-8- Vincent Castro~
Calling...
Vincent Castro
Tama kayo nang nakita. Kilala ko si Vincent Castro. He's been my bestfriend since I was a young girl. Pinsan ko sya. Magkapatid ang mga mama namin. Kapatid na nga ang turing ko sakanya. Mas matanda lang naman sya saakin ng 7 buwan. Di lang talaga ako makapaniwala na ganun kayaman ang pamilya nila. Ang buong pag aakala ko ayy simpleng pamilya lang sila. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang may sumagot na.
"Hi po tita" masaya kong bati sa mama ni Vincent habang kumakaway.
"Oh hija. Napatawag ka." sagot ni tita.
"Kakamustahin ko lang po sana si Vincent. Okay lang po ba sya?" pagkatanong ko, binigay ni tita kay Vincent ang laptop nila na kasalukuyang nakaupo sa wheelchair.
"Ikaw Kath ahh. Namiss mo agad ako." sagot ni Vincent habang tinataas baba nya ang kilay.
"Syempre. Isang buwan na kaya tayong di nag-uusap. Busy kasi ako ehh. Kamusta ka naman?"
"Okay lang. By the way, may goodnews ako sayo. Bukas na yung operation ko. Ipagdasala mo ako ha." sabi nya habang may ngiti sakanyang mga labi.
"Oh. Sige maasahan mo ko. So kailan kayo uuwi?"
"Di pa nga ako na ooperahan tapos uuwi agad kami?" sabi nya habang nakangiti parin. It's good to see that smile again lalo na't ako ang may gawa nun.
"Well. Marami kasi akong ikwekwento sayo tsaka itatanong na rin." isa na roon ang tungkol sa Ridgeford Kings...muntik ko pang masabi yung huling mga salitang yun.
"Save that questions for now. I think ilang weeks nalang kami dito." aniya. Kulang nalang ayy tumalon ako sa saya. Ilang buwan palang wala dito si Vincent, miss ko na agad sya.
Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sinabihan na sya ng nurse na magpahinga. Nasa New York sila ngayon for Vincent's medication. Naaksidente kasi sya 5 months ago. Isang car accident. Diko alam ang buong kwento pero dahil dun, kailangan nyang maoperahan dahil kung hindi, di na sya makakalakad. Buti nalang at yun lang ang natamo nya at hindi nagkaroon ng kahit ano sa utak. Sabi nila tita dati nangangyari ang accidente, kinwento daw ng mga nurse na may nagdalang tatlong lalaki sakanya doon. Kung hindi daw sya nadala doon, baka wala na daw si Vincent kaya naman laking pasasalamat namin sa tatlo iyon. Di namin alam kung sino sila dahil umalis daw sila agad pero sa tingin ko kasama doon sila Shawn, Jake at Red. Malaki na ang naitulong nila para kay Vincent. Malaki rin ang utang na loob namin sakanila.
×××××
Friday ngayon pero andito lang ako sa bahay. It's already 7:00 am pero di pa ako bumabangon. Walang pasok ehh so long weekend kami ngayon. Napagdesisyonan kong bumaba. Gusto kong magsorry kay mama. Tapos na ang problema namin ni kuya Bryan. Gusto ko pati yung problema namin ni mama ehh maayos na rin. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan, nakita ko na agad si mama sa may sala habang nag aayos ng mga dadalhin nya sa trabaho. Rinig ko ang lakas ng ulan sa labas ng bahay namin.
"Ma." tawag ko nang nang tuluyan na akong makababa. Agad naman syang napalingon saakin. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni mama. Kanina mukha syang istress na istress at di malaman ang gagawin. Ngayon, nakaguhit na sa labi nya ang mga matatamis na ngiti na matagal ko nang di nakita. Lumapit sya saakin at agad na sinalubong ng yakap.
BINABASA MO ANG
Started With A Chat (On Going)
JugendliteraturIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
