-30- Friends and Family~
Hindi na ulit tumutol sakin sila Vin kaya papasok na kami ngayon ni Christine. Nauna kasi saamin sila Shawn. Inayos ko muna kasi ang sarili ko bago pumasok sa room namin. Di na gaano maga ang mata ko kaya napagdesisyonan ko nang pumasok. Pagpasok na pagpasok ko palang, sinalubong agad ako ni Vanessa, kaklase ko, ng yakap.
"Kathyrine, okay ka lang ba? Nakita namin kanina yung tarpaulin sa bulletin natin. Hindi kami naniniwala dun." natouch ako dun sinabi nya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Diko tuloy maiwasan na maalala si baby nessa. Parehas sila ng pangalan at pati ugali na caring. Siguro paglaki ni baby nessa, magkaparehas na magkaparehas sila nitong si Vanessa.
"Vanessa, lumayo ka nga sa malanding yan! Baka mahawaan ka ng sakit nyang MAKATIsitis." nagulat ako sa sinabi ni Fatima, isa sa mga kaklase ko. Akala ko pa naman kaibigan ko siya. Napakalas ako bigla sa yakap namin ni Vanessa.
"Ano ba Fatima!" bigla syang hinila ni Mario, president namin. "Alam naman natin na hindi ganung klaseng babae si Kathyrine!" marahas na tinanggal ni Fatima yung kamay ni Mario na nakahawak sakanya.
"Yun nga eh! Yun ang alam natin! Pero may tinatago pala siyang landi! Hindi pa ba sapat yung mga pictures kanina sa tarpaulin ha?!" pumunta pa siya sa harap ng room namin at kinausap ang buong room. "Kayo, naniniwala ba kayo na mabait yang Kathyrine na yan?!" tinuro-turo nya pa ako. Ang sakit nung mga sinasabi nya pero tumayo lang ako doon at nakinig sakanya. "All this time, hindi natin pinaniwalaan yung mga chismis sa paligid natin pero ngayon may pruweba na tayong nakita. Nakita nyo na toh diba?!" ipinakita nya pa sa buong klase yung cp nya habang nakadisplay yung article tungkol sakin. Yung mga kaklase ko naman hindi naimik. Ang iba ay nakayuko, yung iba nakatingin ng masama kay Fatima at ang iba ay walang reaksyon ang mukha. Pasalamat si Fatima dahil wala parin pala sila Shawn dito sa room kundi nakatanggao sya ng malakas na sigaw. Pero di ako papayag gusto ko ako ang gumawa nun. Gusto ko ako ang magtanggol sa sarili ko.
"Hindi natin alam baka hindi lang yan ang ginawa nya. Baka nga nakipaghalikan na sya. Or worst, hindi na sya Virgin." hindi ko na napigilan ang sarili. Sumosobra na sya at over the limit na yung panglalait nya sobrang sakit na nung mga sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
