CHAPTER ONE

10.6K 103 0
                                    

CHAPTER ONE: She is Cinderella

“Good morning Señorita!” bati ng isang maliit na babae na nasa edad 30 mahigit na.

“Good morning Ate Doris! Mukhang blooming ka ngayon a!” bati naman ng isang balingkinitang babae na may kulay chestnut brown na mahabang buhok.

“Naku ikaw talaga masyado kang nagsasabi ng totoo!” sabay hagikgik pa ni Doris.

“Syempre!” at nakipag apir pa sya sa kausap.

“Ano nga pala ang gusto mong almusal? Gusto mo pagluto kita ng bacon o ham? Cereal at fruits lang kasi ang pinahanda nila Madame Gretta e. Alam mo na diet mode na naman!” pabulong pang sabi ni Doris.

Napakunot pa sya ng noo kaya nagkasalubong ang dalawang tila iginuhit na kilay nya. “Bakit? Nandyan ba sila ate Annie at ate Giselle?”

Tumango si Doris. “Madaling araw na sila dumating. Sinundo sila ni Mang Ador.”

“Hinanap na ba ako ni Mama?” bulong nya kay Doris.

“Hindi pa naman. Busy pa sila sa pagtsitsismisan tungkol sa mga modeling engagement nung dalawa e” inartehan pa ni Doris ang pagsasalita.

“Mabuti naman. Tinanghali na ako ng gising kasi tinapos ko pa yung isang damit eh” Sabi nya sabay kuha ng tubig sa water dispenser.

“Talaga? Naku patingin nun ah. Sigurado ako maganda na naman yun!” excited na sabi ni Doris. “Nga pala, ano na ang gusto mong lutuin ko?”

“Daing at kamatis na lang” nakangiti pa nyang sabi.

“Cinderella! Cinderella!” sigaw ng isang babae mula sa labas ng kusina.

“Naku, tinatawag na ako ng mahal na reyna. Sabay na tayong kumain nila Mang Ador ha?” pabiro nyang bulong kay Doris.

Tumango lang si Doris sabay simangot.

Lumabas na sa kusina si Cinderella at pumunta sa dining room.

“Good morning mama?” lumapit sya sa matandang babae para bumeso.

“Sige na, sige na!” paghawi ng matandang babae sa kanya kaya di na nya tinuloy ang paghalik.

“Good morning ate Annie, ate Giselle. Kumusta ang Paris?” pangungumusta nya sa dalawang naggagandahang babae na nasa harapan ng ina nila.

“Still beautiful and fashionable, like me!” maarte namang sagot ng kanyang ate Annie na may mahabang buhok na kulay ash blonde at kulot.

“And me! How about you Ella, how’s…Divisoria?” maarte ring tanong ni Giselle na halata namang may halong pang-aasar. Sabay flip ng kanyang straight na straight na itim na buhok.

“Fine, still…crowded?” unsure na sagot ni Cinderella na binalewala ang pang-aasar ng mga kaharap.

“And cheap!” sabay na sabi ng dalawang babae at saka humagikgik pa.

Napabuntong hininga lamang si Cinderella sa sinabi ng mga kapatid.

“Nga pala Cinderella, mamaya pumunta ka sa factory ng tela at icheck mo na yung mga order nating fabrics para sa bagong fashion line. Make sure na kumpleto yung inorder natin para hindi madelay yung production. Malapit na yung launch baka magkaaberya pa.” masungit na utos ni Madame Gretta.

“Opo mama. Sige po” patalikod na sya

“Saka nga pala, bago ka umuwi daanan mo na din yung mga damit nila Annie at Giselle sa shop ni Mama Renee” pahabol pang utos ng matandang babae.

“Ingatan mo yun ha. Isusuot namin yun sa isang important event” masungit pang sabi ni Annie.

Tumango lang si Cinderella. “Meron pa po ba kayong iuutos?”

“Wala na! Pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo” sabi ni Gretta sabay higop ng kanyang decaf coffee.

At matapos noon ay bumalik na sya sa kusina. Sakto namang nagluluto na si Doris ng Daing at sinangag.

“Ano na naman ang iniutos sa’yo ng bruhildang mag-iina na yun?” mahina pero iritableng tanong ni Doris.

Kinurot ni Cinderella sa tagiliran si Doris. “Ikaw talaga, marinig ka dyan e.”

“Naku totoo naman. Kung tratuhin ka nila kala mong katulong ka nila. Kung tutuusin nga ikaw ang pinakaamo dito no! Kung hindi lang pinakasalan ng Papa mo yang si Madame Gretta, malamang kung san na lang sila pupulutin ngayon!” masama ang loob na litanya ni Doris.

“Naku tama na nga yan ate Doris. Pabayaan mo na lang sila” at pinilit ni Cinderella na ngumiti para pagaanin ang loob ng kausap.

Tinignan ni Doris ang ngiti ng kausap. Kitang kita ang pagod sa mukha ng dalaga pero kahit ganun ay naroon pa rin ang magaganda at totoong mga ngiti nito. Walang halong pagpapanggap.

“Hay naku Ella, napakabait mo talaga. Manang mana ka sa mama mo. Parehong pareho kayo ni Señora Celina, maganda na mabait pa. Naalala ko pa sya nung una akong dumating dito. Bata pa ako nun. Di mo sya makikitaan ng kaartehan at kayabangan. Napakababa ng loob. Sayang nga lang iniwan nya tayo ng maaga no? E di sana hindi pinakasalan ng papa mo yung mangkukulam mong madrasta na may kabuntot pang dalawang malditang anak. Tapos yun pala iiwan din tayo nang maaga ng papa mo. Kung alam lang nya na di pala anghel ang pinakasalan nya. Hay naku!” bumuntong hininga pa sya ng malalim.

Napabuntong hininga din si Cinderella at di nya namalayan ay may tumulo palang ilang butil ng luha sa mga mata nyang bilugan at kulay hazel brown.

“Ay naku sorry señorita. Pasensya ka na , nadala lang ako ng emosyon ko” naguilty naman sya bigla.

“Kain na nga lang tayo! Nasan na si Mang Ador?” pinilit ngumiti ni Cinderella.

“Teka tawagin ko lang” lumabas si Doris para tawagin ang matandang lalaki na nagsilbi nilang driver mula pa noong bata si Cinderella.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon