-7- Ridgeford Kings~
Kakapasok ko lang ng school pero puro daldalan na ng mga Ridgers ang naririnig ko. Naglalakad ako sa hallway. Medyo nagmamadali narin akong pumunta nang room dahil ilang minuto nalang at tutunog na ang bell para magsabi na 5mins. nalang at magsisimula na ang klase. Naglalakad lang ako ng mapayapa nang may narinig akong bulungan. Dahilan nang pagkahinto ko saglit.
"Yan ba si Kathyrine?"
"Oo. Nakita ko sya kahapon nung recess. Karga-karga ni Shawn. Tapos nung lunch naman, magkahawak kamay sila ni Jake na tumatakbo. Ang landi pala talaga nya noh. Tama pala si Anika."
"Ayy ganon. Kampi pa naman ako sakanya dati. Akala ko pa naman mapanghusga lang talaga si Anika pero totoo pala talaga sinasabi nya."
"Oo nga ehh. Balita ko social climber din yang babaeng yan kaya lapit nang lapit kila Shawn at Jake."
"You mean lumalapit sya sa Ridgeford Kings."
"Kila Shawn at Jake lang naman sya lumalapit pero parang ganun na nga."
Diko na tinuloy ang pakikinig sa mga chismosang iyon at pinagpatuloy nalang ang pag lalakad. Baka kasi mamaya kung ano pang magawa ko sakanila. Hindi ako galit dahil sa mga ginawa ko kasama si Shawn at Jake. Well, wala naman kasi talaga akong pake kung naiingit sila saakin. Ang pinakamasakit lang talaga na part ayy yung husgahan nila ako bilang isang malanding babae at isang social climber. Di naman ako ganun diba? Kung bakit ba kasi marami akong kilalang lalaki. At di lang basta lalaki, mga gwapo at sikat pa. Dapat BTS nalang ang malapit saakin at hindi sila. Mas sikat pa nga sila at mas gwapo kila Shawn at Jake. Siguro kailangan ko nalang talaga tanggapin na di ako nag eexist para sa BTS. Hirap talaga maging fangirl. Pero may isang sinabi ang isa sakanila na naging curious ako. Ridgeford Kings.
"KAAAATTTTTHHHHHYYYYRRRRIIIINNNNEEEE!" ayan naka caps lock na para madama nyo yung sigaw ng mga kaklase ko. Pagpasok ko palang, sigawan na agad silang lahat.
"Ano meron? Para naman ngayon nyo lang ulit ako nakita." sabi ko sakanila nang matapos ang mahaba nilang sigaw. Pasalamat sila at walang nag iikot na mga teacher sa labas kundi lagot kami.
"Well, itatanong lang naman namin kung okay ka." tanong ni Vanessa.
"Grabe kasi yung panglalait ng ibang ridgers sayo dun sa labas. Lakas mang husga." dugtong pa ni Fatima, isa sa mga kaklase kong babae.
"Gusto mo ba resbakin natin?" sabi pa ni Drake. Pumunta naman na ako sa upuan ko. Ganito talaga kami sa klase. Walang grupo-grupo. Sama-sama kami sa mga kalokohan na maisipan. Inaasar namin ang isa't isa pero once na may mang api na sayo galing sa ibang section, kaya ka nilang ipagtanggol. Yung tipo na, dapat kami kami lang ang may karapatan sa asarin ang bawat isa at hindi iba. Problema ng isa, problema ng lahat. Juan for all, all for one. Oh diba, lakas maka eatbulaga ang peg. Ganyan talaga kasi kami sa section namin. Naalala ko pa nung ibully ng ibang grade level ang isa samin, niresbakan agad nung iba yung grade 9. Mabuti nalang at nagkaayos na ang dalawang section mula sa grade 8 at grade 9. Wala lang talaga silang magawa nung ipinahiya na ako nila Anika. Masisi ko bang takot ang iba doon tsaka syempre di maiiwasan yang love na yan. Yung iba kasi saamin may gusto kay Anika okaya naman sa iba pang kabarkada ni Anika. Maganda ehh.
"Ano ba kayo. Wag na. Lalo lang lalake yung problema." sabi ko nang makaupo ako ng maayos. Ang oa lang talaga nila minsan.
"Sigurado ka na Dyan bess?" sabi pa ni Christine kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
