-5- Knight In Shinning Armor~
Mukhang diko kayang pumasok ngayon dahil sa mga nangyari kahapon pero, ayoko namang magmukhang kawawa. Sabi ko nga diba, ayokong kaawaan ako ng mga tao kaya naman pinilit kong pumasok ngayon. Pagkabangon na pagkabangon ko palang, nakita ko na agad yung uniform ko na naka sabit sa may kabinet ko. Napansin ko namang may papel na nakadikit dito kaya nilapitan ko yung damit ko.
"Sorry anak. Patawarin mo sana ako sa mga nangyari kagabi. Hayaan mo, babawi ako sayo.
~Mama"Dahil sa nabasa ko, nagbadyang lumabas ang mga luha ko pero pinigilan ko naman agad.
Ginawa ko na ang routine ko na ginagawa everyday pag pumapasok ako. Nang matapos ako, kinuha ko na ang bag ko para umalis. Pagkababa ko naman, nakita ko si mama na nakaupo sa may dining area. May mga pagkain din dun na sa tingin ko'y niluto nya.
"Oh, anak. Kain ka muna." napatayo si mama nang makita ako.
"Ayoko ma. Aalis na ko." seryoso kong sabi. May nag badya nanamang mga luha sa mga mata ko at muli ko itong pinigilan at tumalikod nalang nalang ako kay mama.
"Pero dika pa kumakain. Sige na. Kain ka na. Nilut-" napaharap ulit ako kay mama bigla.
"Sabing ayoko ma ehh! Ayokong kainin yan!" napataas bigla ang boses ko na ikinagulat ni mama. Napabuntong hininga ako.
"Aalis na ako." dagdag ko at tumalikod ulit. Nawala na yung pagiging magalang ko kay mama dahil sa mga nangyari. Napatigil naman ako sa paglalakad bigla pero di ako lumingon kay mama.
"At tsaka, ma. Nakapasa pala ako sa in-auditionan ko kahapon kaya late ako makakauwi. Ibabalita ko sana sayo kahapon kaso...busy ka." tumuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang makalabas ng bahay at tuluyan nang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan kaya pinunasan ko agad gamit ang likod ng kamay ko. Pisti kasi yung mga luha ko. Bad timing.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na ako sa school. Pagkapasok na pagkapasok ko ng room, ang maingay na room namin ehh biglang tumahimik. Akala mo teacher ang pumasok pero nasa kung saan-saang parin sila nakapwesto at nakatitig lang saakin. Ang awkward lang. Pagkaupo ko, tsaka sila umingay ulit. Weird. Bigla namang lumapit si bess saakin.
"Uy bess. Okay ka lang? Nabalitaan ko yung nangya--...ay sh*t umiyak ka ba?" napansin nya siguro yung mga mata kong medyo namamaga kakaiyak kagabi.
"Wala toh. Mahabang kwento." nginitian ko naman sya. Fake smile. Alam nya na napag sinabi kong 'mahabang kwento' ibig sabihin ehh ayaw ko nang pag-usapan pa kaya naman napatango nalang sya.
"Nabalitaan ko yung nangyari kahapon ahh. Okay ka lang ba." nagtaka naman ako bigla. Ni kwento nya naman lahat saakin na nabalitaan nya daw sa kabilang section. Di na ako nakinig. Tanging tukol lang dun kay Jake Cruz at sa mga babae ang pinakinggan ko.
"Si Jake Cruz daw yung knight in shinning armor mo kahapon. Mvp daw sya nang school last year sa basketball at napag-alaman kong yung babae na sumanggi sayo dati ay Anika Cruz ang pangalan tapos sila Monique, Sarah at Chloe yung mga kabarkada nya nalagi nyang kasama. Magkapatid daw yung tatay nila Jake at Anika kaya naman magpinsan sila. Ang swerte mo girl dahil tinulungan ka ni Jake. Alam mo bang walang syang pinapansing babae? At alam mo bang maraming nagpapantasyang babae sakanya? Kasi magaling na nga mag basketball tapos gwapo pa. At dahil sa issue na nangyari sainyo, halos buong highschool dept pinag-uusapan kayo." tuloy parin sya sa pag kwento habang tahimik lang akong nakikinig. Di parin maialis sa isip ko yung pagtatanggol saakin ni Jake. Ewan ko ba pero sa tingin ko di sapat ang simpleng pagsabi ko nang salamat sakanya kahit na ngumiti na sya saakin. Naalala ko bigla yung jacket at panyo na binigay nya saakin kahapon. Bukas ko nalang yun ibabalik.

BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Ficção AdolescenteIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...