ma fa fall kay Jake. Di pwede. Puppy love lang toh. Simpleng paghanga lang yang nararamdaman mo. Tama tama, crush lang toh. Di naman yun masama diba? Ang ma fall ang masama. Di pwede. Di kami pwede. Kagaya nga ng sabi ng iba...


"Langit sya, lupa ako"


Sikat sya eh ako, kaibigan lang ng sikat. Mayaman sya na kaya nyang bilin ang school, ako isang di hamak na scholar lang sa school. Oo, scholar lang ako dito. Di kami mayaman. Wala kaming business na kailang ipatakbo at kailangan kong manahin. Yung malaking bahay namin? Dream yan dati ni mama na tinupad ni lolo. May kaya kami pero di kami mayaman. Ang buhay ko, kabaligtaran ng buhay ng pinsan kong si Vin. Puro saya lang buhay ko pero sa dulo, may mga problemang tinatago.

Bakit ba ang drama ko ngayon? Ang dami kong iniisip. Lalo na yung pagiging inlove ko kay Jake. Ughhhhh erase erase!! Di nga kami pwede ni Jake! Ano bang hindi kaya intindihin ng puso ko doon? Shett kasiii. Masyado syang mabait. Maalalahanin pa. Ang hilig nyang tumulong sakin. Masyado syang nag bibigay ng care sakin sa loob ng isang buwan. ISANG BUWAN LANG. NAPAKITA NYA SAKIN LAHAT YUN SA ISANG BUWAN LANG. Siguro ganyan lang sya dahil kaibigan nya ako. Siguro nga. Sa loob din kasi ng Isang buwan, nasali na ako sa Ridgeford Kings. Sabi ko nga kung isasali nila ako, baguhin nila yung pangalan para di ako op kasi babae ako tapos Kings? Kaya ayun, ako nalang daw ang magiging prinsesa ng Ridgeford King. Kung baga Ridgeford Kings' Princess ang title ko daw.

Geezzz, diko parin maiwasang maisip si Jake. Ughhh! Damn it Jake! Ikaw lang nakakapagpagulo ng puso at isip ko alam mo ba yun?



*ringg ringg ringg ringg*



Agad kong sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino iyon.


"Good morning Princess"


Shet, nakaramdam nanaman ako ng mabilis na pagtibok ng puso. Lately, lagi ko nalang nararamdaman ito whenever I feel near to him. Sakanya ko lang toh nararamdaman which is supper weird.


"G-good morning rin Jake"


"Nag breakfast ka na ba?"


"H-hindi pa" sakanya lang din ako ganito. Sakanya lang ako nauutal sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para kasing anytime, masasabi ko sakanyang may gusto ako sakanya.


"Bakit? It's already 10:15. Brunch nanaman ba?"


Kilala nya na tagala ako. Pag walang pasok, minsan late na akong kumain.


"Tinatamad akong bumaba eh."


"Okay sige bye."


Binaba ko agad ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pag ganto kasi, minsan ang dami pa nyang tanong. Pinipilit nya pa ako kumain hanggang sa nag eend up na laging sabay ko kumain ang Ridgeford kings kung saan at ang pasimuno, si Jake. Mabuti narin toh para di masyadong magulo ang puso ko.





Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon