CHAPTER TWENTY

5.4K 72 3
                                        

CHAPTER TWENTY: Designs

Kinabukasan ay agad na nagpunta ang mag-iina sa shop ni mama Renee.

“Naku Gretta, gusto ko mang gawan kayo ng mga isusuot nyo sa masquerade ball ng mga Montecarlo ay baka di ko na kayanin” sabi ni mama Renee sa mga kaharap.

“What? Hindi mo kami maigagawa ng mga bagong gowns?” maarteng tanong ni Giselle.

“Sorry hija! I really can’t. Ako kasi ang gumagawa ng mga damit na isusuot ni Lady Priscilla for the party, for their photoshoots and other engagements while they are here in the country. If you want I can show you my designs from my last collection.”

“Bakit kaya hindi na lang sa ginagawa mong bagong collections mo kami ikuha ng designs mama Renee?” tanong ni Annie.

“That’s not possible my dear. Hindi ko pa inilalabas ang mga iyon at hindi pa tapos ang new collection ko kaya hindi pa iyon pwedeng ipakita sa public” nakangiting sagot n imama Renee.

“Kanino kaya tayo ngayon magpapagawa ng mga damit na isusuot sa ball na iyon?” frustrated na tanong ni madam Gretta.

“Bakit kaya di na lang sa mga inhouse designers nyo? I’m sure Ever After have lots of good and young designers that you can ask to make your gowns” suggest nya sa tatlo.

“You mean those designers of ready to wear clothes? Baka naman akalain ng mga tao sa party bumili lang kami sa mall ng mga suot namin!” nanlalaki ang mga matang sabi ni madam Gretta.

“Eh si Cinderella nga pala? May isusuot na ba sya?” concern na tanong ni mama Renee.

Nagkatinginan ang tatlo saka nagngitian. “We don’t know. And we don’t care” bulong pa ni Giselle ang huling sentence nya.

“What’s that Giselle?” tanong ni mama Renee.

“Wala mama Renee” sagot nito.

“I’m sure Cinderella can make her own dress. She’s a designer right?” nakangisi pang sabit ni madam Gretta.

“Oh yeah! And I bet she can make a very beautiful gown, knowing her sense in fashion!” natatawa pang sagot ni Giselle.

“Saka hindi rin kami sure kung gustong sumama nung bata na yun. Kilala mo naman yun, walang kasocial social life!” wari pang concern na sabi ni madam Gretta.

“Paanong magkakasocial life ang anak ko eh inaalila nyo” bulong ni mama Renee.

“Ano yun mama Renee? May sinabi ka ba?” tanong ni Gretta.

“Uh…wala. Wala lang may bigla lang akong naisip.” pagkakaila ni mama Renee. “Saka kailangan nyang magpunta sa ball na yun. Tiyak kong hahanapin sya ni Lady Priscilla.”

“Kilala sya ni lady Priscilla?” gulat na tanong ng tatlo.

“Yes. I introduce her to Lady Priscilla noong sinama ko sya sa mansion para sa fitting. And you know what, Lady Priscilla adores her so much” masayang kwento ni mama Renee sa tatlo na kitang kita ang pagkainggit.

“Talaga? Eh si Prince? Nakilala ba sya ni Prince?” sunud-sunod na tanong ni Giselle.

Natahimik sandali si mama Renee. “Unfortunately, wala yung mag-ama nung time na yun. Pero sabi naman ni Lady Priscilla ipapakilala na lang daw nya si Cinderella sa dalawa next time na magkita sila. Speaking of Cinderella, bakit di nyo try tignan ang mga designs nya. Tinignan ko ang portfolio nya and I can say that her designs are all stunning!” pagmamalaki pa ni mama Renee sa inaanak.

Nagkatinginan ang tatlo. “You know what mama Renee, I think you’re right! Mamas, Giselle, we better check Cinderella’s designs. I’m sure we’ll find something that will suit us. Thanks mama Renee” magalang na sabi ni Annie na pinagtaka naman ng mga kausap.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon