ELEVEN

28 0 2
                                    

-11- Beautiful~

Two weeks na ang nakalipas. Ito na ang araw na hinihintay ng lahat. Ang buwan ng wika sa Ridgeford River University. Nag aayos ang lahat ng Artist Guild member dito sa backstage. Nasa kanya kanyang room ang bawat department. Nandito ako ngayon sa dressing room ng Dancing department. Kasalukuyan kaming mine-make upan para sa sayaw namin. Simpleng ayos lang ang ginawa saamin. Nilagyan lang kami ng eyeliner tsaka lipstick. Pagkatapos nun, pumunta na kami ni ate Shay sa may comfort room para magpalit ng damit. Nakakahiya kaya pag dun kami nag palit ng damit. Ano maghuhubad kami sa harapan nila?? Ewwww...

At dahil hiphop ang sayaw namin mamaya, naka suot kami ng ripped jeans at white plain t-shirt lang. Nagsuot din kami ng bandana sa ulo with matching feather sa gilid. Simple lang ang suot namin pero bawi naman yun sa performance namin mamaya. Nauna akong lumabas sa isang cubicle kaya nagsalamin muna ako habang inaantay ko si ate Shay.

"Kath, sigurado ka bang kaya mong sumayaw ng ganyan?" nagtaka agad ako sa tanong ni ate Shay nung nakalabas na sya ng cubicle. Ayos lang naman ako ahh. Wala namang bali yung katawan ko. Wala rin naman akong sakit. Napansin siguro nya yung pagtataka ko kaya nagsalita ulit sya.

"I mean yang bangs mo. Hindi ba yan sagabal sa pagsayaw natin mamaya?" tinutukoy nya ba yung bangs ko na kalahati na natatakpan na yung isa kong mata? Asset ko kaya toh.

"Hindi naman ate. Tsaka ganto naman yung itsura ko nung nag papractice tayo diba? Nakatali ang buhok habang yung bangs naka bagsak lang. Sanayan lang yan ate."

"Okay. Sabi mo eh. Ano pala susuotin mo mamaya?" huh? Ano nanaman bang sinasabi ni ate Shay. Mayamaya nakapamewang na sayang nakaharap sakin with matching taas ng kilay.

"Makakalimutin ka ring bata ka ahh. Diba sabi ng principal kailangan nakasuot ng gown ang mga estudyante na manood ng play? Tsaka may contest rin para sa lahat ng highschool department na pagandahan ng costume? Sabi mo diba sumali tayo?" oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.

"Surprise nalang yun ate Shay. Basta sabay tayo mamaya mag palit ng gown ahh?"

"May magagawa paba ako? Tara na nga. 5 minutes nalang magsisimula na ring program." agad akong hinila ni ate Shay. Brutal din kasi tong si ate paminsan minsan.

Pagkadating namin dun, agad nagtipon tipon ang mga estudyanteng sasayaw. Dipende sa genre ng kanta na sasayawin nila ang mga suot nila. Bumuo kami ng bilog at tsaka nagdasal. Humingi kami ng tulong kay God. Pagkatapos nun ay pinagpatong patong namin ang mga kamay namin sa gitna.

"Mabuhay ang dancing department...MABUHAY!" sabay-sabay naming sigaw at tinaas namin ang aming mga kamay. Ilang segundo ang lumipas, narinig na namin ang boses ng emcee.

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon