-25- Christmas~
Kathyrine's Pov
December 16, 20**
Halos isang linggo na din ang lumipas matapos yung nangyari sakin sa rooftop. Diko aakalaing mangyayari sakin yun. Pasalamat ako dahil andun si Harold. Pero ang ipinaktataka ko lang, bakit andun si Jake? Nabanggit sakin ni Harold na matapos kong mawalan ng malay, agad na dumating si Jake. Paano nya nalaman na nandoon kami? Narinig nya kaya yung mga kwento ko kay Harold? Ayokong kaawaan nya ako. Kaya nga hindi ko sakanya ikwenento. Ayokong kinaaawaan ako ng tao dahil lang sa mga problema ko. But if I let you see my downfall...It only means that there's something special from you. Tanging pinagkakatiwalaan kong tao lang ang sinabihan ko nun. Vin know it. Siya ang una kong sinabihan nun. Bata palang kami, nakita nya na akong umiiyak everytime na di magkasundo si mama at papa. I also said that to Christine. Madalas nya akong nakikita dating pumasok na mugto ang mata. Kahit naman chismosa at madaldal ang isang yun, pag sinabi nyang secret, secret lang talaga. At pag alam nyang personal na bagay na, ayaw na niyang sabihin kung kanino man. And lastly, kay Harold. Halos isang buwan palang kaming magkakilala nung sinabi ko sakanya. Pero I trust him. Hindi naman nasusukat sa panahon kung paano mo siya bibigyan ng halaga sa buhay mo diba. Hindi porket matagal na kayong magkakilala, sobrang special na nya sayo at yung saglit mo lang nakilala ay patapon na sayo. I trust him to the point that I let him saw my downfall. Hindi ko sinasabi na I don't trust Jake, Shawn and Red but, Ayokong kaawaan nila ako. Ayoko rin na masyadong marami ang nakakaalam ng problema ko. Tama na yung tatlo. That good enough for me.
Matapos nga ang halos isang linggo mula yung nangyari sakin, nag iba yung pakikitungo saakin nila Vin. Tinatrato nila ako na parang kakagaling ko lang sa sakit at baka ako mabinat. Batay sarado nila ako at ayaw na ayaw na mapagod ako ng sobra. For pete's sake, overfatigue lang yun. Gusto kong sabihin sakanila na 'GUYS! OVERFATIGUE LANG YUN PUNYETA!'. Masyado silang oa. Simula nun, hatid-sundo nanaman nila ako. Kasabay ko nanaman silang pumasok. Spell oa? R-I-D-G-E-F-O-R-D-K-I-N-G-S
Ang mabuti lang ata na naidulot nun ay yung muli naming pagiging malapit ni Jake. Oo, di na nya ako iniiwasan. At ang matindi, lagi na nya akong kinukulit pag nagkikita kami. Kulang na nga lang ata, sundan nya ako sa kahit saan ako pumunta. Pero nakakatakas ako sakanya pag kasama ko si Harold. Ewan ko ba pero pag nagkakasalubong kami at kasama ko si Harold, hindi nya ako kukulitin. Parang may something sakanila ni Harold. And finally, naging mabait na sila kay Harold. Well, except kay Jake. Kinakausap na nila si Harold at minsan, nagkakatuwaan pa sila na parang magbabarkada lang. Unti-unti ko naring nakilala ang mga katropa ni Harold. Si Peter-- the quiet one, at si Kaleel-- the super kalog one. Si Peter eh yung tipong goodboy. Nakikipag barahan din at asaran din minsan but most of the time ay tahimik at kadalasang nasa library tumatambay. Si Kaleel naman ay opposite nya. Napaka ingay pero at the same time, super enjoy kasama. Napakarami nya ring trip sa buhay pero kasundo ko sya sa isang bagay-- PAGKAIN (>y<). Food is lyf ang isang toh. Parehas kami ahahah.
Andito ako sa quadrangle ng school namin. Lahat ng Ridgers mula grade 7 to grade 10 ay invited kaya medyong maraming nang na Ridgers ang nagkalat dito. Christmas party ito ng school namin. Kakaiba nga dahil magsisimula ito ng ala-sais ng gabi kaya naman hindi mainit. Kakarating ko lang at 5:30 p.m. palang. Nakita kong may malawak na stage ang nakalagay sa bandang dulo. May design ang stage na mga rosas sa gilit pati ang hagdanan nito. May nakalagay pang 'MERRY CHRISTMAS RIDGERS' sa stage at may iba't ibang design din. Masasabi kong sobrang ganda nang pagkagawa nito. Pati ang buong paligid nitong quadrangle. May mga nakalagay na lamesa at natatakpan ito ng puting tela. Sa bawat lamesa ay may nakapalibot na sampung upuan na natatakpan din ng scarlet na kulay ng tela at may design itong pulang ribbon na likod. May konting booth din sa likod. Karamihan sa booth ay puro laro na makakakuha ka ng iba't ibang premyo at ang iba naman ay para sa pag picture-picture nyo. May konting stall din sa gilid. Halatang binigyan talaga ng oras ang pag-ayos ng lugar na ito. Kaya pala wala kaming pasok kahapon dahil pinaghandaan nila ito. Talagang napakaganda nung lugar at mapapasabi ka ng 'Wow'.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
