CHAPTER TWENTY EIGHT

5.1K 68 10
                                        

CHAPTER TWENTY EIGHT: Confused Feelings

Nakatitig lang sya sa kawalan tinitignan ang daan habang pauwi na sila. Di nya alintana ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Jessie.

“Cinderella okay ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Doris.

Napatingin si Cinderella kay Doris sabay nginitian nya ng ubod ng tamis.

“Nandito na tayo. Ayos mukhang naunahan natin sila. Tara na friend, pasok na tayo sa loob para makapagbihis ka na agad!” mabilis na ipinasok ni Jessie ang sasakyan sa garahe nila Cinderella.

Agad na nagbihis si Cinderella ng damit. Maingat nyang inihanger ang gown sa isang sulok habang tila namamangha pa ring nakatitig dito.

“Uy friend! Okay ka lang ba? Alam mo kanina pa ako nawiweirduhan sa’yo!” nakataas ang kilay na sabi ni Jessie na nakaupo na sa kama ni Cinderella. Naisipan nyang magsleep over na lamang doon.

“Oo naman. Okay lang ako” nakangiting sagot ni Cinderella.

“Ano ba talagang nangyari? Magkwento ka nga!” untag ni Jessie sa kaibigan.

Biglang pumasok si Doris dala ang dalawang basong gatas.

“Nandyan na ang mga bruhilda! At mukhang galit na galit! Ang sabi pa ni Annie, sobra daw talagang nakakainis yung babaeng nakasayaw ni Prince. Biruin mo daw sinolo daw talaga nya si Prince. Dahil dun sa babaeng yun lang daw nakipagsayaw. Naku kung anu-ano pa ang sinasabi nung magiina! Kesyo daw feeling daw nung babae maganda sya porket maganda yung gown nya. Late na nga daw feeling VIP pa!” masiglang kwento ni Doris sa dalawa.

Napatingin si Jessie kay Cinderella. “Ella, don’t tell me ikaw yung sinasabi nila?”

Isang impit na ngiti at tango lang ang isinagot niya sa kaibigan.

Napatalon pa sa kama si Jessie. “Oh my gosh! Nakasayaw mo si Prince? Ano? Kumusta? Anong sabi nya? Naku sabi ko na nga ba sa’yo friend pag pumunta ka dun ikaw talaga ang mapapansin nya eh! Ano na? Magkwento ka!”

“Ano namang ikukwento ko? Wala namang masyadong nangyari. Nagsayaw lang kami. Halos di nga kami nag-usap eh. Nung magpakilala naman sya dun na yung nataranta na akong umalis dahil nga nakita kong wala na sila mama Gretta.” Mahinang kwento ni Cinderella.

“You mean nagsayaw lang kayo buong gabi? As in that silent and peaceful dance lang?” di makapaniwala si Jessie.

Tumango lang si Cinderella.

“So, how does it feels?” tila kinikilig pang tanong ni Jessie. Si Doris naman ay tahimik lang ding nakikinig.

“Wa…wala lang.”

“Wala lang? Bakit chaka ba?” singit na tanong ni Doris.

“Hindi naman. Hindi naman siguro. Kasi naman nakamaskara kaya kami. So paano ko naman makikita kung gwapo talaga sya. Pero seeing how beautiful Lady Priscilla is, I’m sure gwapo sya.”

“Eh ano? May kilig factor ba?” excited na tanong ni Jessie.

“Ewan ko. Siguro. Alam nyo nung kasayaw ko sya, may kung ano akong naramdaman eh. Yung para bang kinikilig ako na kinakabahan na…ewan ko ba. Basta parang pamilyar yung pakiramdam eh. Yung para bang kilala ko na sya. Lalo na nung nakatingin ako sa mga mata nya. Iba talaga eh. Basta alam ko parang nakita ko na yung mga matang yun eh. Hindi ko lang masigurado kung saan at kung kalian kasi madilim yung paligid. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha nya. Ewan ko ba! Basta!” nalilitong kwento ni Cinderella.

“Baka naman nalove at first sight ka?” kinikilig ding tanong ni Doris.

“Ano ba yun? Love agad?” nagulat na tanong ni Cinderella.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon