CHAPTER THIRTY FOUR

4.8K 100 5
                                        

CHAPTER THIRTY FOUR: Realizations

(Now playing…Ngiti by Ronnie Liang)

“So now that everybody knows that Prince and Charlie is the same person and all, what is your next plan?” seryosong tanong ni Phillip sa kaibigan na di mapakali.

Paikot-ikot lamang sya sa loob sala ng condo unit nya. Doon nilang napiling mag-usap ni Phillip para walang mga securities na susunud-sunod.

“I don’t know. I reaaly don’t know. I’m not sure pare!” frustrated na sagot ni Charlie.

“Bro hindi pwedeng you don’t know. Aba pati ako inaaway ni Jessie my loves dahil sobra daw sumama ang loob ni Cinderella” sabi ni Phillip sabay taas pa ng mga binti sa center table.

“Bro you know I don’t mean to hurt Cinderella like that right? You know how much I value her, how important she is in my life! Pero nasaktan ko na sya. Nasaktan ko sya dahil hindi ko pinagtapat sa kanya ang tunay kong pagkatao. I’m so stupid!” sising sisi na sabi ni Charlie.

“You know what, sa sandaling panahon na nakilala at nakasama ko si Cinderella I can say that whatever your reasons she will understand you and she will forgive you. She is a very compassionate, sweet, understanding and loving person. You just have to talk to her and be a hundred percent honest to her this time. I know how important she is to you. She’s been a good friend to you so be a good friend to her as well. Tell her the whole truth…including your true feelings for her” panenermon ni Phillip sa kaibigan.

Tinitigan lang ni Charlie si Phillip at saka nginitian. Ngiti ng pagpapasalamat sa mga sinabi ng kaibigan.

“And you know what bro? I think she also has feelings for you. Actually, you two are too obvious. You both just keep on denying it.”

Lalong napangiti si Charlie.

*********

“Good afternoon po ate Doris” magalang na bati ni Charlie kay Doris.

Sumama din ng bahagya ang loob ni Doris kay Charlie. “Bakit po? Ano pong kailangan nyo?”

“Ate Doris nandyan po ba si Cinderella?” bahagya pa syang sumisilip sa loob ng bahay.

“Bakit po? Ano pong kailangan nyo kay señorita Cinderella?” seryoso pa ring sabi ng babae.

“Pwede po ba syang makausap?” malungkot ang boses ni Charlie.

Tinignan muna sya ni Doris bago ito muling nagslita. “Pasensya na po. Wala po sya ngayon eh.”

“Wala po sya? Saan po kaya sya nagpunta?”

“Hindi sinabi eh.”

“Ganun po ba? Eh mga what time po kaya sya uuwi?” hoping pa din ang boses ni Charlie.

“Hindi ko rin po alam eh. Sasabihin ko na lang po na dumaan kayo pag-uwi nya.”

Natahimik si Charlie. Hindi sya sigurado pero parang may pagdududa sya kung wala ba talaga si Cinderella doon. “Sige po ate Doris. Pakisabi na lang po na gusto kop o sana sya makausap.”

“Okay po makakarating po” magalang pero may dating ng pagtataray na sabi ni Doris.

Matamlay na umalis si Charlie. Pero bago pa sya umalis ay napansin pa nyang may gumalaw sa may bintana kung nasaan ang hagdanan paakyat sa mga kwarto nila Cinderella. Alam niyang naroon si Cinderella ngunit ayaw lang syang makausap. Kaya malungkot man ay umalis nalamang si Charlie sakay ng kanyang kotse. Sa di kalayuan ay kasuno naman ang ilang sasakyan ng kanyang mga security.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon