THIRTY-THREE

7 0 0
                                        

-33- Sick~

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama saakin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako nung nakahiga ako sa kama ko. Sa pagkakaalala ko, sa sofa ako natulog. I mentally slap myself nung maalala ko na nakatulog pala ako dito. Umupo agad ako. Nakita ko si Jake na nakaupo sa may sofa. Nakangiti sya saakin. Ang aga-aga pinapabilis niya ang tibok ng puso ko. Iba na rin ang suot niyang damit. Naalala ko bigla yung nangyari. Siguro human kamatis nanaman ako.

"Goodmorning Princess." Bwisit. Masyado pang maaga para pakiligin ako Jake ha.

"A-anong oras na." sinipat nya naman ang cellphone niya.

"It's already ten a.m." pag kasabi nya nun, nagmadali agad akong bumangon. Oh Crap.

"Shit! Yung gamot mo! Dapat kaninang seven a.m. nakainom ka. Bwisit naman bakit hindi tumunog yung cp ko!" taranta akong bumangon tsaka kinuha ang cp ko sa may lamesa. Nakakainis naman. Ngayon pa. Nagulat ako nung nakita kong wala namang naka alarm na six a.m. Shit talaga! Nakalimutan ko atang mag alarm. Nasapo ko bigla ang noo. Inagahan ko na nga ng isang oras yung alarm tapos hindi parin nakainom si Jake. Nung tinignan ko siya, tumatawa lang ito.

"O, bat ka tumatawa? Masaya ka pang di ka nakainom ng gamot, ha?" sabi ko. Napahinto naman siya sa pagtawa at agad akong tinignan.

"Narinig ko yung alarm mo kaninang six. Hindi ka nga nagising eh. May label yun na iinom ako ng gamot sa eksaktong seven kaya uminom na ako kanina." bigla akong nahiya. Napayuko ako. Aishh! Ako pa pala may kasalanan kung nagkataong hindi nagising si Jake. Bakit ba kasi hindi ko narinig yung alarm ko.

Habang nakayuko, nakarinig ako ng yabag papunta sakin. Naramdaman ko ding may umupo sa tabi ko. Pag tingin ko, andun na si Jake. Namula nanaman ako. Hindi talaga ako sanay pag sobrang lapit nya sakin. Lalo na ngayon dahil nakangiti pa siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas din kaya feeling ko naririnig nya sa sobrang lakas. Nakakahiya pa naman.

Bigla nyang ginulo ang buhok ko. "Salamat sa pag alaga sakin kagabi."

"M-magaling ka na ba?" tumango naman siya sakin. Hinipo ko ang noo at leeg niya. Hindi na nga siya kasing init nung kagabi.

"May sinat ka pa. Uminom ka ulit mamaya ng gamot para gumaling ka na." sabi ko. Natawa ako nung bigla siyang sumaludo.

"Yes maam!" para siyang bata. Natawa rin siya sa inasta niya.

"Bumaba na tayo para makapag almusal na tayo." nginitian ko naman siya sa pagyaya niya sakin. Parang panandalian kong nakalimutan yung nangyari kagabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon