TWO

33 2 0
                                        

-2- Audition~





Andito ako ngayon sa tapat ng room ng 3rd section kung saan ang room nila Theodore. Makaraan kasi ang isang araw na medyo weird day ng mga lalaki ehh nakakita ako ng isang annoucement sa bulletin board namin. Mag oopen daw ng audition for our artist guild club. Isa pala to dun sa dinadaldal ni Christine na pagbabago daw ng school na ito. Ngayong taon lang daw nag karoon ng club-club dito. Well di ko alam na bago lang ito kasi transferee lang naman ako. Extra culicular naman daw to sabi saakin ni Christine kaya bakit di natin i try. Nakalagay doon na open for Grade 7,8,9 & 10 na magagaling kumanta, sumayaw at mag act.

Maraming galing sa section namin ang sumali kasama na kami ni Christine. Pinilit ko nga lang yung babaitang iyon para sumali ehh. Nahihiya daw kasi sya. Pero tignan mo, nandito sya ngayon kasama sa pagpila sa audition dahil sa pag pilit ko. Ang ganda ganda naman ng boses nya tapos nahihiya pa sya. Pshh don't me Christine, wag ako.

Habang nakapila kami dito at nag aantay ng susunod, nag practice kaming dalawa para sa gagawin namin. Magkaiba kami ng performace pero parehas kaming kakanta. Parehas rin kaming mag gi-guitara ang problema lang, iisang guitara lang ang gagamitin namin. Pisti rin kasi tong si Christine, di nagdala ng sariling guitara.

"Christine San Juan, Your next." sabi nung babae na lumabas at agad rin namang pumasok.

"A-ako na y-yung next?!" gulat nyang sabi kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at hinarap ko sya saakin habang naka indian seat kami.

"Kaya mo yan bess,  just relax at wag papahalatang kinakabahan. Wala namang nanonood sayo kundi ang mga judges kaya di ka dapat madistract or kabahan. Just go with the flow bess kaya mo yan." pag momotivate ko sakanya at tumango lang sya. Pumasok na rin sya dun sa loob ng room.

Kinilabutan ako bigla nang marinig kong nag simula na syang kumanta. Ang galing nya talaga kumanta. Tapos sinabayan nya pa ng pag gi-guitara. Grabe, nahihiya naman yung boses ko sakanya :3. Parang ayoko na tuloy mag audition. Ayy wag ganun, sayang yung oras na hinintay namin dito kung di ako tutuloy. Masasayang lang effort ko kung di ko na to itutuloy...

"Omgg bess!!" bigla nalang lumabas si Christine habang tumatalon at yakap yakap ang guitara ko.

"Bakit? Ano nangyari? Pasok ka na ba? Ano sabi ng judges? Ano ba ginawa mo dun?" sunod-sunod kong tanong sakanya. Wala ehh, na curious ang lola nyo. Kinuha ko naman yung guitara ko sakanya. Baka mamaya mahulog pa dahil sapagtatatalon nya tapos di pa ko makatugtog. Binaba ko muna sa lapag yung guitara ko.

"Ohh...isa-isa lang bess mahina kalaban. Una sa lahat, diko pa alam kung nakapasa ako or hindi. Malalaman nalang daw yun next week. Basta sasabihin nalang sayo yun. Then may pinabasa sakin sa bo-" 'di nya na natuloy yung sinasabi nya kasi may nagsalita bigla kaya napalingon kami..

"Kathyrine Santos, ikaw na yung sunod." bigla nalang ako kinabahan pagkalabas nung babae.

Katulad kanina, pumasok naman agad yung babae at sumunod ako nang dahan-dahan habang nakatingin ako kay Christine habang mahinang sumisigaw na kaya ko raw ito. AJA!! Kaya ko to!! FIGHTING!! para kay bias ahahah asus kung pwede lang kumanta ng korean dito di sana yung Coffee by: BTS nalang kinanta ko hayss ahaha...balak ko nga dapat, sasayawin ko yung Boy in Luv kaso di naman ako dancer bruh tsaka isa pa di nila maiintindihan yung kanta. Pagpasok ko, bumungad sakin ang dalawang judges na nakaupo sa harap at nakuha naman ang attensyon ko dun sa nakasulat sa board. Para syang isang Quote na galing sa Florante at Laura. Siguro ito yung sinabi kanina ni bess na pinabasa sakanya.

"So, you're Kathyrine Santos. Anong Grade mo??" biglang sabi ni sir...I mean cher Alvarado. Ayaw kasi nila nag papatawag ng sir or maam. Kailangan teacher or cher lang.

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon