CHAPTER FORTY: The Fashion Show
Pagpasok pa lamang sa loob ng malaking venue kung saan gaganapin ang fashion show ay di na mapigil ni Cinderella ang malakas na pagkabog ng dibdib nya. Hindi pa rin sya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang oras ay malapit nang matupad ang isa sa mga pinapangarap nya.
Ang loob ng venue ay inayos base sa theme ng show na Fairy tale. Isa si Charlie sa mga naging abala sa pag-aayos doon. Nakita ni Cinderella ang stage backdrop na may replica ng glass shoes ni Cinderella. At doon ay may lettering na nakasulat ang mga salitang Fairytale na pamagat ng fashion show.
“Do you like it friend?” nakangiting tanong ni Jessie.
Tumango lang si Cinderella. “Sobra!”
“Si Charlie ang nagdesign nyan. Actually sya ang personal na nag-asikaso sa lahat ng yan. Nagpatulong pa sya sa mga friends nya” masayang kwento ni Jessie sa kaibigan.
“Ang saya saya ko Jessie. Pero kinakabahan pa rin talaga ako. May darating kaya mamaya?” kinakabahang tanong ni Cinderella.
“Naman! Sobra kayang ganda ng advertisement natin!”
“Ms. Buenavista?” tawag ng isang gay mula sa likuran. Ito ang nagsisilbing director sa show.
“Ah yes Arielle?”
“Dumarating na po ang mga models. Pati ang mga make-up artists nandyan na rin. Kaya anytime pwede na tayong mag ayos backstage” inform nito kay Cinderella.
“Thanks Arielle. Sige pupunta na rin kami dun. Let’s go Jess!” aya naman ni Cinderella sa kaibigan.
Sa likod ay sobrang busy na ang lahat ng mga tao. Ang mga models ay nagpapamake up na at nagbibihis na gayun din si Cinderella.
Ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang show. Sumilip pa si Cinderella sa kurtina at laking gulat nya na punung-puno ng tao ang buong venue. Lalo tuloy syang kinabahan sa nakita. Biglang tumunog ang cellphone nyang hawak dahil may nagtext.
“Break a leg my Cinderella! I believe and I know that you can make it! I love you!” laman ng text mula kay Charlie.
Napangiti si Cinderella at bahagyang nawala ang tension. “Thanks my Prince! I love you too!”
“Ms. Buenavista, I think we have a problem” nakakunot ang noong sabi ng director.
“What’s that?” kinabahang tanong ni Cinderella.
“Hindi dumating yung dalawang model!” sagot nito.
“Ha?! Sino?”
“Anastacia and Griselda Buenavista? I believe they are your sisters?” hindi siguradong tanong ni Arielle.
Nalungkot si Cinderella sa nalaman. “Yes, they are.”
“Paano yan sila pa naman ang magsusuot ng dalawang pang finale dress?” natetensyong tanong uli nit okay Cinderella.
“I’ll try to contact them. I’m sure they are just late, they’ll come!” hoping pa din na sabi ni Cinderella. Agad nyang tinawagan ang cellphone ng mga step sisters pero kapwa di mga macontact ang mga iyon.
“Okay models get ready! We’re on in 5 minutes! Mama Renee, Ms Buenavista are you ready?” tanong ni Arielle sa dalawa. Sabay abot ng microphone kay mama Renee dahil nagvolunteer syang iintroduce si Cinderella.
Lumabas si mama Renee sa stage at madidinig ang napakalakas na palakpakan.
“Good evening everyone! I’m so glad to be here tonight to introduce to you a new designer that will surely win your hearts with her simple, elegant and very fabulous designs! This designer is very dear to me and very close to my heart for she is my beloved daughter, a daughter not by blood but by heart. She inherited the magnificent talent of her parents as well as the fabulous taste of her godmother, that’s me! Well without further ado, I’m so proud to introduce my god daughter, Cinderella Buenavista!” bonggang bonggang pakilala ni mama Renee sa dalaga.
