CHAPTER NINETEEN

5.4K 74 0
                                        

CHAPTER NINETEEN: Sparkling Invitation

“Ella, paano mo nga pala uli nakilala si Charlie?” tanong ni mama renee habang pauwi sila.

“Po?” nagulat si Cinderella.

“Si Charlie? Saan mo sya nakilala? Saka saan daw sya nagtatrabaho?” nakangiting tanong nito.

“Uhm…actually po medyo hindi maganda ang una naming pagkikita eh” at kinuwento ni Cinderella ang simula ng friendship nila ni Charlie.

“So hindi mo pa nakikilala ang family nya?” curious na tanong ng matanda.

“Hindi pa po. Pero nakilala na po naming yung bestfriend nya na si Phillip. Actually nanliligaw na nga po sya kay Jessie eh. Bakit nyo po natanong ninang?” nagtatakang tanong ni Cinderella.

“Wala naman. Nacurious lang. Mukha syang mabait no?” patuksong tanong nya sa dalaga.

“Opo. Mabait po talaga sya. Saka masarap kasama kasi may pagkakengkoy po eh” nakangiting sagot ni Cinderella na kitang kita ang kasiyahan.

“So incase na manligaw sya sa’yo eh may pag-asa bang sagutin mo sya?” walang kaabog abog na tanong ni Renee sa inaanak.

Biglang naubo si Cinderella sa tanong ng ninang nya. “Ninang naman! Kayo talaga parehong pareho kayo ni ate Doris masyadong showbiz!”

“Hindi nga, seryoso ako. Hindi naman imposible diba? Kitang kita naman kasi na espesyal din ang tingin nya sa iyo eh” nakangiting tanong ni Renee habang nakatingin sa reaksyon ni Cinderella.

Hindi agad nakasagot si Cinderella. Nagblush sya ng todo sa tanong ng ninang. “Hindi ko po alam. Sigu…ewan ko po. Saka ninang hindi naman po sya nanliligaw eh saka magkaibigan lang po talaga kami nun. Saka hindi pa naman po kami magkakilala ng husto para sa ganung relasyon eh.”

Napabuntong hininga si mama Renee. “Maybe you’re right. Siguro nga magkaibigan pa lang kayo ngayon, pero who knows diba? Saka siguro nga hindi pa talaga kayo magkakilala pero ikaw, ano bang nararamdaman mo?”

Napabuntong hininga din si Cinderella. “Ninang wag nyo po ako pagatatawanan ha. Saka wag nyo pong pagsasabi sa iba.”

Natawa ang matanda. “Mukha ba akong tsismosa? Sige promise, my lips are sealed!”

Tumango ng bahagya si Cinderella. “Eh kasi ninang sa totoo lang po kasi crush ko na po yata sya eh.”

Nagtakip pa ng mukha si Cinderella na kinatawa ng ninang nya.

“Ano namang masama dun? Naku hija, dalaga ka na. At darating talaga ang panahon na maiinlove ka din. May tatanong lang ako sa’yo. Kung sakaling dumating ang panahon na nagmahal ka ng isang tao na hindi mo naman gaano pa kakilala, tapos may bigla kang nalaman sa pagkatao nya na hindi mo inakala. Yung nalaman mong hindi pala talaga totoo yung pagkakakilala mo sa kanya, mamahalin mo pa ba sya?” seryosong tanong ni mama Renee.

Tinitigan muna sya ni Cinderella. “Ninang, tungkol po ba ito kay Charlie? May alam po ba kayo tungkol sa kanya na hindi ko alam?”

Ngumiti lang si mama Renee at nagkibit balikat. “I’m just asking what if. And besides, if ever I know something about him, I don’t think it’s up to me to tell you. It must come directly from him. Am I right my dear Ella?”

Tango lang ang sinagot ni Cinderella.

“So? What’s your answer?”

“Sa tingin ko po ninang, ang tunay na pagmamahal walang nakikitang anyo, o walang kinikilang pagkatao. Kung talagang mahal mo ang isang tao mahal mo talaga sya, kahit ano o kahit sino pa sya. Kung magkataong hindi pala maganda ang totoo nyang pagkatao, yun na siguro ang pagsubok para masukat mo kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa kanya. Saka po hindi lang naman po sayo lang nakasalalay kung ano ang kahahantungan ng nararamdaman mo eh. Nasa kanya rin po iyon. Kung mahal ka din ba nya. At kung sakaling mahal ka rin nya siguro naman po handa rin syang magpakabuti o kaya naman ay ipakita sa’yo ang tunay na sya” seryosong sagot ni Cinderella.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon