THIRTY-ONE

5 0 0
                                    

-31- Misunderstanding vs. Fight~

Kathyrine's Pov

Maaga akong umalis ng bahay. Wala akong dalang gamit, bukod sa cellphone at wallet, dahil nakila Vin parin ang bag ko. Buti nalang at walang quiz o assignment na binigay kahapon kaya ayos lang. Hindi ko na sila pinapunta dito kahapon dahil ayoko na silang maabala. Pumayag din naman sila. Dapat nga susunduin ako nila Vin dito sa bahay ngayon pero umayaw ako. Ilang beses din niyang pinilit yun pero talagang di ako pumayag kaya sumang-ayon nalang din siya.

Inayos ko muna ang suot ko. Yung long sleeve kong uniform ay itinupi ko hanggang siko. Nag ponytail din ako ng buhok ko. Mukha nanamang tibo ang ayos ko pero mas okay toh. Alam kong hindi magiging maayos ang araw ko ngayon. Maraming mambu-bully sakin lalo na dahil dun sa kumalat na balita kahapon. Inihanda ko na kahapon pa ang sarili ko sa mangyayari. Hindi naman siguro masama maging bitch kahit saglit lang.

Pinalitan ko yung benda ng kamay ko. Madami itong pasa at sugat. Bugbog ito masyado kaya pasalamat nalang ako na medyo naigagalaw ko pa ito. Bumaba na ako sa kwarto ko. Nag paalam ako kay mama bago ko kinuha ang bike ko para makauwi.

Ala sais ng umaga nung makarating ako sa school. Ganito ako kaaga pumasok dahil alam kong konti lang ang estudyanteng papasok. Mamaya pang 6:30 dadami ang mga estudyante. Less Ridgers, less bully. Pero nagkamali ata ako.

Nung inilagay ko na yung bike ko sa may parking, napansin kong maraming kotse, motor at bike ang nakaparada. Marami na atang estudyante kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Pagkapasok ko, andami ngang estudyanteng nagkalat. Medyo nagtaka pa nga ako nung hindi ko sila narinig na nag-usap tungkol sa issue kahapon. Siguro good sign yun pero hindi dapat ako pakampante.

Tahimik akong naglakad papunta sa 3rd floor kung saan ang room namin. Pero habang naglalakad ako, andaming bumabati saakin. Tinatapik nila ako sa likod ko. Hindi ko sila kilala pero nginitian ko lang sila. 'Goodmorning' ang sabi ng iba. Ang iba naman 'Hi' o 'Hello' bati sakin. Nung makatungtong na ako sa 3rd floor, may tumapik sakin ulit na bababe pero hindi niya ako binati. Iba ang sinabi niya. 'Goodluck sayo'. Nakakatakot yung mga tingin niya pero agad ko iyong dinedma.

Malapit na ako sa room namin. Napansin kong nagpipigil ng tawa lahat ng nadaanan kong estudyante. Ano kayang nakakatawa? Wala naring tumapik sakin. Pang huli na yung babae kanina. Hindi ko nalang pinansin yung mga nagtatawanan at dumeretso na ako sa room.

Iba na ang atmosphere ng room namin nung pumasok ako. Lahat sila nakatingin sakin. Kita mong nagaalala silang lahat sakin dahil sa mga nangyari kahapon. Masaya ako na ganun sila sakin. Nginitian ko silang lahat para sabihin na okay lang ako. Napansin kong wala pa si Christine, Shawn at Red kaya dumeretso ako sa upuan ko. Napatigil ako nung biglang may humarang sakin.

"F-fatima?" nagulag ako sa itsura niya. Halaga mong umiyak siya dahil medyo maga ang mata niya pero hindi ito namumula. Medyo magulo din ang ayos ng buhok nito. Lumaki rin ng konti ang eyebags nya. In short, haggard ang itsura niya. Diko alam ang gagawin ko. Hindi ako galit sakanya. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit para sa mga kaibigan ko. Nalungkot lang ako ng sobra kahapon dahil naniwala siya sa iba at hindi sakin. Mas ikinagulat ko nung bigla nya akong yakapin. Ramdam kong nabasa ang balikat ko. Umiiyak siya sa balikat ko. Niyakap ko din siya at hinagod ang likod nya patahanin.

"I'm sorry Kath. I-I'm so sorry." napangiti ako sa mga sinabi niya. Pinigilan ko pa ang sarili ko na maiyak. Ayoko maging emosyonal ngayon.

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon