CHAPTER THIRTY THREE: True Friends
Nagriring ang telepono sa side table ni Cinderella. Tinignan nya kung sino ang tumatawag. Hindi nya madesisyunan kung sasagutin ba nya ang tawag na iyon o hindi lalo pa at nakita nyang si Charlie ang tumatawag. Nang mga sandaling iyon ay marami ang tumatakbo sa kanyang isip. Naguguluhan sya, lalo na ang kanyang damdamin. Ilang ring pa ang inabot nang tawag na iyon ngunit mas pinili ni Cinderella na hindi na lamang iyon sagutin.
Maya maya ay tumunog naman ang text ng cellphone nya. Binasa nya ang message: ‘Hello my Cinderella, mukhang tulog ka na. Hindi tuloy kita nakausap. Sige pahinga ka na muna. Tawag nalang uli ako bukas. Miss you my Cinderella! Good night, sweet dreams!’
Pinindot nya ang reply button. Gusto nyang itanong kay Charlie kung bakit ibang tao ang pakilala nya sa kanya. Gusto nyang itanong kung kalian nya balak aminin sa kanya na sya at si Prince ay iisa. Gusto nyang sabihin sa kanya na sya ang babaeng nakasayaw nya nung gabi ng ball. Gusto din nyang itanong sa kanya kung ano ba ang nararamdaman nya para sa babaeng nakasayaw nya at sa kanya. Marami syang gustong itanong at sabihin kay Charlie ngunit hindi nya alam kung paano sisimulan. Kaya sa halip na ituloy ang naiisip ay piñata na lamang nya ang cellphone nya at pinilit na umidlip.
Nakatayo sya sa gitna ng isang bulwagan. Suot nya ang damit na dinesign ng kanyang ina para sa kanya. Suot din nya ang mascara at ang hikaw na bigay ng ama. Biglang tumutok sa kanya ang spotlight kaya sandali syang nasilaw. Nang makadjust na ang kanyang mga mata sa liwanag ay nakita nya ang isang lalaking nakatuxedo na palapit sa kanya. Nakamaskara din ito tulad nya.
Gaya ng gabi ng masquerade ball ay nagsayaw sila ng lalaki sa saliw ng isang classical music. Nang biglang huminto ang musika, huminto rin sila sa pagsasayaw.
“Ako nga pala si Prince Montecarlo, Prince Charlie Montecarlo” pakilala nito sa kanya sabay tanggal sa mascara nito.
Nagulat sya nang makita nyang si Charlie ang nasa harapan nya. Matamis ang ngiti nito sa kanya. Kitang kita ang pagkagiliw sa magagandang mga mata nito, sa mga abuhing mga mata nito.
Ngayon ay naiintindihan na nya kung bakit nang makita nya ang mga mata ni Prince ay parang nakita nya ito kung kanino. Iyon pala ay ito ang parehong mata ng lihim nyang hinahangaang kaibigabn na si Charlie. Kaya pala may kung anong kakaiba sa pakiramdam nya ng hawakan nito ang kanyang kamay. Kaya pala napakapayapa at kumportable ng kalooban nya habang kasayaw ang lalaki.
“Pwede bang malaman ang pangalan ng babaeng kasayaw ko buong gabi?” masuyo nitong tanong. Nagulat sya nang mapansing nasa balcony sila ng hotel gaya noong gabing iyon.
Marahan nyang hinubad ang mascara nya. Nakangiti sya kay Charlie. “Prince Charlie, ako ito si Cinderella.”
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Ang kaninang nakangiti ay biglang naging seryoso.
“Cinderella? Ikaw si Cinderella? No it can’t be!” may pagkadisgustong sabi nito.
Nagtaka si Cinderella sa reaksyon ni Charlie. “Anong ibig mong sabihin? Ako ito yung babaeng kasayaw mo dun sa ball. Ako yung hinabol mo sa hagdanan.”
“Hindi pwede to. Hindi pwedeng ikaw at yung babaeng yun ay iisa! Ibang babae yun, ibang babe yug nagustuhan ko! Sya ang mahal ko!” malakas na sabi ni Charlie.
“Ako nga ang babaeng yun Charlie! Ako yung babaeng gusto mo! Ako yung babaeng mahal mo!” pilit nyang sabi.
“No! Nagkakamali ka! I’m sorry Cinderella pero hindi kita gusto! Kaibigan lang ang tingin ko sa’yo! Hindi kita mahal!” sabi ni Charlie sabay halos patakbong lumayo.
BINABASA MO ANG
I AM CINDERELLA
Любовные романыAko si Cinderella. At ito ang aking tunay na kwento.