-28- New Year~
December 31, 20** 10:30 pm
Albay, Bicol-- Cruz's Residence
Malawak, Maaliwalas, Maganda. Yan ang masasabi ko sa lupain nila Jake dito sa Albay. Di na ako magtataka kung ganto ka laki at kaganda itong lupain nila dahil talagang napakayaman nila. Hindi ko alam kung gaano ito kalawak pero masasabi mo talaga ang salitang 'wow' pag nakita mo ito. Para itong hacienda. Pero ngayong gabi, inayos ito para sa humigit kumulang tatlong daang pamilya. Ginawa itong programang ito para salubungin ang bagong taon. Grabe noh, ang bilis ng panahon. Bagong taon na. Parang kelan lang, nakilala ko palang ang ridgeford kings, ngayon sama sama na naming ice-celebrate ang bagong taon. Kasama ko ang buong pamilya ko-- si papa, si mama, si kuya rodolfo. Andito din ang buong pamilya nila Vin, Red at Shawn. At Syempre, buo din ang pamilya nila Jake para dito sa selebrasyong ito. Kita kong tuwang-tuwa si Jake na ngayong bagong taon ay sama-sama nila itong sasalubungin.
Napansin kong puro sikat at mayayamang pamilya ang nandito, kami lang siguro ang hindi sikat at mayaman. Kaya naman isang malaking karangalan ang maimbitahan sa party na ito. "Ma, punta lang po ako dun ah." turo ko kung saan nakaupo sila Vincent sa di kalayuan. Di na tumanggi si mama at agad akong pinayagan. Di na ako nakapagpaalam kila papa dahil mukhang busy sila sa pag uusap. Mukha ngang du nila napansin ang pag alis ko. Maybe it's a good sign. Atleast alam kong may pag asa pa maayos kung ano meron sa pagitan nila papa, kuya Rodolfo at mama. I think, naka move on na din si papa. Tanggap na ata nya na di na talaga pwede silang dalawa ni mama. Kahit ako, tanggap ko na. Hanggang pangarap nalang talaga ang mabuo kami pero masaya ako na masaya din ang pamilya ko. New year na and we need a new start.
Pumunta ako sa pwesto nila Vincent na malapit lang duon sa mga pagkain. Di na ako magtataka kung bakit duon sila puwesto dahil kasama nila si Kaleel. Talaga puro mayayaman ang nag aaral sa RRU kaya halos lahat ng ka school mates and classmates ko andito. Nang makarating ako sa table nila agad ko silang binati at ganun din sila saakin. Umupo ako sa tabi ni Christine dahil tutal, siya lang ang babae sa table na yun. Wala kasi si ate Shay. Ewan ko kung di sya nakapunta o hindi sila invited. Nakikipagkulitan lang sila Vincent kila Harold. Nagiging mag tropa na talaga sila. Well, except kay Jake. Ibang iba sya makitungo kay Harold. Parang palaging may tensyon sa pagitan nila. Napansin kong may dalawang bakanteng upuan. Wala kasi si Kaleel dahil kumukuha ng panibagong pagkain. Grabe talaga yun, wala pa ngang countdown, kumakain na. Natigilan kaming lahat nung bumalik na si Kaleel. Nakatingin lang kami sakanya habang may dalang dalawang plato. Yung isang plato, puno ng kung anu-anong desserts. Yung isa naman may lamang pasta, kanin, ulam at cake.
"Oh, bat ganyan kayo makatingin?" tanong nya habang umuupo sa kanan ni Christine kung saan ang pwesto nya.
"Di kasi halatang gutom ka." natatawa kong sabi sakanya. Akala mo kung makakuha ng pagkain, bibitayin na sya bukas.
"Kulang pa nga toh eh." parang cue yung sinabi ni Kaleel kasi lahat kami nag tawanan habang sya naka pout na parang bata na inagawan ng candy.
"San mo tinatago yang lahat na kinakain mo? Ang lakas-lakas mo kumain pero ang payat mo naman." sabi ni Christine nung mahimasmasan sya tumawa. Kahit ako nag tataka kung saan nga talaga tinatago lahat ng pagkain sa katawan nya.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
