CHAPTER SEVENTEEN

5.4K 68 1
                                        

CHAPTER SEVENTEEN: Fashion Dreams

Nang mag-angat sya ng paningin ay nakita nya si Annie na nakapamewang at mataray na nakatingin sa kanya.

“Hoy mahal na prinsesa baka gusto nyo pong bumangon na dyan?!” nakapamewang na sabi ni Annie.

Nagtaka si Cinderella sa nakita. Napakusot pa sya ng mata. Pinagmasdan nya ang paligid. Nasa loob sya ng workshop nya. At nasa sahig sya sa gilid ng sofa na naroon. Muli ay nagkusot sya ng mata para makasiguradong gising na sya at hindi na nananaginip.

“Ate Annie?” takang tanong nya.

“At sino naman sa tingin mo? Kanina ka pa pinapatawag ni mama! At kanina pa rin alarm ng alarm yang alarm clock mo! At saka ano bang ginagawa mo dyan sa sahig? Dyan ka ba natulog? Don’t tell me nahulog ka dyan mula sa sofa? Oh my gosh, how pathetic!” natatawa pang pang-aasar nit okay Cinderella.

Di pa rin tumatayo si Cinderella at di pa rin makapaniwala sa nangyari at sa panaginip nya.

“Tumayo ka na nga dyan! Kanina ka pa kaya tinatawag ni mama. Pati tuloy beauty rest ko naabala” maarteng sabi ni Annie.

“Bakit daw?” mahinang tanong ni Cinderella habang patayo.

“Aba ewan ko! Ikaw kaya ang pumunta doon at magtanong? Hay naku, sinasayang mo ang oras ko. Makaalis na nga!” at tinalikuran nya si Cinderella na tila nananaginip pa rin. Habang pababa na sya sa hagdanan ng workshop ni Cinderella ay nahagip ng mata nya ang portfolio nito. Hindi pa sya nagaksaya ng kahit ilang sandali at nagmadaling bumalik sa sariling kwarto para bumalik sa pagbubeauty rest nya.

Si Cinderella naman ay dali-daling nagbihis bago humarap sa madrasta.

Nang araw na yan ay tinambakan sya ng madrasta ng trabaho. Siya ang pinapunta sa mga suppliers, sa factory pati sa mga shops nila. Bago umuwi ay naisip nyang dumaan sa shop ng kanyang ninang Renee.

“Mama Renee ito na po ang juice nyo” magalang na sabi ni Aya ang staff ng ninang nya.

“Thank you Aya. Oh Ella magmeryenda ka na muna” malambing na sabi ng matanda kay Cinderella.

“Thank you po ninang” nginitian nya ang kausap saka marahang uminom ng juice.

“How are you hija? You look so tired. Ano bang ginawa mo ngayong araw at mukhang inubos mo na ang lahat ng pagod sa mundo?” concerned na tanong ni mama Renee.

Napabuntong hininga pa si Cinderella bago magsalitang muli. “Naku ninang pinagawa na yata sa akin ni mama Gretta lahat ng trabaho sa opisina e.”

“Naku anak talagang makakalbo ko na yang bruha mong madrasta na yan ah. Akala yata eh sya ang reyna ng daigdig. Pati ang maganda kong inaanak eh pinapahirapan nya” malungkot na sabi nito.

“Bayaan nyo na po ninang, business naman po naming yun eh. Saka ginagawa ko din poi yon para sa memories nila mama at papa. Ayoko naman pong pabayaan yun.”

“Sabagay nga. Pero kahit na ah, kung tutuusin ikaw dapat ang nagrereyna doon pero ano ang ginagawa ng babaeng yun. Sure ka bang okay ka pa?”

Kiming ngiti at tango lang ang isinagot ni Cinderella. “Enough about me ninang, ikaw kumusta ka na?”

“Heto, maganda pa din” saka tumawa ng malakas. “But kidding aside, the business is still doing great. I’m about to launch my new collection this coming summer. And actually, I’m still waiting for you to launch your own collection.”

“Naku ninang mahirap yata iyon. Hindi naman ako kasing galing mo. Saka sino namang magkakainteres sa mga designs ko. Eh sabi nga nila ate Annie at ate Giselle, did aw kagandahan ang taste ko sa clothing.”

“Naku yun pang dalawa na yun. Pasalamat sila at maganda silang magdala ng mga designs ko kung hindi matagal ko na silang binoycot. Saka huwag kang masyadong magpapaniwala sa mga iyon. Naniniwala akong mahusay ka at mana ka sa amin ng mama mo. At hindi dahil inaanak kita ha, kung ikukumpara ka sa kanila, hamak namang mas maganda ka sa kanila no! Ang kailangan mo lang talaga ay self confidence, you have to believe in yourself. Because you’re so much better than what you think you are” Pagpapalakas ni mama Renee sa loob ni Cinderella.

