CHAPTER TWENTY SEVEN:The Saddened Heart
“What?! You’re not coming? But why?” malungkot na gulat na tanong ni Charlie sa kausap sa telepono.
“Mahabang kwento eh. Pasensya ka na Charlie ha. Mukhang di ko matutupad ang pangako ko sa’yo” malungkot ang boses ni Cinderella sa kabilang linya.
“Hindi mo ba talaga kayang makarating? Dahil ba sa madrasta at mga kapatid mo?” bahagyang nabahiran ng galit ang boses ni Charlie.
“Naku hindi. Hindi dahil sa kanila. Ang totoo nyan kasi…medyo sumama ang pakiramdam ko. Tama! Sumama kasi ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin” pagtatakip ni Cinderella.
Kahit alam ni Charlie na nagsisinungaling lang si Cinderella para pagtakpan ang mga madrasta ay hindi na nya pinilit pa ang dalaga.
“Eh okay ka lang ba? Gusto mo samahan kita sa Doctor?” concern na tanong ni Charlie.
“Naku hindi na kailangan. Pahinga lang to. Mawawala rin to. Baka nga bukas okay na okay na ako eh.”
“Are you sure? You want me to go there?” dahil hamak na mas gusto nyang puntahan na lamang si Cinderella kaysa makipagparty sa mga taong di naman nya gaanong kakilala.
“Huwag na. Mag-enjoy ka na lang sa party, okay? Say hi to lady Priscilla and ninang Renee for me? And also, will you please greet Prince Montecarlo a happy birthday on my behalf, okay?” paglalambing pa ni Cinderella.
Napabuntong hininga pa si Charlie dahil alam nyang pinalalakas lang ni Cinderella ang loob nya. “Don’t worry, I will. I’ll even kiss he for you.”
“Yuck!” sabay mahinang tawa.
“Prince, the program will be starting in just a minute!” sabi ng organizer sa kanya.
“Oh ayan magiistart na pala kayo.Mukhang nandyan ka sa tabi ni Prince ah! Sinong mas pogi sa inyo?” biro pa ni Cinderella.
“Siyempre ako” biro di nya.
“Sige na hindi na kita iistorbohin, gawin mo na ang trabaho mo. Good luck!”
“Thank you. Pahinga ka ha? I miss you my Cinderella” malungkot na sabi ni Charlie.
Narinig na lamang nya na naputol na ang linya.
“Let us all welcome Don Ricardo Montecarlo and Lady Priscilla Montecarlo!” malakas na sabi ng host. Sabay malakas na palakpakan ng mga taong naroon habang kumakaway na bumababa ang magasawa sa grand staircase.
“And now let us all stand up as we welcome the birthday celebrant, Prince Charlie Montecarlo!” at malakas na palakpakan din ang sinalubong ng mga bisita lalo na ng mga kadalagahang naroon sa pagbaba ni Charlie.
Kahit nakangiti ay mababakas pa din ang lungkot sa mga mata ni Charlie. Mabuti na lamang at natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha ng maskara.
Pagbaba pa lamang nya sa ballroom ay sinalubong na sya ng mga bisita para batiin. Nag-uunahan din ang mga kadalagahan para sya ay malapitan at mabati.
Isa sa mga nakikigulo ay ang magkapatid na Giselle at Annie. Hnubad pa ni Annie ang mascara nya para makita sya ng maigi ni Prince.
Nagulat si Prince nang makita si Annie at Giselle. Mas lalong nadagdagan ang pagkainis nya dahil naisip nya ang posibleng ginawa ng mga iyon kay Cinderella kaya hindi ito nakasama.
“Hi Prince, my name is Anastacia Buenavista” pakilala nito sa binata.
“And I’m Griselda Buenavista, but you can call me Giselle for short!” maarteng sabi ni Giselle.
“Good evening Anastacia, Griselda! So you’re a Buenavista? I remember seeing the guests list, and I believe that there’s another Buenavista on that list. Cinderella? Cinderella Buenavista, am I right? Are you somehow related to her?” wari ay di nya alam na step sister nila si Cinderella.
“Oh yeah! She’s our step sister” maarteng sagot ni Annie.
“She can’t make it tonight because she doesn’t have anything to wear. Because ate Annie took her gown” taklesang kwento ni Giselle.
Kinurot tuloy sya ni Annie sa tagiliran. “Aray!”
“Don’t listen her. She’s just my crazy little sister” saba irap pa kay Giselle.
Napailing lang si Charlie sa pa-uugali ng dalawa.
“Anyway, Cinderella’s not here because she doesn’t like parties. Especially extravagant parties like this! She doesn’t know how to socialize like us!” maarteng paninira ni Annie kay Cinderella.
“Is that so? Well poor Cinderella, right? I hope she can make it before midnight strikes! Anyway, I think I have to entertain the other guests? Nice talking to the both of you” magalang na pamamaalam ni Charlie. Pagtalikod nya ay halatang inis na inis sya sa dalawa.
Samantalang ang dalawa naman ay di magkandatuto sa sobrang kilig dahil nakausap nila si Prince Montecarlo.
“Uhm…excuse me. I believe you still can’t remove your masks. There’s a certain part of the program when all the guests will reveal their selves. I hope you don’t mind?” paninita ng organizer sa dalawa.
Inirapan lang ng dalawa ang baklang organizer.
Buong gabi ay walang ginawa si Charlie kung hindi kumamay makipagbeso beso, makipagusap sa kung kanikaninong tao. Mabuti na nga lang at dumating si Phillip kahit napilitan lang kaya kahit papano ay may nakakausap si Charlie.
“Gretta, Annie, Giselle? Kayo ba yan?” tanong ni mama Renee sa tatlong babaeng nakaupo sa harap ng isang round table.
“Mama Renee!” nagulat na sabi ni madam Gretta.
“Nasaan si Cinderella?” nag-aalalang tanong ni mama Renee.
“Uhm…hindi sya nakasama. Ang sabi sa amin…masama daw ang pakiramdam nya” pagsisinungaling ni madam Gretta.
Hindi naniniwala si amam Renee. Napansin nya ang suot ni Annie. “Teka Annie, diba gown yan ni Cinderella? Bakit ikaw ang may suot?”
“Naku mama…kasi…kasi sabi nya dahil daw hindi sya makakarating ipapasuot na lang daw nya sa akin ito para makita ng mga tao” pagsisinungaling din ni Annie.
Hindi na nagsalita si Giselle. Pero halata sa mukha nya ang pagkakunsensya sa mga nangyari.
“Ganun ba? Oh sige maiwan ko na muna kayo dyan ha. Aasikasuhin ko lang yung ibang isusuot ni Lady Priscilla” pagpapaalam ni mama Renee sa tatlo. Lubos syang nag-aalala sa inaanak kaya naisip nyang tawagan ang telepono sa bahay nila Cinderella sa halip na sa Cellphone ng dalaga. Dahil tiyak nyang hindi nito sasabihin ang totoo.
A/N
Please wait for the update. Medyo busy lang po ng konti sa work at MA classes! Thanks sa support! Please vote and Comment!
Xoxo
Rielle Ziyanna
