-31- Feelings~
It's Friday. Wala rin namang nagbago. They keep on judging me. Mabuti nalang wala silang ibang ginawa kundi ang pagbulungan ako at pag usapan kung gaano ako kasama. Masakit parin sakin yung mga sinasabi nila pero hindi ko nalang sila pinapansin. As much as possible, hindi ko pinapakita na affected ako. Kanina nagsimula yung community service nung babae nasabunutan ni Christine. Nakatingin siya lagi ng masama sakin. If I know, she wanted to slap me dahil nginingitian o kaya tinatawanan ko sya pag tumitingin siya saakin. Hindi niya lang magawang lumapit sakin dahil may nagbabantay sakanya if she's doing well.
Si Christine din sinimulan na kaninang mag linis nung recess. Sabi nya, gusto nya daw mabilis na matapos yung gagawin niya para makita at mapagtawanan niya yung babae habang naglilinis. Ngayong uwian nanamin, naglalakad kami papuntang college building. Kasama namin si Kaleel at Harold. Si Peter kasi nasa library nanaman. Nagrereview na agad siya para sa darating na exam namin. Two weeks pa bago ang exam pero nagsisipag na siyang mag review. Matalino naman yun pero bakit kaya nasa section 2 lang siya?
"Babe, ako na magbubuhat nung bag mo." sabi ni Kaleel. Napigil naman ako ng tawa. Antaray may endearment sila ah. Nakita kong nagpipigil din ng tawa si Harold. Si Christine namam napataas nanaman ang kilay.
"Hoy, hindi mo ko babe. Kadiri ka. Umuwi ka na nga." inirapan pa ni Christine si Kaleel at tsaka inilayo yung bag niya. Akma na kasi sanang kukunin iyon ni Kaleel.
"No, I won't leave." nakangiti nyang sabi.
"Bakit? Tutulungan mo ko mag linis kaya di kapa uuwi? Wag ka na makialam okay? Wag ka nang tumulong utang na lo--" napatigil bigla si Christine nung tumawa si Kaleel.
"Relax. Ayoko pa umuwi kasi pupunta pa ako sa college building. Not because that I will help you, but because my sister is there. Makikisabay ako kay ate pauwi." natawa kami ni Harold sa sinabi ni Kaleel. Ang assuming pala ni Christine. Nakita kong namula yung mukha niya dahil sa hiya kaya nauna syang mag lakad samin.
"Whatever!" sigaw nito kaya sinundan agad namin siya.
"Sige beshiee, una na ako. Ingat ka pag uwi. Text ka lang kung may nang aaway nanaman sayo ah. Sila gagawin kong mop para panglinis ng cr." natawa ako sa sinabi ni Christine. Kahit siya mismo natawa din. Nagpaalam kami sa isa't isa. Pumasok na si Kaleel at Christine sa college building kaya naiwan kaming dalawa ni Harold.
"Kath, hatid na kita." pagpiprisinta nito.
"Nako wag na Harold. Ayos lang. Dala ko naman yung bike ko kaya okay lang." pagtanggi ko kay Harold. Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot kung saan nakaparada yung Bike ko.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