Napangiti si Cinderella dahil bigla nyang naalala ang sinabi sa kanya ni Charlie.

“Bakit ka napangiti? Teka…siguro inlove ka na no? Ganyan ganyan kasi ang facial expressions ko pag inlove ako eh!” kinikilig pang sabi ng ninang nya.

“Hindi po ninang. May naalala lang po ako. Parehong pareho po kasi kayo ng sinabi sa akin nung isang kakilala ko.”

“Boylet?” naningkit ang matang tanong ni Renee.

Tumango lang si Cinderella.

“Sino tong lalaki na to? I think I should meet him. When will you introduce me to the guy who makes my baby girl smile?”

“Ninang he’s just a new friend of mine. He’s nothing…special” bigla syang nagblush nang sabihin nya ang huling salita.

Napangiti lang ang kaharap nya dahil sa pagbablush nya. “Basta kailangan ipakilala mo sa akin yang lalaki na yan okay?”

“Okay.”

“Dumating na sa bansa si Lady Priscilla at Don Ricardo Montecarlo kasama ang kanilang binatang anak na si Prince sakay ng kanialng private jet. Ayon sa mga balita mula sa publiscist ng pamilya ang mag-anak ay mananatili sa kanilang mansion sa Tagaytay ng ilang linggo. Napapabalita na ring pinaghahandaan na nang husto ang gaganaping 25th birthday ni Prince sa isang 5 star hotel na pag-aari ng pamilya. Nabigo naman ang mga nag-aabang na makita ang binata dahil agad itong umalis. Patunay na talagang mailap ito sa media at iwas sa limelight. Samantala ay nakausap natin ang napiling designer ni Lady Priscilla para sa mga isusuot nila sa event na walang iba kung hindi si Mama Renee.” Balita ng showbiz reporter sa TV sabay pinakita ang interview nito sa designer.

“Ninang! Ikaw ang designer ni lady Priscilla? Wow! Ang galing mo naman!” excited na sabi ni Cinderella.

“Naku ang totoo nyan bago pa lang akong designer eh nagkakilala na kami ni Lady Priscilla sa isang fashion show sa Paris. Nagustuhan nya ang designs ko kaya simula noon lagi na syang nagpapagawa sa akin ng mga damit nya. Isa sya sa mga unang taong nagtiwala sa talent ko at isa rin sya sa mga dahilan kung bakit ako nakilala sa fashion industry. Napakabait na tao nya pati si Don Ricardo yung asawa nya. Wala silang kaere ere sa katawan” mahabang kwento ni Renee sa dalaga.

“Talaga po? Nakakatuwa naman po ninang. Eh kaso yung anak naman nila parang suplado naman. Hindi manlang humarap sa mga naghihintay sa kanya.”

“Sino si Prince? Naku hindi no! Mabait yun saka napakahumble din. Mahiyain lang talaga yun. Hindi sya sanay sa sobrang atensyon. Alam mo may naisip ako!” naexcite uli ang matanda.

Kumunot lang ang noo ni Cinderella sa paghihintay sa sasabihin ng kausap.

“Mabuti pa pag punta ko sa kanila para sa fitting, sumama ka sa akin! Ipapakilala kita sa kanila, lalo na kay Prince! Naku alam mo Ella sa tingin ko bagay kayo nun!” kinikilig na sabi ni Renee.

Nanlaki ang mata ni Cinderella. “Ninang?! Ninang naman hindi kami bagay nun. Una royalty sya ako commoner lang. Saka I’m sure hindi po talaga kami bagay nun!”

“Eh bakit naman si Kate? Diba commoner lang din naman sya!”

“Eh ninang, pareho silang British! Saka kilala mo naman ako ninang, hindi mga ganun ang tipo ko” biro pa ni Cinderella.

Tumaas ang kilay ng matanda. “Naku dahil to dun sa boylet na inspiration mo no?”

“Sino po si Charlie? Hindi po! Basta ninang!” nagblush na naman sya.

“Oh sige na nga! Pero gusto ko sumama ka sa akin sa fitting ha. Para makita mo kung paano ang takbo ng fashion industry. Malay mo pagdating ng araw pag nagkalakas ka na ng loob, ikaw naman ang kilalaning sikat na fashion designer” pageencourage nya sa inaanak.

“Sige na nga po. Thanks ninang! Thank you for encouraging me!”

“Naku anything for you my dear inaanak na kasing ganda ko!” sabay nagyakap ang dalawa.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon