-9- Chat~
Nagising ako sa dahil sa isang malakas na tunog ng aking alarm clock. It's 7:00 a.m. at kailangan ko nang mag ayos ng gamit dahil mag papasundo na ako sa papa ko. Pupunta na ako sa may apartment nila hanggang sa linggo. Doon kasi ako nag i-stay every weekends. Pagbangon ko, dumeretso agad ako sa c.r. at ginawa ang mga dapat kong gawin. Pagkatapos ay bumaba agad ako. Nakita ko agad si mama na nagkakape sa may lamesa habang hawak nya ang ulo nya at nakatulala sa may sahig. Halata sa mukha nya ang pagka stress kaya agad ko syang nilapitan at niyakap.
"GoodMorning ma." sabi ko sa masayang boses. Nagulat agad si mama. Di nya siguro ako napansin habang pababa.
"Anak. Gising ka na pala. Bakit ang aga mo?" si mama talaga. Nakalimutan nya atang pupunta ako kila papa. Siguro stress lang talaga sya sa trabaho nya.
"Ahh-- ma. Kasi...gusto ko po sanang malaman kung ano yung gusto nyong sabihin saakin kahapon. Yung sabi nyo po na importante." alibay ko.
"Maybe some other time nalang anak. Stress kasi ako sa trabaho ngayon. Tsaka sa tingin ko, di pala talaga ngayon yung tamang oras. Malalaman mo rin yun anak." paliwanag ni mama. Pilit na ngumiti si mama kahit na alam kong malaki ang problema nya ngayon. Tumango nalang ako kay mama tsaka kumuha ng tinapay at nilagyan ng palaman.
"Ma. Pupunta pala ako ngayon kila papa. Sabado na ngayon ehh." sabi ko sabay kagat ng hawak kong tinapay. Kasabay nun ay ang malalim na paghinga ni mama.
"Nak. Wag ka muna pupunta doon simula ngayon ha?" mahinahon nyang sabi pero halata sa mga mata ni mama ang galit ng tumingin sya saakin. Parang konti nalang matunaw ako sa kinauupuan ko dahil sa pagtitig ni mama saakin.
"Pero ma-"
"SABING WAG MUNA DIBA?!" napasandal ako sa upuan ko nang sumigaw si mama. Tumatayo ang balahibo ko dahil sa takot at pagkabigla. Di ko inaasahang magiging ganun ang boses ni mama saakin. Napatayo pa sya sa sobrang galit. Ilang segundo pa ang lumipas, huminga ulit ng malalim si mama sabay lapit saakin.
"Sorry anak. Stress lang ang mama sa trabaho. Pero, please. Simula ngayon, di kana muna pupunta sa papa mo okay?" paliwanag ni mama habang hawak ang mga kamay ko. Tumayo naman ako tsaka tumango kay mama. Agad nya akong niyakap.
"I love you anak."
"I love you too ma." sabi namin ni mama habang magkayakap. Ilang segundo din ang tinagal nung yakap namin hanggang sa kumain na kami ng almusal.
Di rin nagtagal, dumating narin dito sa may living room si kuya Rodolfo-- live in partner ni mama. Naging maayos na ang pakikitungo ko sakanya. Humingi narin ako ng tawad kay kuya Rodolfo dahil sa inasal ko nitong mga nakaraang araw. Pasalamat nalang talaga ako at mabait si kuya Rodolfo. Nagui-guilty tuloy ako dahil sa mga inaasal ko noon sakanya. Tinuturing nya akong parang tunay nyang anak samantalang he's just a nobody for me. Ang sama ko pala talaga sakanila. Diko man lang naisip ang kaligayahan nila. Natutuwa nalang ako habang pinagmamasdan sila mama at kuya Rodolfo na nag-aasaran. Para silang mga teenager pero ang cute lang nila tignan.
Ilang oras na ang lumipas simula nang umalis sila mama para pumunta ng opisina nila. Araw ng sabado ngayon pero may pasok parin sila mama at andito ako sa bahay. Andoon dapat ako kila papa pero ayaw ni mama. Alas diyes na ng umaga at napag pasyahan kong mag internet muna. Pumunta ako sa kwarto ko sabay bukas ng wifi at kuha ng netbook ko. Agad akong nag log in sa facebook account ko. Diko alam kung bakit pero bigla ko nalang cli-nick ang chat box namin ni Jake. Nakita kong di sya online. Nagsimula akong mag backread ng mga conversations namin kahapon.

BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Novela JuvenilIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...