-18- I'm Back~
"Kathyriiinneee...alam mong hindi kita titigilan kaya sabihin mo na nang matahimik na ako...well pati narin matahimik ka...sabihin mo na kasi pleaseee"
Hay nako! Kanina pa talaga yang si Christine. Ang kulit kulit! Tanong siya nang tanong kung bakit new look ako ngayon. Kanina kasi sa room nung matapos yung flag ceremony, biglang nag roll call si maam. Si Christine naman, patuloy parin ang pag irap saakin at sinasabing hindi ko daw upuan yung pinwestuhan ko. Todo irap sya hanggang sa tinawag ni maan ang pangalan ko. Nagulat sya nung nag sabi ako ng "present" kaya agad nya akong tinignan at parang sinuri. Pinisil-pisil nya yung ilong tsaka pisngi ko at nakumpirma nya ngang ako si Kathyrine kaya di na nya ako tinigilan. Tanong na sya nang tanong. Buti nga at di kami napapansin ni maam dahil ang iba rin ayy maingay. Buti nalang at hindi kami nag lesson ngayon. Chill muna daw kami at bukas nalang sisimulan ang lessons.
"Ms. San Jose, alam mo ring buo na ang desisyon ko. A-YO-KO. Mahabang storya. Tsaka pagtatawanan mo lang ako noh." sabi ko sabay subo ng sandwich na binili ko dito sa canteen.
"Ehhh sigee naa. Pleasee. Sabihin mo na." pamimilit nya. Ang kulit talaga.
"Di ka ba napapagod sa kakapilit sakin?" hay...malapit na akong mairita. Ay di pala malapit, naiirita na ako.
"Ehh ikaw, di ka ba napapagod kakasabi ng 'ayoko'?"sabi nya at nag air quote pa. Suko na nga ako. Di talaga papatalo ang isang toh.
"Oo na oo na. Ito na sasabihin na." pagkasabi ko nun, bigla syang sumigaw na parang bata na binigyan ng regalo. Buti nalang di ganun kalakas yung sigaw nya kaya di sya masyadong nakakuha ng attensyon mula sa ibang Ridgers dito sa canteen.
Nagsimula na akong magkwento sakanya. Nasa kalagitnaan palang ako ng kwento ko pero bigla na syang tumawa ng malakas. Napatingin nga yung ibang Ridgers saamin kaya nag sorry ako. Nag 'shh' sign naman ako sakanya para naman matahik sya.
"Kasi naman. Ikaw lang talaga yung babaeng ayaw mag make up o mag dress man lang pag umaalis." tumatawa nyang saad. Napagtripan nanaman ako ng babaitang ito.
"Ehh sa kung ano ano kasing kaartehan ang kailangan pang ilagay sa mukha tsaka pulbo pati lip balm lang sapat na noh." dipensa ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
