-3- That Girls~
*riiiiiiinnngggg*
Omgg, this is it ma men. Ang paborito naming subject ni Christine. Recess na fantastic baby dance🎶~ kanina pa kasi kami nagugutom ni bess. Patago na nga kaming kumakain nung Science time namin. At isa pa, ang boring ngayon mag turo ni cher. Di ko alam kung bakit pero dati naman ang sigla sigla nya. Ngayon lang ata naging boring ang class ni cher Castro.
Pag baba namin ng canteen, nakasalubong ko agad si Theo. Mag ha-hi sana ako kaso inatake ako ng pagka hiya ko. Huehue bakit ba kasi ang gwapo nya. Ang lakas pa ng dating nya. Tumama yung magkabilang balikat namin pero hinayaan nya lang at patuloy na naglakad habang nakayuko. Ewan ko ba pero parehas kaming nakayuko nang magkasalubong kami. Parang naging awkward yung paligid namin. Ehh magkachat lang naman kami kagabi. Ang saya saya pa namin nun. Bigla ko nalang naramdaman ang pagkainit ng pisnge ko pagkalagpas nya saamin. Bigla namang inangat ni Christine yung baba ko at hinarap nya sakanya ang mukha ko kaya napatigil kami sa pag lalakad papasom ng canteen.
"Bakit ganyan yang mukha mo? Bakit ka namumula?" tanong nya habang magkatitigan kami. Tae para syang lalaki sa mga galaw nya. Hinawi ko naman yung kamay nya na nakahawak sa baba ko at nag simula ulit mag lakad.
"Ayy nako...ewan ko sayo. Tara na. Nagugutom na ko. Punta na tayong canteen." yumuko ulit ako at hinila sya papasok ng canteen.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa canteen. Nakita ko agad si Kuya Bryan kasama ang kanyang mga kaklase at nag tatawanan sa gilid kaya hinila ko naman si Christine papunta doon.
"Oy kuya" tinapik ko yung balikat nya kaya humarap sya saakin. Napatingin din saakin yung dalawa nyang kasama.
"Oh, Kath. Andyan ka na pala"
"Ay hindi. Wala ako dito. Andoon ako ohh." tinuro ko yung dun banda sa mga estudyanteng bumibili ng pagkain. Nakita ko naman agad yung apat na babaeng nandun banda sa itinuro ko. Di ko alam kung ako ba yung inirapan nila oh hindi ehh.
"Asus. Nga pala mga kaibigan ko. Si Clark tsaka si Kristoff. O eto naman si Kathyrine bespren ko staka yung bespren nyang si Christine. Friend ko rin." tiningnan ko agad yung mga kaibigan ni kuya. Infairness ang gwapo nung sinabi ni kuya na Clark daw ang pangalan.
Nakataas yung buhok nya tapos ang lakas ng dating nung jaw line nya. Mala Jimin ng Bts ang datingan nya ehh. Pero wala parin makakatalo sa totoong Jimin. Kahit na wala syang jams huehue. Kabaliktaran naman nun yung Kristoff. Para syang may pagka nerd. Naka salamin sya tsaka merong chubby cheeks. Ang cute nya. Ang sarap pisilin nung pisngi. Nag hi naman samin yung Clark at nginitian lang kami nung Kristoff. Nag hi nalang din kami ni Christine sakanila.
"Kuya Bryan. Bat nga po pala andito kayo?" tanong ni Christine.
"Oo nga. Diba may canteen naman kayo dun sa may floor nyo? Ehh bakit pa kayo bumaba dito?" taas kilay kong tanong. Parang shunga kasi. Nagpagod pa sila bumaba dito ehh may sari-sariling canteen naman ang bawat floor.
"Ehh sa gusto namin kumain dito. Tsaka atleast dito di mo na ako maiisnob di katulad kahapon" sabay pout ng lips. Sus. Feeling cute amp. Pero cute naman talaga ahahah. Bigla ko naman narinig yung bulong nung Kristoff kay Clark.
"Ay, snobber pala sya tol." taeng yan. Nagbulungan pa ehh naririnig naman. Tinignan ko naman sila at tinaasan ng kilay.
"Ano sabi nyo?" wala akong pake kung sabihan nila ako ng mataray o walang galang basta sinita ko agad sila. Umiling lang sila saakin kaya tumango nalang ako.
"Tama na yang daldalan bess. Gutom nako. Tara na." asus. Itong babaitang ito palaging gutom. Sabagay masarap naman kasing kumain.
"Osya. Sige alis na kami. Nagugutom narin kami ehh. Maya nalang kuya." paalam ko kay kuya.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Подростковая литератураIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
