TWENTY-SEVEN

10 0 0
                                        

-27- Normal day, I guess ╮(╯▽╰)╭~










Asaan ako? Bakit ang dilim?

May bigla akong nakita na bukas na pintuan. Maliwanag dun. Siguro iyon ang daan palabas. Agad akong pumunta dun. Pagkalabas ko dun sa pintuan, nag adjust pa yung mata ko dahil sobrang liwanag. Matapos noon, nakita kong nasa labas na ako. Nasa isang park ako, nagulat ako nung nakaupo na pala ako sa swing. Nagduyan ako hanggang sa may maaninag akong tao sa di kalayuan.

Papalapit siya sakin nang papalapit. Di rin nagtagal, nakatayo na siya sa harapan ko. Si Jake. May ngiti sa labi nya. Inilahad nya ang kamay nya na agad ko namang tinanggap. Pinatayo nya ako at bigla nya akong niyakap.

"Mahal kita"

Naguguluhan ako. Bat nya sinasabi saakin na mahal niya ako. Pero may kung anong saya akong naramdaman sa puso ko. Kinalas nya ang yakap namin. Nakatinginan kami sa mata namin.

"Mahal kita"

Muli syang nagsalita. Sa pagkakataong iyon, bigla akong napangiti. Maya maya pa, may dumating na babae. Maganda, maputi, matangkad. Diko sya kilala pero bigla syang kumapit sa braso ni Jake kaya napatayo siya ng tuwid. Nakangiti yung babae saakin at ganun din si Jake. Naguguluhan ako. Anong nangyayari?

"Mahal kita"

Muling sabi ni Jake. Naguguluhan parin ako. Akala ko ba mahal niya ako? Eh bakit magkadikit na magkadikit sila nung babae? Bigla nalang naging malungkot ang ngiti ni Jake. Nakangiti sya pero halata mo na isang malungkot na ngiti yun. Biglang may tumulong luha sa kaliwang mata niya.

Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon