-26- Missin'~
December 25, 20**
"Goodmorning spongieee." bati ko dun sa malaking stuff toy na si spongebob habang yakap ko. Sunday morning ngayon at talagang masaya ako. Christmas ngayong araw. Alam kong magiging masaya ito dahil pupunta dito sila Vin kasama sila tita. Mag ce-celebrate daw sila ng Christmas kasama kami dahil nga namiss daw nila kami at ngayon nalang ulit kami mag kikita-kita. Diko matago ang excitement na nararamdaman ko. Makikita ko narin si Vanessa. Sya yung nakakabatang kapatid ni Vincent. Six years old palang ito pero napaka daldal na. Lagi kaming magkalaro dati dahil nga favorite nya rin si spongebob kaya lagi syang asa kwarto ko. Nag-aaral kasi ito sa New York ngayong taon dahil nung ipinagamot doon si Vin, sinama din sya at doon na pinag-aral. Pero dahil Christmas naman na, bakasyon na nila kaya umuwi muna sila dito kasama si tito Bob-- tatay nila. Namiss ko na yung makulit na batang iyon.
Para akong bata na niyakap ng mahigpit yung stuff toy na napanalunan ni Jake noon Christmas party namin sa school. Simula kasi nun, lagi ko na tong katabi matulog. Habang naka higa at nakayakap dun sa malaking stuff toy, humarap naman ako sa right side ng higaan ko. Nakita ko naman doon na prenteng nakalagay ang Golden Retriever na stuff toy sa gilid. Agad ko yung kinuha gamit ang isa kong kamay at niyakap din habang nasa kabilang kamay padin yung spongebob ko. "Goodmorning din sayo Harrie." masigla kong bati sa asong stuff toy. Pinangalanan ko syang Harrie dahil si Harold ang nagbigay nito. Malayo ba? Yun kasi una kong naisip ko ehh lol.
Matapos ko yakapin ng mahigpit yung dalawa kong stuff toy, tumayo na ako at iniwan muna sila sa magulo kong higaan. Pumunta nman ako dun sa bintana ng kwarto ko. Hinawi ko ang dilaw kong kurtina kaya naman pumasok sa loob ng kwarto ko ang sinag ng araw. Nakita kong 9:15 na pala kaya sumisikat na si haring araw. Matapos kong buksan yung kurtina, inayos ko nadin ang kama ko. Mabait ako ngayon kaya ko yan nagagawa(>y<). Nang maayos ko na ang higaan ko, pumunta na ako ng banyo dito sa kwarto ko tsaka ko ginawa ang konting daily routine ko. Nagmumog ako, nag hilamos tsaka nagsuklay. Pagkatapos nun, lumabas na ako ng banyo ko. Tinignan ko muna sa salamin ang sarili ko. Suot ko parin yung dilaw na spongebob na pajama ko at puting tshirt na pinantulog ko. Sinuot ko narin ang bra ko. Sinuot ko din yung itim kong fluffy slippers. Nang makita kong maayos na yung itsura ko, kinuha ko yung stuff toy kong spongebob. Kahit na napakalaki nun, nasa mood akong ibaba iyon kaya agad ko yung niyakap. "Tara na spongiee." sabi ko at pinaglaroan pa saglit ang mahaba nitong ilong. Lumabas na din ako ng kwarto ko tsaka bumaba.
"Spongebob Lover." halos mapatalon ako nung may nagsabi nun. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo doon si Jake at nakangisi nang malaki. Bat sya nandito? "Anong ginagawa mo dito ha?" mataray kong sabi habang kinarga ko sa gilid ko yung malaki kong stuff toy. "Obviously, nakatayo ako." loko nyang sabi habang may nakakalokong ngiti sya sa labi nya. Alam nyo kung di ko lang sya kaibigan, baka nakaltokan ko na toh. Inirapan ko sya at nilagpasan. Didiretso sana ako sa kusina pero nakita kong masayang nagtatawanan yung tatlo sa dining area namin. Nung nakita nila ako. Tinitigan ko lang sila ng masama. "Di talaga halata na peyborit mo yang dalawang ipin na sponge na yan." komento ni Red habang nagpipigil ng tawa. Well, ngayon nya lang ako nakitang nakapantulog. Si Vin, Jake at Shawn kasi, nakita na ako na ganito ang suot ko. Pero, si Shawn palang ang tanging nakapasok sa kwarto ko sakanila. Ayoko silang papasukin sa kwarto ko kaya nga si Vin hindi pa nakakapasok ehh. Pinapasok pa kasi ni mama si Shawn sa kwarto ko. Sya tuloy unang nakaalam na peyborit ko yun.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
