EPILOGUE

6.1K 147 76
                                        

EPILOGUE: And They Live Happily Ever After

(Now Playing…Got to believe in magic)

“Malakas at malamig ang ihip ng hangin nang araw na iyon. Makulimlim lamang ang sikat ng araw. Habang ako ay nakasakay sa gondola na ito na maghahatid sa akin sa kabilang panig ng lagoon na ito kung nasaan ang paborito kong gazebo. Ang gazebo na naging saksi sa masasayang mga araw naming pinagsaluhan. Ang mga araw na nagbabike kami, pagkatapos ay mamamahinga at kakain ng pizza o spaghetti lalo na ng aming paboritong Cappuccino Frappe.”

Pagbaba nya sa gondola ay natanaw nya ang malawak na damuhan kung nasaan ang lahat ng taong mahalaga sa kanya. Lahat ay nakangiting nakaabang sa pagdating nya.

Habana naglalakad si Cinderella palapit sa white carpet na nabubudbudan ng iba’t-ibang kulay ng rose petals. Napadako ang mata nya sa mga babaeng nakaupo sa huling hilera ng mga upuan. Si madam Gretta at si Annie.

“Cinderella, ang totoo nyang wala na talaga akong mukhang maihaharap sa iyo dahil sa lahat ng nagawa naming kasalanan sa iyo. Sana mahanap mo sa puso mo ang pagpapatawad sa amin. Napakabuti mo para hindi kami pagbayarin at gantihan. Pero ang kunsensya namin ang hindi nagpapatahimik sa amin. Ang kunsesnya namin ang naniningil sa amin. Patawarin mo kami?” umiiyak na paghingi ni madam Gretta ng patawad ilang buwan na rin ang nakalilipas.

Lalo na ako Cinderella. Napakalaki ng kasalanan ko sa iyo. Nagpadaig ako sa inggit. Tama si Giselle. Napakabuti mong tao kaya hindi nararapat lahat ng pinaggagawa ko sa iyo. Sana patawarin mo ako? Sobra na akong nagsisisi sa lahat ng ginawa ko sayo. Sorry, sorry, sorry” humahagulgol na sabi ni Annie.

Napaluhod pa ang mag-ina sa harap ni Cinderella. Kaya pinigil ito ni Cinderella. “Wag po kayong lumuhod. Please? Mama Gretta, Ate Annie, matagal ko na po kayong napatawad. Kahit kalian hindi ko kakayaning magkimkim ng sama ng loob sa inyo sa Mahabang panahon dahil mahal na mahal ko po kayo. Kayo po ang pamilya ko. Kaya sana po magsimula po tayo ng maganda at maayos na simula.”

“Salamat Cinderella! Thank you talaga!” kapwa sabi ng mag-inang Gretta at Annie na walang patid sa pag-iyak na niyakap nang mahigpit ni Cinderella.

Napangiti si Cinderella sa dalawa. Masaya syang muling naayos ang samahan nila at mas naging maganda pa. Hindi man muling bumalik sa bahay ang mag-iina ay naging maayos naman ang kanilang relasyon. Patuloy sa sariling negosyo ang madrasta nya samantalang ang mga kapatid naman ay dumami na muli ang mga offers mula nang makita silang nagmodel sa fashion show ni Cinderella.

Patuloy sya sa paglakad sa white carpet nang makita naman nya ang mga bagong kaibigan. Ang mag-asawang Red at George katabi ang kanilang ilang buwan na ring anak. Pati na rin ang mag-asawang Isaac at Enid. Ang kambal na anak ng dalawa ay nagsilbing ring bearer at flower girl.

Sa bandang unahan ay nakatayo sina Doris at Mang Ador na angsilbing kapatid, kaibigan at ikalawang mga magulang nya. Sa tabi nila ay ang kanyang ninang Renee, ang kanayng ina-inahan o ama-amahan na sumuporta sa kanyang mga pangarap.

Sa solohang upuan ay kanyang minamahal na bestfriend, si Jessie. Nakasuot ito ng kulay blue ng dress habang hawak ang isang bugkos ng dilaw na mga bulaklak. Napakalaki ng pagkakangiti nito. Ang kanyang kaibigan na karamay nya sa hirap at saya, sa dusa at sa ligaya. Ang kaibigang kahit kalian ay hindi sya iniwan at pinabayaan. Masaya syang magkaroon ng isang kaibigang tulad ni Jessie.

Sa itinayong altar sa gazebo ay natanaw nya ang mag-asawang Ricardo at Priscilla. Ang mag-asawang itinuring syang tunay na anak at ilang oras na lamang ay magiging mga tunay na nyang magulang. Katabi nito si Phillip na naging katuwang ni Jessie sa pag-alalay at pagdamay sa kanya.

At sa pinakadulo ay ang napakagwapong lalaki na nakasuot ng cream na tuxedo at may maliit na puting bulaklak sa bulsa. Ngunit ang pinakamagandang tigna sa kanya ay ang kanyang napakagandang ngiti. Kitang-kita na nangingilid ang mga luha sa mga mata nito pero pilit na pinipigil. Napangiti si Cinderella nang makita iyon.

Ang kanilang mga mata ay walng kakurap kurap na nakatitig lamang sa isa’t-isa. Ramdam na ramdam ni Cinderella ang kaligayahan ng mga sandaling iyon. Suot ang puting gown na ginawa ng kanyang ina, ang diamond earrings na pamana ng kanyang ama at ang glass shoes na regalo ng kanyang mapagmahal na nobyo na ngayon ay magiging asawa at kabiyak na ng kanyang puso.

Marahang inabot ni Charlie ang kamay ni Cinderella at inalalayan itong lumakad papunta sa altar.

“Miss pwede ka bang makasayaw mamaya?” bulong ni Charlie sa kanya.

Napangiti siya. “Pag-iisipan ko pa.”

“Ako nga pala si Prince Charlie Montecarlo. Eh pwede bang malaman na lang ang pangalan ng pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko?” malambing na tanong ni Charlie.

“Ang pangalan ko ay Cinderella” malambing ding sagot niya.

“Can I call you…my Cinderella?”

**********End************

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon